Chapter 18

29 6 0
                                    


Irish Kristel POV

Its my birthday, sobrang naeexcite ako kasi 19 na ako wahhh at ang wish ko ngayong  birthday ko ay ang makakotse at matutong mag drive.

12 am na nang umaga. Sakto birthday ko na.

Napatingin naman ako sa phone ko kasi tumawag si DP napa ngiti naman ako at agad ko yung sinagot .

"Hello?"

"Labas ka, andito na ako" Sabi nya saakin kaya agad akong tumakbo palabas ng bahay pero teka asan si DP?, bakit wala yung kotse nya dito?. Isang black and pink na vios yung nasa harapan ko. Nagulat naman ako dahil lumabas si DP dun sa kotse na yun.

"Like it?" Tanong nya saakin

"Oo, bago?" Tanong ko sakanya

"Yep, pero hindi para saakin" Sagot nya na kinataka ko.

"Eh para kanino?" Tanong ko sakanya, sa phone pa din kami nag uusap, parang tanga eh kasi magkaharap naman na kami.

"It's for you Miss Sulad Happy 19th birthday, I love you" Sabi nya saakin.

Agad naman akong napatakbo sakanya at napayakap.

"DP thank you, akin talaga to?, may kotse na ako?" Hindi ko makapaniwala na tanong sakanya

"Dahil birthday mo Miss Sulad, I will be your ginnie at lahat ng wish mo tutuparin ko" Sabi saakin ni DP.

" Talaga?" Tanong ko sakanya.

"Oo, happy birthday again" Bati nya saakin
Humiwalay naman na ako sa pagkakayakap sakanya.

"Wanna drive?" tanong nya sakin

"Hindi ako marunong"

"Don't worry tuturuan kita, don't worry I won't let you down" Sabi nya saakin dahil sa banat ni DP napasubo ako na mag drive.

Kinakabahan ako ngayon kasi pano pag nabangga kami or naaksidente wag naman sana lord.

"Wag kang kabahan you can do this" Sabi nya saakin tapos sumakay na sya sa passenger seat at nag kabit sya ng seatbelt nya.

"Ok, automatic naman tong car kaya madaling matutunan" Sabi nya saakin tapos tinuruan na nya ako.

Grabe ang saya kasi pagkatapos ng ilang trials marunong na din ako.

Nasa bahay na ulit kami ngayon at bumaba naman na kami ng kotse.

"DP, this is my best birthday ever" Nakangiting sabi ko sakanya

"I'm so glad to hear that" Sabi ni DP saakin.

"Aside from this car Miss Sulad ano pa yung birthday wish mo?" tanong ni DP saakin kaya bigla akong napa isip, Oo nga pala ginnie ko nga pala saya for today.

"Ang makasama yung taong mahal ko at ik-"

Napahinto naman ako kasi simple syang napangiti sa sinabi ko. Pero yung ngiti nya mapait,  alam yung  parang nasaskatan ganon, bakit naman, may mali ba sa sinabi ko?.

"Miss Sulad pumasok kana, happy birthday again I love you" Sabi nya tapos sumakay na sya sa kotse nya at umalis na at ako naman naiwan akong tulala.

Ano daw?, bakit bigla nalang syang umalis hay ang weird. Napailing nalang ako at pumasok nalang sa loob ng bahay.

LOSE YOU TO LOVE ME(PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING)Where stories live. Discover now