CHAPTER 04

15.8K 470 63
                                    




Hi! M.A series 01 to 07 is now available on pdf file. Pm niyo ko sa fb page ko sa may gusto, at opo may bayad.


Nakakunot na tinitingnan ni Azul ang assistant niya sa clinic dito sa Delgado hospital habang nakikipag-kuwentuhan ito sa nurse na dumaan. He heard the name of his friend Marcus, na ito yata ang pinag-uusapan ng dalawa.



"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ng binata ng makapasok sila sa clinic niya. Wala pang ala una ng hapon at napaaga ang dating niya dito pero may ilang pasyente ng naghihintay sa labas.



"N-naku Doc wala po 'yon." Parang nasakote na sagot ng assistant ni Azul.



"Anong wala? I heard the name of my friend so ano ngayon?" Tanong pa ni Azul, mahilig talagang makipag-chismisan itong assistant niya sa ibang empleyado dito sa ospital at kung minsan nga ito pa ang nagbabalita sa kanya ng mga nangyayari dito.



"Basta Doc hindi ito galing sa akin ha? Usap-usapan lang 'to dito sa ospital." panimula ng trenta'y uno na si Felicity sa kanyang boss.



"Ano nga? Tell me para makapag-umpisa na tayo at hindi humaba ang pila ng pasyente." Naiinip na sabi ni Azul.



"Usap-usapan ho kase dito sa ospital na may other family si Sir Marcus dahil may kasama ito na nagpunta dito noong nakaraang linggo at kahapon."


"Other family? What you mean other family?"



"Na may kabet daw po si Sir Marcus, at ang laki na nga daw ng bata eh. Kaso may sakit kaya sinamahan ni Sir doon sa rheumatologist sa itaas."



Rheumatologist? that's a doctor for people who are diagnosed with arthritis and other immune related disease.
"You mean ang may sakit ay ang bata?" Tanong ulit ni Azul.



"Yes Doc, may lupus daw ang bata tapos 'yon nga po kasama nga daw ni Sir Marcus 'yong mag-ina."



Naupo si Azul sa swivel chair na nasa likod niya. Babae? May ibang babae si Marcus? How come? Eh patay na patay ngayon sa asawa niya. "How old the kid?"



"Sabi ho ng nurse kanina mga seven or eight years old daw. Ang ganda nga daw hong bata pero syempre iwas ang mga emepleyado na magtanong at mag-urirat dahil siguradong magagalit si Sir Marcus."



"I'm not sure on that, kaibigan ko si Marcus at wala naman akong nabalitaan na may mistress siya o ano."



"Pero Doc narinig kase nila na ang tawag kay Sir Marcus nung bata ay Daddy. So ano 'yon Sir? Alang naman magtawag ang bata ng gano'n kung hindi niya Daddy si Sir Marcus diba?" Sabi pa ni Felicity.



"Hindi ko alam, sige na mag-umpisa na tayo." Pagtataboy niya sa assistant. But Azul was also confused, hindi niya maisip na magkakaroon ng babae si Marcus dahil alam niyang mahal mahal nito ang asawang si Amara. So how come? At sino ang kasama nito?




The afternoon sun bathed the buildings in it warm light. After his duty on Delgado hopital Azul went to his friends bar in Taguig, madilim na nga ng makarating siya doon. Nakatanggap siya ng text message mula sa kaibigang abogago na si Bullet at sinabi ngang nandoon daw ang mga ito at dahil wala naman siyang gagawin pag-uwi ng condo niya ay dumiretso siya dito.



"Alam mo ba ang kumakalat na balita sa ospital mo?" Azul asked Marcus after he drink he's beer. Nilapitan niya ito habang ang iba nilang mga kaibigan ay sige ang asaran at kuwentuhan sa loob ng vip room.


M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon