CHAPTER 03

16.7K 466 19
                                    



Hindi inaasahan ni Marcus na may bisita pala ang asawa niyang si Amara pag-uwi niya ng bahay nila sa Greenhills, dito sila tumutuloy kapag lunes hanggang biyernes at umuuwi naman sila ng Tagaytay kapag sabado at linggo. He usually came home at six in the evening from his company on Eastwood so they can have a dinner with his wife and their one year old son Cloud.

"Si Marcus nga pala Savannah, asawa ko, Marcus siya 'yong kinukuwento ko sa 'yo." Nakangiting pagpapakilala ni Amara sa kanyang asawa at kaibigang si Savannah.


"H-Hi!" Nahihiya ko namang bati sa lalakeng dumating. Siya pala ang kilalang si Marcus Delgado ang owner ng Delgado Airlines at asawa ng kaibigan kong si Amara. Tama nga ang kuwento ni Amara sa akin may kamukha nga talagang wrestler ang asawa niya. 'Yong si Roman Reigns nga daw, pero malinis tingnan si Marcus kahit maraming tattoo sa braso.

Marcus smiled widely on the woman who are sitting beside his wife, pero umagaw ng kanyang atensyon ang batang babae na katabi nito.

"Sila 'yong kinukuwento ko sa 'yo Marcus, and this Aella, ang anak niya." Sabi pa ni Amara habang hinihimas ang buhok ng batang katabi bago tumayo at nilapitan ang asawa, she kissed her husband on his cheeks.


Naupo si Marcus sa upuan na naroon, he smiled as well on the kid beside of the woman named Savannah. He remembered her, ito 'yong madalas ikuwento sa kanya ni Amara. The kid was diagnosed of Lupus, kapareho ng sa asawa niya.


"I invited them for dinner, nakasabay ko kase sila kanina ng magpunta akong ospital." Kuwento ni Amara, "She need work Marcus ipasok mo siya sa kompanya mo."

"Amara.." tawag ko sa pangalan niya, mas lalo tuloy akong nahiya sa asawa niya. Ngayon lang kami nagkakilala pero heto at talagang sinabi na ng babaeng ito na kailangan ko ng trabaho.

"That's okay Savannah, tutulungan ka ng asawa ko." Ani ni Amara na nginitian ang kaibigan. Nakilala niya si Savannah at ang anak nitong si Aella ng makasabay niya ang dalawa sa pagpapa-check up sa Delgado hospital ang ospital na pagmamay-ari nila. She understand how Savannah got devastated when she found out that her daughter have a lupus same on her sickness. Savannah thought Aella have a simple fever and skin rashes that her daughter might ate something that caused an allergy to her. Pero hindi pala, dahil ng ipa-check up nito ang anak ay napag-alaman na may lupus ang bata at hindi lang pa simpleng lagnat at rashes lang ang nakita sa katawan nito. She saw her crying on the emergency exit, at doon na nga nag-umpisa ang pagkakaibigan sa pagitan nila ng lapitan niya ito.


"Maraming salamat Amara and sa 'yo na din." Malaking tulong talaga ito sa akin dahil kailangan ko na talaga magkaroon ng trabaho ngayon. Mahal din kase ang mga maintenance na gamot ng anak ko at kailangan niyang inumin 'yon para hindi lumala ang sakit niya.

"I understand your situation and my wife always told about you and your daughter." Sabi ni Marcus na muling tiningnan ang bata na tahimik pa din at may nilalaro sa hawak nitong tablet.

"Say hi to him anak, he's the husband of your Tita Amara." Sabi ko sa anak ko na tahimik lang na nakaupo, Aella is really well-mannered kid lalo na kung nasa labas kami at nasa ibang bahay pa 'yan. Pero syempre nawawala din ang pagiging tahimik nito kapag may nakita ng kalaro o ng ibang bata.


Tumayo ang bata at lumapit kay Marcus para magmano tsaka bumalik ulit sa tabi ni Savannah.

"She have a blue eyes? wow! Napakagandang bata!" Puri ni Marcus na parang naaamaze ng makita ang mga kulay asul nitong mata. Sayang at lalake ang panganay na anak nila ni Amara at isang taong gulang pa lang ito kaya hindi nga pala puwedeng maglaro ang mga ito. Pero naaliw siya ng makita ang mata ng bata dahil minsan lang siya makakita ng ganito lalo na kung dito sa Pilipinas.

Tumango ako, oo kulay asul ang mata ng anak ko kaya lagi siyang napapag-kamalang anak ng foreigner pero hindi dahil ang totoo namana niya ang kulay ng mata ng walanghiya niyang ama na si Azul Escarra.

"Ganito na lang if puwede ka bukas you can go on my company then titingnan natin kung saan kita puwedeng ilagay doon." Sabi ni Marcus, pinakiusap ito ni Amara sa kanya na tulungan nga daw niya ang kaibigan nito na makahanap ng trabaho. At syempre sino ba naman siya para tumanggi? He knew his wife, she was fond on the kid because they have the same sickness. At isa pa hindi din biro ang gamutan kapag may lupus ang isang tao, it's a life time treatment and you should be very very careful. Pero naisip niya lang wag lang sana umabot ang bata na kailangan pang magpa-kidney transplant katulad ng nangyari sa asawa niya. Dahil sa totoo lang napakahirap maghanap ng kidney donor kahit pa may pera ka. Dahil siya mismo ay gumastos ng sampung milyon noon para lang makahanap ng kidney para sa asawa. Basta ang kuwento pa sa kanya ni Amara ay single mom nga daw itong si Savannah at laging natatanggal sa trabaho dahil sa madalas na pag-absent nito ng mga nakaraang buwan. Napadalas kase ang pagpunta ng mag-ina sa ospital.

"Naku thank you talaga. Nahihiya talaga ako kay Amara pero malaking tulong talaga ito at tatanawin kong malaking utang na loob sa inyong mag-asawa." I feel so thankful on them, dahil handa ko din talagang gawin ang lahat para lang mabuhay kaming mag-ina at para maging maayos siya. Alam kong malaking pagsubok ang kinakaharap namin ng anak ko at hindi ko din inaasahan na may dadating na isang tao na bukal sa loob ang pagtulong sa akin. At wala 'yong iba kung hindi si Amara.



"No worries, kaibigan ka ng asawa ko at simula ngayon kaibigan na din kita." Nakangiting sabi ni Marcus habang hawak ang kamay ng asawa.



#maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon