CHAPTER 22

11K 362 9
                                    





"Ang ganda!" Sabi ni Aella ng makababa siya mula sa pagkaka-buhat ng Daddy niyang si Azul.


"Wag kang tumakbo anak!" Sigaw ko naman habang inaalalayan ni Azul makababa sa yate na sinakyan namin. Ang bilis talaga ng batang ito tumakbo, akala mo hindi galing sa operasyon eh. At ni hindi man lang din kanina nahilo sa mahigit isang oras naming biyahe papunta dito, samantalang ako ay nakalupaypay na kanina sa pagkahilo.


"Hayaan mo muna siya, hihinto din 'yan." Sabi ni Azul na sinenyasan ang kasama nila na ibaba ang mga gamit na dala nila.


"'Yong tahi niya kase baka mapano."

"Hindi 'yan, isa pa magaling na ang tahi namin na dalawa, at may kasama naman kayong doktor." Ani ni Azul.


"Kaninong lugar 'to? Ang ganda nga." Sabi ko habang tinitingnan ang palibot ng pinuntahan namin, akala ko nagloloko lang si Azul pero totoong isla pala talaga. Parang pulbos nga ang buhangin sa sobrang puti.


"My friend own this, tara doon tayo sa beach house." Tinuro ni Azul ang isang bahay sa pinaka gitna, this is the second time he went here at ang una nga ay noong kasama niya ang mga kaibigan niya. Birthday 'yon ng anak ni Bullet Fierro, ang kaibigan niyang abogado at may-ari nitong isla. He asked him if he can bring Savannah and their daughter here, naririndi na din kase siya sa araw-araw na pagkikita nila ni Supremo at Arken at kapag nagpatuloy ang pag-gigirian nilang tatlo ay baka hindi na talaga siya gumaling agad.


"Ang ganda din ng bahay Azul, at may kuryente pa!" Sabi ko pagpasok namin sa loob, gawa sa kahoy at semento ang buong bahay at napaka-aliwalas sa loob. Malalaki din ang mga bintana kaya pasok na pasok ang mga hangin.


"Buti naman at nagustuhan mo, we can stay here until Christmas or kung kailan mo gustong umuwi." Nagpunta si Azul sa may kusina at binuksan ang ref kumuha siya ng maiinom doon at binigyan si Savannah. Ito ang talagang una niyang sinabi kay Bullet na magpa-grocery ng mga pagkain para pagdating nila ay mero'n silang mailuluto. At buti naman sinunod nito 'yon dahil mukhang kumpleto naman ang binili ng caretaker ng isla dahil puno ang ref.


"Hindi naman siguro kay Marcus 'to no?" Curious kong tanong matapos buksan ang pineapple juice na binigay niya. Sa yaman ni Marcus at dami ng ari-arian niya hindi na nakakapagtaka kung mero'n siyang sariling isla.

"Nope hindi kanya 'to, kay Bullet." Sagot ni Azul, he paid his friend very well. Isang motor ang binayad niya dito para lang mapapayag ang kaibigan na makapag-stay sila ditong tatlo. At alam niyang hindi tatanggi ang abogado dahil ang gusto nitong motor ang binigay niya. And he asked him not to say about this on the Dela Luna twins or even on their other friends. Dahil pag nagkataon baka ilibing na talaga siya ng mga kapatid ni Savannah.


"Bullet? Ahhh 'yong sinasabi ni Arken na abogago!"


Natawa naman si Azul sa sinabi ni Savannah. Abogago pa nga. "Yes, that's him."


"Mag-eenjoy dito si Aella, isang beses pa lang kase siya nakapunta sa dagat." Tumingin ako sa bintana at dahil bukas 'yon nakita ko ang anak namin na tuwang-tuwa sa may buhanginan. Hindi ako nag-leave sa trabaho dahil kinausap ko si Amara bago ako pumayag kay Azul na sasama kaming mag-ina sa kanya. At sabi nga niya ay siya na daw ang bahala. Pinangako din niya sa akin na maski sa asawa niyang si Marcus ay hindi niya sasabihin na sumama kami kay Azul.

"That's good, at mas makakapag-relax siya dito at mas mapapabilis ang pag galing niya."




Manila..

"Lagot talaga sa akin 'yang Azul na 'yan kapag nakita siya namin ni Arken." Galit na sabi ni Supremo, kahapon pa nila hinahanap ang kapatid niyang si Savannah pati na ang pamangkin na si Aella pero hindi talaga nila alam kung saan ba ang mga ito nagpunta. Maski si Azul ay wala din. "Wala ba kayong alam kung saan puwede dalhin ni Azul ang kapatid ko?"


"Wala pare, baka naman nag out of town lang sila." Sabi ni Samuel.


"Oo nga baka nag out of town lang." Sabi din ni Gael na lumuwas ngayon sa Maynila.



"Ikaw Fierro? Wala ka bang alam kung saan dinala ni Escarra ang kapatid ko?" Baling ni Supremo sa katapat niya sa upuan na abogado.



"Wala kong alam no, isa pa hayaan mo muna silang tatlo malalaki na 'yang mga 'yan." Sagot ni Bullet na busy naman sa pag-kontak sa kaibigan nilang si Hugo. Pinapadala niya dito ang mga gusto niyang design at gagawin para sa ipapa-costumize niyang motor na binigay sa kanya ni Azul. He will not tell on his friend that Azul and Savannah is now on his island in Batangas. Maganda nga 'yon at may tao sa isla niya ngayon at nagkaroon pa siya ng motor.



"Magpapasko pa naman, magpa-party tayo diba?" Si Maximum na katabi ni Samuel. Ang mga asawa nila ang may gusto no'n kaya syempre nag-oo na lang din sila.




"Yes at kapag hindi binalik ni Azul ang kapatid ko at pamangkin ko bago magpasko hindi na din siya aabutan ng bagong taon." Sabi ni Supremo bago tumayo at iniwan ang mga kaibigan.




#maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon