Chapter IV

21.7K 568 98
                                    

"Vera," sabi ko dito habang nakaupo sa sofa sa loob ng library niya sa bahay niya. Tumingin naman ito saglit sakin saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Huminga ako ng malalim.

"Hindi ka pa ba ready?" Lakas loob kong tanong. Natigilan naman ito at sandaling itinigil ang ginagawa. Tumingin siya sa akin, wala pa ding emosyon.

Bato ata to e.

"Don't pressure me, Andrei." I expected that answer already dahil yan ang lagi niyang sagot sa akin.

Akala ko lamang ay magbabago ang kanyang sagot ngayon dahil dun sa post niya.

Well, I guess I'm wrong. Better luck next time.

"Ayaw mo bang mag divorce?" Tanong ko ulit. Lihim na kinakabahan ako sa maaring isagot nito.

Ngayon ko lang siya tinanong because honestly, I'm scared of what her answer might be. Well, I'm still scared but I have to know where I stand in her life. It's now or never.

She looked at me na parang ini-examine ako nito. She rolled her eyes. Di ba to nahihilo sa kakarolyo ng mata?

"If I want that, you wouldn't be even here right now." May bakas ng inis sa boses nito.

"But you don't love me." Natutop ko ang aking sariling bibig sa naturan ko. Hindi ko napigilan. Patay.

Tumingin lamang ito sakin at hindi na nagsalita. Hindi ko din naman siya pinilit na sagutin ito, but I feel a slight pain in my chest. Ano ba to, hindi naman ako nag expect pero bakit ba masakit.

Tumayo na ako at magpapaalam ng umalis. Lumapit ako dito at hinalikan siya sa noo. Ang bango talaga ng babaeng to.

"What about you, Andrienne." Biglang nagsalita si Vera. Tumingin ako sakanya ng may kuryusidad sa mata.

"What about me?" I asked.

Tumitig siya. Bat ba ang hilig nitong tumitig lang. Kumakabog dibdib ko eh.

"Do you love me?"

Natigilan ako sa tanong niya. I didn't expect her to be that straightforward, I can't find any right words to say. Nagdadalawang isip din ako kung aamin ako o hindi. Paano kung hindi naman kami pareho ng nararamdaman?

Hindi ko alam kung anong emosyon ang nakikita sa mukha ko ngayon.

"Go. I got my answer." Kapagkway sambit nito at binalik ang tingin sa laptop niya.

What answer?

-----

"Ang tanga mo naman." Natatawa si Hera pagkatapos kong ishare sakanya yung usapan namin ni Vera kanina. Inirapan ko lamang siya.

"Binigyan ka na ng chance para umamin, Rein. You didn't inform me na may duwag palang Dela Frontera?" Kutya niya.

Inismidan ko siya. Madaming bumabagabag sa isip ko't kailangan kong mabigyan ng linaw ito.

"Look, I saw her post. Is there any reason why she posted that certain photo?"

Napaisip naman ako.

"I don't know. Kahit ako'y diko maisip ang kanyang dahilan." Amin ko.

"It's either she's threatened or she feels the same way you do. Sadyang pareho kayong duwag."

Maybe? Pero ayaw kong umasa.

"There were no signs that could tell me she likes me." Kibit balikat kong saad. "In bed, pwede pa 'coz damn." Napakagat labi ako ng mag flashback ang aming pagtatalik.

Professor's Secretजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें