Chapter XXII

23.2K 630 173
                                    

"Kumbinsihin mo kaya yung asawa mo na wag na mag defense." Naaalibadbarang bungad sa akin ni Mila, kasama nito si Selene. Aubrey is not yet here, ewan ko ba san siya naglalagi at madalas wala siya.

"Ginagamit niyo ba ako?" Naiinis na turan ko sakanila. Maka utos naman kasi tong mga to akala mo naman napaka daling pakiusapan yung babaeng yun.

Sabay naman silang tumango at kita nga sa mukha nila ang pagka seryoso sa sinabi nila. Tinignan ko lang sila na para bang nahihibang na ang mga ito.

"Mas madali pang kumbinsihin siya na ibagsak kayo." Ngisi ko, hinampas naman nila ako sa braso.

"Settle down, students." Sakto naman ang pagdating ng asawa ko kaya ay nagsi-ayos kami ng upo at binaling ang atensyon namin sa mala diyosa naming Professor. Habang tumatagal ay lalong gumaganda si Vera sa paningin ko. Ako lang ba o talagang inlove lang ako dito.

Inilapad ni Vera ang sangdamakmak na papeles sa lamesa. Hindi naman nito sinabi edi sana tinulongan ko na siyang mag buhat ng mga to, akala mo naman ang lakas lakas nito.

Bigla namang bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang naghahabol hiningang babae, naitukod pa nito ang kamay sa pwerta habang hapo ito.

"Are you alright, Miss Aragon?" Tanong ni Vera dito.

Tumango si Aubrey habang nakayuko ito.

"Sorry, I'm late." She said when she finally catched her breath. Vera waved her hand telling her that it's fine. Agad na naglakad si Aubrey papalapit sa amin.

"San ka ba galing?" Tanong ko ng maka upo ito sa tabi ni Mila.

"Basta. I'll tell you some other time."

Hindi na lang ako umimik kaya binalik ko ulit ang tingin kay Vera, only to be met by those pair of orbs. Gulat man ay nagawa ko pa ding ngitian ito, sadly she didn't reciprocate my smile. Galit pa din ito. I sighed,

"Nag aaway ba kayo?" Bulong ni Mila sakin. Nag kibit balikat lang ako, is it considered fighting kung siya lang naman ang galit?

Paano ba naman kasi kanina habang kumakain kami ng breakfast sa isang fastfood chain ay biglang may natapilok sa harap ko, kaya ako naman sinalo ko ito by instict. Alangan naman hayaan kong matumba ito diba?

Eh syempre Vera is Vera and will always be Vera meaning hindi niya papakinggan yung explanation ko at basta na lang magsusungit. Ang nangyari ay walang imikang kainan kanina. Tapos bawat galaw ko pa ay binabantayan ko, baka mamaya kung ano nanaman magawa ko eh sasabog na talaga siya.

Pagka hatid ko naman sakanya kanina sa faculty eh hindi pa din niya ako pinapansin. Dumiretso lang siya sa loob at hindi na ako nilingon pa. Sad life. Susuyuin ko na lang siya mamaya pag uwi.

This has been our routine since that incident in the restaurant. It's been a week, I think. Araw araw na kaming magkasama at tila ayaw mag hiwalay. Kulang na nga lang pati sa pag tae ay magkasama kami at isa pa, she decided for me to stay in her house na. Like doon na ako titira and yes, siya na ang nag desisyon about doon at wala akong karapatang tumanggi, at bakit naman ako tatanggi? Palay na ang lumalapit sa manok. All I have to do is eat it.

"Tulala ka jan? I get that your wife is so gorgeous pero hindi naman siguro normal na buong lecture niya eh nakatulala ka lang." Biglang salita ni Mila kaya naman sa gulat ko ay napatingin ako dito bigla at diko inaasahan na napaka lapit pala nito sakin kaya muntik na magdikit ang labi namin.

Parehas kaming nabigla at agad na lumayo sa isa't isa napatili pa ito at takot na tumingin kay Vera.

"Ma'am sorry po talaga. Siya kasi yung lumingon." Tarantang paliwanag nito kay Vera. Nagtawanan naman si Selene at Aubrey pati na mga kaklase namin but oh, boy, I can't.

Professor's SecretWhere stories live. Discover now