Chapter 12

51 7 0
                                    

Irish Kristel POV

Wala kaming pasok ngayon, sunday kasi at syempre naeexcite din ako kasi 1st anniversary namin ni DP.

Di ko alam kung malulungkot ako o ano eh, pano ba naman lumipas ang mag hapon ng wala syang paramdam saakin. Ngayon 8pm na pag eto wala pa rin ewan ko nalang.

Habang nag mumuk-mok ako sa kwarto ko napatingin ako sa phone ko, nakita ko naman na si DP na tumatawag.

Dapat ba mag papakipot pa ako?, kaya lang sadya akong marupok kaya sinagot ko na agad HAHAHA.

"Hello?"

"Miss Sulad, lumabas ka ng bahay nyo" Sabi nya saakin

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Basta" sagot nya saakin.

Grabe naman tong si DP boses palang kilig na kilig na ako. Sobrang bilis ng tibok mg puso ko at hindi na ako makahinga ng maayos.

Agad ko namang sinunod yung sinabi nya. Lumabas ako ng bahay namin. Nagtaka naman ako kasi wala sya, wala yung kotse nya, nasan sya?.

"Asan ka?" Tanong ko

"Turn around" sabi nya saakin. Napatingin naman ako sa likod ko. Napangiti naman ako nung makita ko sya tapos may hawak syang isang boquet na blue roses. Ang dami nga nung roses eh hindi ko mabilang.

"Happy First Anniversary Miss Sulad" Sabi nya saakin through the phone. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya saakin, hindi ko na kayang itago yung kilig ko. Punyemas ka DP nawawala angas ko sayo HAHAHA.

Inend naman na nya yung tawag tapos  nilagay na yung phone nya sa bulsa nya at nag lakad  na sya palapit saakin.

"365 roses" Sabi nya saakin tapos inabot nya saakin yung roses na hawak nya.

"A-akala ko nakalimutan mo na eh" Sabi ko sakanya

"Paano ko makakalimutan ang araw na pinapasok mo ako sa buhay mo" Sabi nya sakin

"Hay pano ba yan wala akong gift. Ikaw kasi eh anniversary natin tapos hindi man lang kita mahagilap" Reklamo ko sakanya

"It's not important, kahit wala kang gift ang importante andito ka, Ikaw na ang pinaka magandang regalo sa lahat" Sabi nya saakin.

Hay nako DP, hindi ka pa nag sasawa na pa kiligin ako.

"Let's go somewhere else"Sabi ni ni DP saakin tapos hinawakan nya yung kamay ko.

" Sandali hindi pa ako nag papalalam kela lola"Sabi ko kay DP

"Don't worry na ayos ko na lahat, napag paalam na kita sakanila" sabi nya saakin.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya tapos sumakay na ako sa kotse nya.

Hindi ko alam kung saan kami papunta na ngayon. Pero ok lang naman saakin kahit saan, basta kasama ko sya. Napatingin naman ako kay DP nung hinawakan nya ang kamay ko habang nag dri-drive sya.

Napangiti naman ako lalo na nung hinalikan nya ito tapos tumingin sya saakin at binalik ulit yung tingin nya sa daan.

Ang gwapo nya hayy.

Bumaba naman na kami ng kotse nya. Nagulat naman ako kasi sinootan nya ako ng blind fold.

"Para san to DP?" Tanong ko sakanya

"Makikita mo din, wait lang" Sabi nya saakin

"Miss Sulad in the count of three tatanggalin mo na yung blindfold" Sabi ni DP saakin, pa simple naman akong ngumiti

"1,2...3"Narinig kong bilang ni DP kaya nung pagkasabi nya ng 3 tinaggal ko na  agad yung blind fold.

Napatakip naman ako sa bibig ko sa gulat. Asa labas kami ng Enchanted Kingdom, asa harapan ko si DP ngayon, nakangiti sya sa harapan ko tapos tinuro nya yung langit kasabay nun yung napakaraming fire works.

LOSE YOU TO LOVE ME(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now