CHAPTER 09

13.2K 419 23
                                    






Hi! Sino po marunong gumawa ng illustrated cover dito? Not sure din kung 'yon ba ang tawag do'n😅 pero yung parang drawing na book cover gano'n. Pm niyo nga ko.





Azul saw the pain on her eyes when Savannah didn't matched for the kidney donor of their child. Kaya matapos nitong makapagpa-test ay tinawagan niya ang puwedeng tawagan para makapag-test din pati na ang mga kaibigan niya at habang hinihintay ang mga ito ay sila munang tatlo nila Rios at Marcus ang sabay nagpakuha habang wala pa.




    "I'm so sorry for what happening on Aella Savannah pero alam kong makakaya naman ng anak mo 'yan. She's a strong kid kaya wag kang mawalan ng pag-asa okay?"
Sabi ni Amara sa kaibigan, alam na alam niya ang pinagdaraanan nito ngayon dahil siya din naman ay may lupus. At hindi nga siguro siya makakaligtas noon kung hindi gumawa ng paraan si Marcus para makahanap ng donor niya. And her husband really paid a big amount for her to have a donor.




"I-I'm just scared Amara, she's so young. Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon at hindi ko alam kung saan ba ako makakakuha ng donor niya." Umiiyak na naman na sabi ko. Nabisita na namin siya kanina pero tulog pa ito kaya lumabas muna din kami ng kuwarto niya. I can't really see her like that, 'yong walang malay at may nakakabit sa kanyang katawan.




Hinawakan ni Amara ang kamay ni Savannah, namamaga na ang mata nito sa kakaiyak. At ganitong-ganito din ang itsura ni Marcus noon ng hindi mag-match para maging donor niya. "Don't worry we will help you diba? And Azul called all of their friends kaya siguro naman sa dami nilang magkakaibigan ay mero'n pa din na magma-match maging donor ni Aella."





Oo nga pala, kapareho ko kanina si Azul na nabigla sa sinabi ng doktor sa amin na kailangan ng kidney transplant ang anak namin.  At alam ko kahit hindi niya pa nakikilala ang anak niya ay nag-aalala din siya katulad ko.
Sinasantabi ko muna ang galit ko sa kanya dahil isa lang ang gusto namin pareho ngayon ang gumaling at magkaroon ng normal na buhay ang anak namin. At sa katunayan kahit niyayaya ko kanina siya na pumasok sa kuwarto ni Aella ay ayaw niyang pumasok dahil ang gusto niya daw ay makita ang anak namin na may malay at puwede niyang makausap.




Nasa gano'n silang dalawa ng biglang may dumating at tinawag si Savannah.



"Savannah!"


Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. "A-Arken?" Pinunasan ko ang luha ko ng makita ko si Arken at tumayo agad para lapitan siya.




"W-what happened? I recieved your text nasaan si Aella?" May pag-aalala sa boses na tanong ng binata.
Pero imbes na sabihin sa kanya ni Savannah ang nangyari ay umiyak naman ito bigla.





   "Papunta na daw dito si Samuel pati si Hugo tsaka si Gael na hinihintay lang daw  ang piloto ng helicopter niya." Sabi ni Rios matapos tingnan ang cellphone at i-check ang group chat nila. Katatapos lang nilang tatlo magpa-test kung puwede ba silang maging donor ni Aella at hihintay-hintayin lang nila ang resulta. Pinapa-rush ito ni Marcus para alam nila ang mga susunod na gagawin kung sakaling hindi sila maging ka-match.



"Salamat ha, sana makahanap na tayo agad ng maging donor ng anak ko." Ani ni Azul na para bang nahihiya pa sa mga kaibigan. Oo gago na kung gago pero heto at kasa-kasama niya itong dalawa lalo na si Marcus na alam niyang galit sa kanya.





"Don't worry kung hindi si Savannah ang ka-match ni Aella baka naman ikaw ang puwede dahil ikaw ang ama ng bata." Sabi ni Marcus, he's willing to donate his kidney if it's match on Aella at hindi siya magdadalawang isip pa na gawin 'yon. O kapag wala talaga ay napag-usapan na lang nila na maghahanap ng puwedeng mag-donate tapos babayaran ni Azul.





Nakalabas na sila ng elevator ng makita nilang may kausap si Savannah na lalake sa labas ng kuwarto ni Aella. At hindi lang basta nag-uusap dahil magkayakap pa ang dalawa.



"Sino 'yon?" Tanong ni Rios.



"May boyfriend pala si Savannah?" Sabi naman ni Marcus na hindi din sigurado.




Pero tahimik lang si Azul na hindi na naiwasan ang pag igting ng kanyang panga at naglakad palapit sa mga ito.


"Arken?"


"Dela Luna?"



Magkasabay na sabi nila Rios at Marcus na parang hindi inaasahan ang kasama ni Savannah.


"Hi, kumusta?" Nakangiting bati ni Arken sa mga kaibigan na matagal-tagal din niyang hindi nakita.





   All of them went on the visitor lounge while waiting on Aella to wake up. Marcus can't believe that Arken and Savannah knew each other.





"Diba ikaw 'yong kapatid ni Supremo?" Tanong ni Amara na parang sinisigurado pa. Isang beses niya lang kase ito nakita at 'yon nga ay ng magkaroon ng birthday party si Hugo noon na dinaluhan nilang lahat.




Tumango agad ang binata na nasa tabi ni Savannah. "Oo ako nga." Sagot niya kay Amara na katabi ng asawa nitong si Marcus.



"At magkakilala kayo ni Savannah? How come?" Si Azul na kanina pa kating-kati na magtanong.




Inakbayan naman ni Arken ang katabi bago tiningnan si ang doktor na kaibigan. "Sabihin na lang natin na may maganda kaming nakaraan kaya kilala ko siya at ang anak niyang si Aella."



"Wow, ang galing ah." Parang hindi pa din makapaniwala na sabi naman ni Rios. He forgot when the last time he saw Arken and now they met him unexpectedly. Lulubog at lilitaw kase ito at talagang mahirap hagilapin.



"And you know that Savannah might know Marcus because her daughter was here?" Tanong pa ulit ni Amara.



"Nope, kaya nga nagulat na lang ako ng malaman ko kanina na si Marcus pala ang tumutulong sa kanilang mag-ina at si Azul ang ama ni Aella." Doon parang naging seryoso ang boses ni Arken bago tinapunan ng tingin si Azul. Hindi pa sa kanya naikukuwento ni Savannah kung bakit nandito din ang doktor na ito pero dahil alam niya ang pinagdaanan ng mag-ina ay nakaramdam siya ng galit. All this time Azul is the real father of Aella, the one who run from his obligation and the one who said to Savannah to get rid their baby before.



"Yes she's my daughter, Aella is my child." Parang napipikon na sabi ni Azul, he got pissed because of the way Arken looking at him now.



Pinag-salikop ni Arken ang kamay nila ni Savannah na alam niyang kinagulat nito bago muling tiningnan ang mga kaibigan na nakaupo sa kanilang harapan. But his sight landed on Azul before he stood up with Savannah.




"Ngayon bigla mo na lang aangkinin na anak mo? Samantalang noon ay gusto mong ipalaglag ang anak niyo ni Savannah? Tangina pasalamat ka Azul at ngayon ko lang nalaman na ikaw pala ang tatay ni Aella dahil kung nalaman ko lang noon, malamang binaril na kita at nakalibing ka na." At tsaka niya hinila si Savannah paalis.



#Maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon