FINAL CHAPTER

88 2 3
                                    

FINAL CHAPTER

ILANG MINUTO NA AKONG nasa loob ng Bathroom at naka ilang PT na rin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko, natatakot, masaya, nalilito, kinakabahan. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

What should I do? Sasabihin ko na ba kay David or ililihim ko? Hihintayin ko ba munang sabihin sa akin ni David ang totoo ang mga plano niya, ang sekreto niya?

Pero paano kung matagalan, syempre hindi ko naman mapipigilan ang paglaki ng tiyan ko saka mahirap na ilihim ang pagbubuntis ko dahil magkasama kami sa iisang bubong.

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.

Siguro this is the right time na para kausapin si David at eclear ang lahat dahil hindi na lang ang sarili ko ang kailangan kong isipin kundi pati ang baby na nasa sinapupunan ko.

Hinimas ko ang tiyan ko. "Don't worry baby, aayusin ko ang lahat para iwas stress tayo pareho." Pangako ko sa anak ko.

* * *

"Hi Babe!" Bati ng asawa ko ng dumating siya ng bahay. "I have good news!" Masayang pahayag niya.

I smile. "Ano 'yon?"

Ngumiti siya ng malapad inakay niya ako paupo sa sofa.

"Meron akong aaminin sayo..."

Napalunok ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Inabot niya sa akin ang isang envelope.

"Ano ito?" Tanong ko sa kanya na kahit kinakabahan ay pinilit ko pa rin maging kalmado at hindi ipahalata ang kabang nararamdaman ko.

"Please listen to me first, hayaan mo muna ako magpaliwanag bago ka magalit."

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil bago nag-umpisa sa sasabihin niya.

Habang nagsasalita siya ay nakatitig lang ako sa kanya. I even don't know how to react pero isa lang ang sigurado ako, masaya ako—masaya akong tama ang desesyon ko to trust him, na hintayin siyang magpaliwanag...at ito na nga nagpapaliwanag na siya at ang nakakatuwa doon ay naayos na niya ang problema.

Totoong kasal na kaming dalawa. At ang laman ng envelope na inabot niya sa akin ay ang totoong marriage certificate namin na dalawa.

He explained naman kung bakit nagsinungaling siya sa akin, naintindihan ko naman at sinabi ko rin sa kanya na narinig ko nga sila ni Janine na nag-usap at pinaliwanag na rin niya sa akin ang tungkol doon at sinugurado niya na wala na siyang nararamdaman para dito at sinigurado rin niya na hindi na mangugulo pa ulit si Janine dahil napaliwanag na niya ng mabuti dito ang totoo.

Sobrang saya ko dahil parang ang smooth lang ng lahat, ang ginawa ko lang ay nagtiwala at naniwala sa mga salita ni David which is hindi naman niya ako binigo dahil naging totoo naman siya at ngayon nga ay naayos na niya ang lahat at may good news din ako...

"May good news din ako sayo." Sabi ko pagkatapos namin magkaliwanagan tungkol sa atraso niya.

"Good news?" Kumunot ang noo niya.

"Yes..." Ngumiti ako ng malapad sabay labas ng PT na nasa bulsa ko. Inabot ko iyon sa kanya.

He looked at it. Nakatulala lang siya—walang reaksyon.

"Are you not happy?" Hindi na ako nakatiis.

Tumingin siya sa akin then smile. "Of course, I am—I am very much happy." He answered at niyakap niya ako ng mahipit. "Sobrang saya ko na magiging Daddy na ako." Halata nga sa boses niya ang tuwa at galak.

Sa isang relasyon maraming pagsubok na dumarating at darating pero ang tanging kailangan lang ay tiwala at paniniwala sa partner.

Mahirap gawin minsan pero hangga't hindi pa naman nasisira ang tiwala at nararamdaman natin na mapagkakatiwalaan natin ang ating mga partners walang rason para hindi natin gawin. Maraming relasyon na nasisira dahil sa maling hinala, maraming relasyon ang nagiging malabo dahil sa misunderstanding pero kung marunong lang tayon makinig, makiramdam at tumimbang ng sitwasyon ay walang relasyon na mawawasak dahil sa mga ganun na reason.

Nagumpisa man ang relasyon namin ni David sa isang walang kwentang pagkakamali o katangahan ngunit look us now we're happy building our family. Ang katangahan na iyon nagresulta ng isang napakagandang bagay.

I know napakafresh pa ng samahan namin, marami pa kaming hindi alam ni David sa isa't-isa pero we are willing to learn naman and discover, challeging nga eh kasi araw-araw may malalaman kaming ugali at flaws ng isa't-isa.

"I LOVE YOU!" I SAID.

"I LOVE YOU MORE!" HE RESPONDED saka bumaling siya sa tiyan ko. "and I LOVE YOU VERY MUCH OUR LITTLE ONE!" Hinimas-himas pa niya ang tiyan ko.

Napakamisteryoso talaga ng buhay.

Hindi natin alam kung ano ang mangyayari, kung sino-sinong mga tao ang darating sa buhay natin, may iba ay dadaan lang—sasaktan tayo, tuturuan ng mahalang lessons sa buhay...ang iba naman ay gagawa ng problema at magiging instrumento para mas lalo tayong maging malakas, matatag at palaban and lastly ay ang mga taong mageestay bilang totoong kaibigan, toong magmamahal at higit sa lahat ay iyong taong makakasama natin panghabang buhay at magiging instrumento para maging tayo ay masaya at kontento.

© 2022

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now