CHAPTER 13

12.8K 395 27
                                    




Nangangati na kamay ko, ang tagal ng sana palaging ganito niyo Azul🤦‍♀️😆




Ang nakasimangot at naka-pameywang na si Marcus ang nakatayo sa harap ng mga kaibigan niya. Parang gusto niyang lapitan ang mga ito at pagbabatukan ngayon.


"Ipapa-ban ko na talaga kayo dito sa ospital ko. Hindi na kayo nahiya? Ang iingay niyo kapag pumupunta kayo dito, ospital 'to naiintindihan niyo? Hindi ito pasyalan." Sabi ni Marcus bago tumingin kay Supremo. "Tapos ikaw naman Supremo hindi ko alam na siraulo ka pala, paano kung natamaan mo si Azul sa pagbaril mo kanina sa kanya? Eh di hindi natuloy ang operation nila bukas."
The hospital director of his hospital called him a while ago, sinabi nito na may nagpaputok daw ng baril sa loob mismo ng ospital niya kaya naman kahit may meeting siya kanina ay pumunta siya agad dito sa ospital at heto na nga nalaman niya na mga kaibigan niya palang siraulo ang may gawa no'n.
Buti na lang din talaga at hindi natamaan si Azul sa ginawang pagbaril ni Supremo dito dahil kung hindi siguradong hindi matutuloy ang kidney transplant nito at ni Aella bukas.


"Hindi naman siya tinamaan ah, tsaka hindi ko naman talaga siya patatamaan." Sabi ni Supremo, pinatama niya ang bala sa dingding kanina pero ilang dangkal na lang talaga ang layo no'n kay Azul. "Galit ako sa gagong 'yan imagine sa dinami-dami ng babae kapatid ko pa talaga ang ginago niya? Samantalang mas matanda siya ng di hamak sa kapatid ko. He got my sister pregnant when Savannah was only nineteen, at siya pala talaga ang nakabuntis sa kapatid ko." Sarkatisko niyang sabi, nagkita pa naman sila kanina ng kambal niyang si Arken at kinuwento nga nito ang nangyari kagabi. "Sinong hindi magagalit? he leave my sister when Savannah needed him the most. Then what after eight years babalik 'yang gagong na 'yan sa buhay ng kapatid ko at ng pamangkin ko na parang walang nangyari? wow just wow!"


"Ipagpaliban mo na muna 'yong galit mo Dela luna kay Azul, tsaka mo na siya bugbugin pag natapos na ang operasyon nila ng anak niya. But for now you need to calm down para matuloy na ang operasyon nila ni Aella bukas." Sabi ulit ni Marcus,
Natural lang na magalit si Supremo dahil kanina lang din naman talaga nito nalaman na si Azul pala talaga ang nakabuntis sa kapatid niyang si Savannah pero hindi kasi tama na magalit ito ngayon at mamaril dito mismo sa loob ng ospital niya.


"Talagang 'yon ang paghandaan mo Escarra dahil kapag natapos ang operasyon niyo bukas at gumaling ka kaming dalawa ni Arken ang mismong bubugbog sa 'yo at tandaan mo 'yan." Sabi ni Supremo bago iniwan ang mga kaibigan niya at lumabas na ng kuwarto. Hindi man naging vocal sa kanila si Savannah o close sa kanila ni Arken simula ng maliit pa ito at malaman nga nilang kapatid nila ay hindi naman puwedeng pabayaan na nila ito. Dahil kahit anong mangyari kadugo at totoong kapatid nila si Savannah at pamangkin nila talaga si Aella. At ngayong kilala na nila ni Arken kung sino ba ang tumarantado sa kapatid nila oras naman na siguro para sila naman ang gumanti.





Hindi malaman ni Savannah kung uupo ba siya o tatayo habang naghihintay sa harap ng operating room. Dalawang oras na simula ng ipasok doon sina Azul at ang anak na si Aella at dalawang oras pa ang hihintayin niya para matapos ang buong operasyon dahil tatagal nga daw ito ng apat na oras.
Kasama niya ngayon si Amara samantalang ang Kuya Arken at kuya Supremo niya ay babalik nalang daw dito mamaya. Nandito din si Marcus pero kasama naman nito ang mga kaibigan niya.



"Hi bumili nga pala kami ng kape, and don't worry safe 'yan. Hindi 'yan 'yong kape na binebenta ni Amethyst." Sabi ni Ara bago inabot kay Savannah at Amira ang binili niyang kape para sa mga ito.


"And here I brought some cookies, para habang naghihintay tayo ay may nginangatngat naman tayo kahit papaano." Sabi naman ni Lizzeth na inabot din ang kulay pulang box na naglalaman ng red velvet cookies.


"S-salamat." Nahihiya kong sabi, sila pala ang mga asawa ng kaibigan nila Azul at isa lang ang masasabi ko ang babata pa nila pero atleast hindi naman menor de edad. So lahat kami nabiktima ng magkakaibigan na 'yon?



"Ay ako wala akong dalang kape or cookies pero I'll give this to you Savannah." Sabi ni Amethyst bago inabot ang maliit na paper bag. "I'm sure magugustuhan mo 'yan at magagamit." Excited pa niyang sabi.




Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang inabot niya pero tinanggap ko na lang din. Nilapag ko ang kape na binigay ni Ara sa katabi kong upuan para tingnan ang laman ng paper bag.



"Hala! Bakit may ganito?"
Hindi naman ako inosente para hindi malaman kung ano ang binigay sa akin ni Amethyst na asawa ni Rios Sandoval na isang police captain, na kanina ko lang din nakilala. "S-saan 'to galing? Tsaka bakit mo ako binigyan ng ganito?"



"Ay naku alam mo kasi may business kami at ganyan ang mga binebenta namin." Masayang kuwento ni Amethyst kay Savannah na talagang tinabihan pa ito. "Ang ganda diba? twelve inches dildo 'yan may kasama na din 'yang lubricant. At kapag ginamit mo 'yan isang sagad langit agad!"



Hinila naman ni Brielle ang buhok ni Amethyst, papasa talagang ahente ang gagang 'to eh. Napaka galing magpaliwanag ng produkto eh, pero alam niya namang natututunan lang nito ang ganito sa pinsan ng asawa niyang si Samuel na walang iba kung hindi ang kaibigan nilang si Abigail. "Don't mind her Savannah, ganyan lang talaga ang babaeng 'yan."



"Sussss nagsalita ang order ng order ng spiking condom sa store, akala mo Brielle ha, di ko alam na gustong-gusto niyong gamitin 'yon." Pang-aasar ni Amethyst pero bago pa mahila ulit ni Brielle ang buhok niya ay umiwas na siya agad.



"Tumigil na nga kayo, puntahan niyo na lang ang mga asawa niyo doon." Saway ni Amara, ito na nga ba ang kinakatakot niya ang makilala ni Savannah ang mga kaibigan niya lalo na si Amethyst na peligro na yata ang bagong apilido.




#maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon