CHAPTER 06

15.9K 442 25
                                    






"My god Marcus, parang hindi ka nag-iisip! You shoot our friend on broad light! On broad light! Naiintindihan mo ba? At hindi lang 'yon, madaming nakakita sa ginawa mo!" Sabi ng galit at abogadong si Bullet Fierro, he went here on the police station and bailed his friend. Hindi siya makapaniwala na magagawa nitong barilin ang kaibigan nilang si Azul at natural madadala talaga ito sa presinto.




"He deserved it, buti nga sa balikat ko lang siya binaril eh." Balewalang sagot ni Marcus na para bang wala lang ang ginawa niya.




"Tangina, proud pa nga!" Sabi naman ni Hugo, alam nilang seryosong usapin ito lalo pa at hindi naman simpleng tao lang si Marcus kung hindi kilalang tao. Ayos lang siguro kung ang dalawa lang ang nandoon kaso madaming nakakita.




"Hindi naman gagawin 'yon ni Marcus kay Azul kung walang dahilan." Sabi naman ni Rios, he recieved a call from Bullet and he told on him what happened between Marcus and their friend Azul so he chatted it on their group chat and went here on the police station with Arkanghel. Ang iba naman nilang kaibigan ay si Azul naman ang pinuntahan sa ospital.





"You don't know what Savannah and his child got through. Aella is sick, at ang putanginang Azul na 'yon parang ayaw pang maniwala na anak talaga niya ang bata." Galit pa din na sabi ni Marcus, naubos lang talaga ang pasensya niya kanina kaya binaril niya si Azul at wala talaga siyang pakialam kahit pa may mga tao doon. Isa pa bakit siya matatakot? Kayang-kaya niya ito lusutan kahit pa ikulong siya.





"Pero hindi mo nga sila puwedeng pakialamanan tungkol doon. Labas ka do'n pare kung anak niya ba talaga ang bata o hindi." Paliwanag ni Bullet, siya na naman kase ang maglilinis ng kalat na ginawa ni Marcus kaya inis na inis siya ngayon. Buti na nga lang at napiyansahan niya ito ngayon eh. Dinampot ito ng pulis at kinasuhan ng attempted murder pero dahil isa siyang magaling na abogado ay nakaya niyang absuweltuhin ang kaso. Money really talks, and beside buhay naman si Azul. At sigurado din siya na hindi 'yon magsasampa ng kaso kay Marcus.




"At bakit wala? Kaibigan ni Amara si Savannah at isa ako sa tumutulong sa mag-ina. 'Yong anak ng putanginang Azul na 'yan may sakit. And her sickness is not curable naiintindihan niyo? It's need a life time treatment like on my wife. Aella have lupus, at kung ako mabaliw-baliw ng malaman kong may sakit ang asawa ko paano pa 'yang si Savannah?"




"Pero mali nga, hinayaan mo muna sana silang mag-usap." Sabi ni Arkanghel, masyadong pinairal ni Marcus ang bugso ng damdamin kaya ganito ang nangyari.




"Tsk, tsaka niya ko kausapin kapag magaling na siya." Sabi pa ni Marcus, si Bullet, Rios, Arkanghel at Hugo ang nandito at heto nga at nakalabas na sila ng presinto.




"Sa susunod pare kapag ganito sasabihin mo muna sa akin ha." Ani ni Rios ng buksan ang sasakyan, sumakay sa unahan si Marcus at si Arkanghel naman sa likuran. Si Bullet ay may dalang kotse at si Hugo naman ay gano'n din kaya mag-coconvoy na lang sila.




"At bakit naman? Kulang pa nga ang ginawa ko sa Escarra na 'yon. Isang suntok at isang tama lang ng baril ang nakuha niya sa akin ano." Kuwento pa ni Marcus, kahit siya ang may-ari ng Delgado hospital ay nagtawag pa din talaga ng pulis ang security niya doon. Atleast alerto ang mga ito sa gano'ng klaseng pangyayari.



"Para ako ang babaril sa susunod, hindi lang pala si Montero ang red flag sa mga kaibigan natin pati pala 'yang si Azul." Pailing-iling na sabi ni Rios, but deep inside him he's thankful that Hugo really a change man at dahil 'yon kay Ara ang halos ituring na niyang kapatid.



"Call your wife pare, tinext ako ni Amara." Sabi naman ni Arkanghel. "Galingan mo ang pagpaliwanag sinabi na ni Princess sa kanya ang nangyari."




Delgado hospital..

Matapos manggaling sa presinto ay nagtungo silang apat sa ospital. Lahat ay halos nakatingin kay Marcus pagpasok niya doon lalo na ang kanyang mga empleyado. He didn't looked or talked on them and just go on the floor where his asshole friend Azul.
Naabutan nila sa loob ng kuwarto sina Samuel, Supremo, Kulog at pati na si Princess.



"Kuya Marcus!" Agad na tinakbo ni Princess ang kuya-kuyahan niya pagkakita dito. "My god muntik mo ng mapatay si Kuya Azul!"




Naupo si Marcus sa upuan na naroon, may benda sa kaliwang balikat ni Azul tanda na naoperahan na ito at natanggal na ang bala sa balikat nito. "Walang namamatay kapag sa balikat lang binaril Princess. At isa pa, masamang damo 'yang animal na 'yan kaya matagal ang buhay niyan."


"Pare!" Saway ni Supremo.


"Delgado." Sabi din ni Samuel.



"I will never say sorry to you Azul because you deserved that. At galit pa din ako sa 'yong hayop ka, ayoko sa lahat ng gagong kaibigan at alam kong alam niyo lahat 'yan. Matatanda na tayo kaya dapat may pinagka-tandaan na tayo. But you? You just show on me how asshole you are, my wife and I is the one who are helping Savannah and Aella at tandaan mo wag kang mag-gago gago ngayon sa akin dahil isang pagkakamali mo pa hindi ako mangingiming barilin ka ulit sa susunod." Seryosong sabi ni Marcus, nagsipag-tahimik naman ang mga kaibigan niya na nandoon. Magkaka-edad man sila ay siya pa din ang halos tumatayong pinaka matanda sa mga kaibigan niya na nabuo din ang samahan nila dahil sa kanya. He treated them nicely, hindi lang kaibigan at para ng totoong kapatid.



"Alam ko at hindi ko naman sinasabi na mag-sorry ka." Mahinang sabi ni Azul na iniinda pa din ang sakit ng kaliwang balikat. Halos kalahating oras na siyang gising at namulatan na lang niya na nasa pribado siyang kuwarto at nandito ang mga kaibigan niya. Buti na lang talaga at sa ospital din nangyari ang insidente kaya madali siyang nadala sa operating room ng mga nurse na nandoon din sa pangyayari kanina.



"Tama na 'yan Marcus, ang inportante ligtas na si Azul at natanggal na ang bala sa balikat niya. Now he need to get well soon so he can see his daughter." Sabi ni Thunder.




"Anong daughter? Ayaw nga daw maniwala na anak niya diba." Sabi ni Rios na nakasandal sa pader. "I already warn you pare at pasalamat ka at 'yan lang ang natamo mo kay Marcus dahil kung ako 'yan, ay naku hindi lang 'yan ang makukuha mo."


"Kuya Rios.." saway ni Princess na nakaupo sa tabi ng Kuya Azul niya. Hindi talaga siya sanay na ganito mag-usap ang mga kuya-kuyahan niya at lalong hindi siya sanay na nagkakasakitan ang mga ito.




"I just want to see Savannah Marcus, so baka puwedeng sabihin mo na sa akin kung nasaan sila." Pakiusap ni Azul, balewala ang pagkakabaril sa kanya ni Marcus dahil may punto din naman ang sinabi nito sa kanya. He was asshole, period. At wala siyang ibang gustong makita ngayon kung hindi si Savannah at ang bata.




"If ever na sabihin ko sa 'yo, anong gagawin mo?" Tanong ni Marcus, he called his wife when they are on the way here on the hospital and of course Amara got worried and mad in the same time to him. Bakit daw niya ginawa kay Azul 'yon at hindi na lang daw kinausap muna ang kaibigan.



"Kakausapin ko si Savannah at hihingi ng tawad sa kagaguhan ko sa kanya noon."
Sagot ni Azul na mahina pa din ang boses ngayon.




"Sige papayag akong kausapin mo siya pero siguraduhin mo lang na wala kang gagawing masama sa mag-ina dahil kapag nalaman ko lang na may ginawa kang kagaguhan ako mismo ang tatapos sa karera mo sa pagiging doktor." Pinal na sabi ni Marcus.






Hi! M.A series 01 to 07 is available now on pdf file! Dm me on my fb page.



#Maribelatentastories




M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon