CHAPTER 07

15.1K 469 34
                                    




Hi! Completed na si Maria sa vip at patreon apps.





Hndi ko alam kung babalik ba ako sa loob ng opisina o kunwaring hindi ko nakikita ang taong nasa harap ko ngayon. Nasa Delgado company ako at alas singko na nga ng hapon, oras ng uwian.


"Savannah.." tawag ni Azul sa pangalan nito. Hindi naman niya ito puwedeng tawaging dalaga dahil may anak na sila. At lalong hindi naman puwede na dating kasintahan dahil puro sex lang naman ang pinagsaluhan nila noon. At syempre hindi niya naman ito tatawagin na naanakan lang niya. Shit, so I can only address her with her name.




Tiningnan ko siya ng maigi at halatado pa ang benda sa balikat niya, alam ko ang nangyari sa kanila dahil binalita 'yon sa akin ni Amara at humingi pa nga siya ng dispensa dahil sa ginawa ni Marcus kay Azul. "Anong kailangan mo? Wala tayong dapat pag-usapan na dalawa." At tsaka ko siya nilagpasan pero hinawakan naman niya ko sa braso.



"Please?" Parang nagsusumamo na sabi ni Azul.



Huminga ako ng malalim at tumango, sige papayag akong makapag-usap kaming dalawa pero hindi na ako papayag na lokohin niya.



Sa isang formal dine in restaurant dinala ni Azul si Savannah na malapit lang din sa kompanya ng kaibigan niya at ang halos sampung minuto na magkasama sila ni Savannah sa loob ng kotse niya ay sampung minuto na pinaka matagal na yata sa buhay niya. It's quarter to six in the evening kaya siguro kaunti pa lang ang tao dito sa pinuntahan nila kaya maganda din at makakapag-usap sila ng maayos.



"K-kumusta ka na?" Azul asked her after the waiter tooked their order.




"Be frank Blue I know what's on your mind so better ask me." Inilagay ko ang cellphone sa loob ng bag ko matapos kong itext ang nag-aalaga kay Aella na medyo malelate ako ng uwi.




"I-I am sorry for what I've done to you before." Paunang salita ni Azul na hindi makatingin ng diretso kay Savannah. She change, she's different now. Kung dati lagi itong nakangiti at sabik tuwing makikita siya ngayon naman ay wala na 'yon. Oh well he understand it of course, he's an asshole for saying to get rid their baby eight years ago so he better take the consequences now. But she's still beautiful even if she got matured, and she's twenty seven years old now.




"It's too late for your sorry, and if your going to ask me kung sino ba ang bata na nakita mo sa ospital ay oo anak ko siya, anak natin siya. Hindi ko ginawa ang sinabi mo na ipalaglag ang pinagbubuntis ko noon, I maybe young back then but I can't do that to my own child." Gusto ko siyang murahin, gusto ko siyang saktan o sampalin sa pang-iiwan niya sa akin pero wala naman na 'yong saysay dahil tapos na at nakayanan ko naman mag-isa buhayin si Aella. Pero hindi pa din kadali kung hihingi siya sa akin ng tawad, mahirap pa din patawarin ang ginawa niya sa akin sa amin ng anak niya.





Napalunok ng sariling laway si Azul, she's infuriated on him and he knew to his self that Savannah was trying his self to calm and not to burst in anger. At tatanggapin niya ang galit nito dahil siya naman ang mali at may kasalanan. "Marcus said she's sick, what her name Savannah? And what happened to her?" Isa pa si Marcus na galit sa kanya pero nagpapasalamat pa din siya dahil sinabi nito kung saan niya makikita si Savannah para makausap. And honestly hindi pa naman talaga siya gano'n kagaling dahil dalawang araw pa lang naman siya buhat ng makalabas ng ospital at naka benda pa din ang balikat niyang binaril ng kaibigan. But he's so eager to talk on her and what to ask some question about their child.




"She's Aella, seven years old na siya ngayon at grade two na. Malambing na bata, magalang at mahilig sa mga disney princess character. Noong gabing umalis ako sa dorm mo pinangako ko sa sarili ko na hindi ko gagawin ang sinabi mo, na kahit anong mangyari bubuhayin ko ang anak ko. And I did it, I raised Aella alone at hindi ko kailanman pagsisisihan 'yon."





"Aella, she have a beautiful name. It's a greek word right? Means whirlwind and tempest." Ani ni Azul, whirlwind, 'yon nga siguro ang maitatawag sa naging relasyon nila ni Savannah noon, a whirlwind romance.
"And she have l-lupus?"





Tumango ako, I never thought my baby is sick. Wala talaga sa hinagap ko na malalamang may sakit pala siya, na hindi lang basta biro ang sakit niya. She have lupus, an auto-immune disease which attact your own tissue and organs. And the inflammation of lupus can affect many different body systems including heart, brain, lungs and joints but to my daughter case her joints are getting weak. Pero dahil maaga ko nalaman ang tungkol sa sakit niya ay maaagapan naman daw 'yon kahit papaano. "Y-yes may lupus si Aella at kailan ko lang din nalaman ang tungkol doon. Akala ko simpleng lagnat lang ang nangyayari sa kanya pero hindi na pala. At ng dalhin ko nga siya sa Delgado hospital ay doon ko nalaman ang tungkol sa sakit niya. She was diagnose for having a lupus, and i-it's not curable." Doon na nabasag ang boses ko, minsan tinatanong ko kung bakit ba kailangan na ang anak ko pa ang magkasakit ng gano'n. Aella is young, and I do have lots of dream for her. At sana ako na lang ang nagkasakit at hindi siya.




"I talked on her doctor yesterday, si Doc Dizon ang humahawak sa kanya diba? I asked her about her sickness." Kuwento ni Azul, pakilamero na kung pakilamero pero gusto niyang lubos maunawaan kung bakit galit na galit sa kanya si Marcus and he understand it now.
Treatment may help Aella but her disease will not go away like on his friend's wife. And he personally looked for the do's and don't for lupus patient. At naiisip niya pa lang ang mga 'yon ay naaawa na siya sa bata dahil sa dami nitong hindi puwedeng gawin.



"You talked to her? For what? I'm not asking anything from you Azul." Sabi ko, ano 'yon bigla na lang siya papasok sa buhay naming mag-ina?




"That's not what I mean Savannah, I'm a doctor and I want to know about her sickness. At g-gusto ko din makilala ang anak natin."




Pagak akong natawa at tiningnan siya mata sa mata.
"Para saan? Masaya na kaming mag-ina Azul at hindi gano'n kadaling magpatawad. Buhay ang pinag-uusapan natin dito. Sariling dugo at laman mo na gusto mong patayin noon. And now after eight years you want to meet my daughter? Wow, just wow."



"Savannah.."




"Well I know you already reached your dream and I'm happy for that. Nagbunga lahat ng paghihirap mo noon para maabot mo ang pangarap mong maging doktor. Pero hindi mo pa din maiaalis sa akin ang galit ko sa 'yo, your selfish. Umayaw ka sa responsibilidad na dapat hindi lang ako ang umako, na dapat dalawa tayo."




"That's why I'm here, I-I know it's too late for me to apologize to you. Pero maniwala ka Savannah hinahanap kita noon, pero wala ka na sa binigay mong address sa akin hindi ka na daw doon nakatira."





"Dahil pinalayas ako matapos malaman ng nanay ko na buntis ako. I raised Aella alone, alone Azul. Na kahit malaki na ang tiyan ko ay pilit pa din akong nagtrabaho dahil kung hindi wala akong gagastusin kapag nanganak ako sa anak natin. Na kahit may gusto akong kainin dahil naglilihi ako ay itutulog ko na lang 'yon dahil kailangan kong magtipid. Na tatlong pares lang ng damit ang nabili ko sa kanya bago ako makapanganak dahil 'yon lang ang kaya ko. Na ako lang mag-isa sa ospital at ni walang man lang kasama habang nagle-labor ako. Na umiiyak ako sa harap ng doktor dahil hindi sapat ang pangbayad ko sa ospital. At ako lang lahat 'yon, walang sino man sa akin na dumamay na kahit ikaw mismo na tatay ng anak ko ay wala. Na dapat sana nandoon ka at dalawa tayo pero anong ginawa mo? You asked me to get rid of our baby!" There I said it, at para akong nakahinga ng maluwag ng masabi ko 'yon sa kanya. Nakamatayan na nga lang ng nanay ko na magkagalit kaming dalawa eh, na hindi ko nagawang humingi ng tawad sa kanya.




Azul didn't know what to say, Savannah eyes got teary. And he can feel her pain on her voice. Pero puwede pa naman siya siguro bumawi diba? At hindi pa naman siguro huli ang lahat. Inabot niya ang kamay nito na nakapatong sa lamesa at hinawakan 'yon. "I-I don't know what to say Savannah, at naiintindihan ko kung bakit hindi mo ako mapapatawad agad. You're right I finally reached my dream but knowing about you and our daughter after so many years I feel sad in the same time. So p-please hayaan mo sana akong bumawi sa 'yo at kay Aella. I want to meet her, I want to meet my daughter."



Hinila ko ang kamay ko at tsaka tumayo. "No, ayoko." Matigas kong tanggi bago siya iniwan.




#Maribelatentastories

M.A series #12 Azul EscarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon