CHAPTER 21

12.5K 381 8
                                    


1 week to go, pasko na. This my 3rd Christmas here in Wattpad. Merry Christmas!

Sa lahat ng nagjojoin sa VIP group at sa patreon pati na din sa mga walang sawa na bumibili ng self pub ko maraming salamat po sa inyo! Again, malaking tulong po 'yon sa single mom na katulad ko.




"Yan na 'yon? Parang sayang naman ang pinunta namin dito Escarra." Sabi ni Bullet na naka-pameywang sa harap ni Azul na nagbibiyak ng kahoy.


"Kaya nga, tangina kanina pa kami dito ah. 'Yan pa lang nagagawa mo?" Hirit din ni Hugo na kumuha pa ng upuan at naupo sa harap ni Azul.

"I even cancelled my meeting because of this." Sabi din ni Maximum.


"Hindi ko nga ito dapat ginagawa eh, ewan ko dito kay Supremo at ganito pa talaga ang naisip ipagawa sa akin." Reklamo ni Azul habang tagaktak ang pawis hindi lang sa noo kung hindi pati sa mukha. Savannah went back to her work on Delgado company even he said to her that she don't need to work. Kaya naman sila na lang ng anak ni Aella ang magkasama ngayon sa bahay niya. Pero ngayon nga ay pinapunta siya dito ni Supremo sa bahay nito para daw maumpisahan na niya ang pang-liligaw niya sa kapatid nito. Pang-liligaw my ass, wala naman dito si Savannah.


"That so simple, buti nga hindi ka namin ni Kuya Arken dinala sa bundok eh." Sabi naman ni Supremo na prente lang din nakaupo sa may sandalang upuan.


"Teka aanhin ba 'yang mga kahoy na 'yan? Don't tell me Dela luna gagamit ka ng kahoy sa pagluluto?" Tanong  ni Kulog.

"For emergency purposes lang 'yan malay niyo magka-ubusan ng gasul atleast may naka ready na kaming gagamitin." Nakangising sabi ni Supremo.

"Magka-ubusan? Ako ba, eh ginagago mo? Bawal gumamit ng ganito sa loob ng subdivision Supremo." Naiinis ng sabi ni Azul halos isang oras na din siyang nagpapalakol ng kahoy dito at with audience pa nga.


"Anong bawal? Walang bawal bawal sa pulis no. Sige na tapusin mo na 'yan at may ipapagawa pa ako sa 'yo." Sabi ulit ni Supremo, gusto niya lang naman makita kung gaano kahaba ang pasensya ni Azul sa kanya. Dahil pag nagkataon na maging maayos ang relasyon nito at ng kapatid niya ibig sabihin magiging totoong bayaw niya na ito at kapamilya. Isa pa ano lang ba ito sa hirap na naranasan ng kapatid niya.

"Pag 'yong sugat ko lang talaga bumuka sa 'yo ko na ipupukol 'tong itak na hawak ko." Ani ni Azul at muling sinibak ang kahoy na nasa harapan niya, hindi niya nga din alam kung saan ba ito kinuha ni Supremo maski itong pagkalaki-laki na itak ay hindi din niya alam kung saan galing eh. Isumbong ko kaya siya kay Kae? Tutal close naman kami ng asawa niya. Tama, isusumbong ko siya mamaya!


Matapos ang halos dalawang oras na pagsisibak ng kahoy ay akala ni Azul ay tapos na siya. Pero hindi pa pala dahil ang  siraulong kaibigan niya ay ginawa naman siya ngayong carwash boy! At buti sana kung 'yong sasakyan at motor lang nito kaso hindi dahil pati 'yong mga sasakyan ng iba pa nilang kaibigan ay pinapa-carwash din sa kanya.


"May future job ka sa ganyan pare, huminto ka man sa pagiging doktor sure naman matatanggap ka bilang carwash boy." Sabi ni Arkanghel na kararating lang pero may hawak na agad na beer.


Padabog na tinapon ni Azul ang basahan sa kulay itim na balde sa harap niya. Supremo is playing with him, he's a doctor. A well known doctor but he look like a wet kitten now while cleaning his friends car. Wokinam!


Umakbay naman si Hugo kay Arkanghel na may hawak-hawak naman na barbeque. "I understand why you want to choke Supremo Azul pero tinitingnan ka lang niyan kung kaya mo na ba talagang manindigan ngayon."

"Manindigan on what? Savannah and I are okay. Maging kami ng anak ko ay gano'n din kaya ano pa bang gusto niyang si Dela luna?" Hindi pa nga nakaka- paghinga si Azul sa pagsisibak ng kahoy ay ito naman ang sinunod niyang gawin. And he's tired, gusto niya na nga sanang umuwi sila ng anak niya.


"Rios made me did this kind of car washing as well Azul, and take note hindi pa din ako magaling no'n ng pinagawa niya ko ng ganyan. He's the one taking care of my wife Ara after she had a car accident and almost had a miscarriage before and everyone knew it's my fault. Alam mo naman siguro na binaril din ako ng Sandoval na 'yan diba? And that incident made me realized something, I need to be serious and take my responsibility on Ara and on our baby. And I know kapareho ni Rios ginagawa lang lahat ng ito ni Supremo dahil mahal niya ang kapatid niya."


Napatigil si Azul sa ginagawa, ngayon lang niya narinig na magsalita si Hugo ng ganito na parang may saysay ang sinasabi dahil kilala niya ito bilang kumikero sa kanilang magkakaibigan.


"And I know ganyan din ang gagawin mo kung may kapatid kang babae Azul, isa pa babae ang anak niyo kaya kailangan mong magpakatino. You don't want to happen on your daughter what Savannah experienced from you diba? Kaya hindi pa huli ang lahat." Sabi pa ni Hugo bago inagaw ang hawak na beer ni Arkanghel at ininom 'yon.



   Kinagabihan ay si Azul lang ang naabutan ni Savannah sa bahay nito, sinundo pala ng Kuya Supremo niya si Aella at sinama nga na naman sa bahay nito. Azul also went there pero nakiusap din pala dito si Mattheus na doon nga ulit matulog ang pinsan niya kaya mag-isa na lang itong umuwi ngayon.

"Bumili lang ako ng dinner, kain na tayo?" Azul tried his voice to make lively even if
he's tired and want to sleep. Tangina napagod talaga siya ng todo ngayong araw.

"Kumusta ang araw niyo? Dapat hindi mo muna pinayagan si Aella kanina, hindi mo muna sana iniwan doon." Nilapag ko sa sofa ang bag ko bago sinundan si Azul sa kusina, nakahanda na pala sa lamesa ang hapunan.


"Ang hirap hindian ng anak natin Savannah tapos dalawa pa sila ni Mattheus." Pag-alala ni Azul kanina habang nagpapaalam ang anak sa kanya, sino ba namang hindi papayag kung may payakap-yakap pa ito sa kanya.

"Tsk, kahit na bukas sunduin mo 'yon. Nandoon din ba si Kuya Marcus kanina? Maaga kase siya umalis ng kompanya."


"Yes, pero hindi ko naman siya nakausap dahil sa dami ng ginawa ko." Parang bata na sumbong ni Azul.


Napangiti ako, alam ko ang tungkol sa sinasabi niya dahil pinadalhan ako ni Kuya Supremo ng video na nagsisibak ng kahoy si Azul at naglilinis ng walong sasakyan. "Alam kong pagod ka, gusto mo ba ng masahe mamaya?"

"Oo ba! Hindi ako tatanggi." Mabilis pa sa alas kuwatro na sagot ni Azul, katulad noon ganito din ang ginagawa sa kanya ni Savannah kapag pagod siya sa duty sa ospital at sa side line niya sa restaurant.

"Sige mamaya, mamasahihin kita."

"Teka, may gusto pala akong sabihin."

"Hmmn? Ano 'yon?"

"Hindi naman sa nagrereklamo ako sa mga pinaggagawa ng mga Kuya mo pero Savannah gusto ko sanang umalis muna tayong tatlo ni Aella."

"U-umalis? Saan naman tayo pupunta?"

"Sa isang isla.." nakangiting sabi ni Azul.

#maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon