CHAPTER TWO

70 7 2
                                    

Simula noong nagkita kami ni Mr. Zamora sa rooftop ay hindi na muna ulit ako napadpad doon kasi baka matiming nanaman na andoon siya, nakakahiya.

Pero ngayong araw ay iba, patakbo akong umaakyat papunta sa rooftop habang panay ang agos ng mga luha ko.

Ang sakit!

Ang sakit-sakit!

Narinig ko ang usapan, mga chismisan na ikakasal na sina Theo at Yna.

Mas masakit na marinig iyon kesa noong nakipaghiwalay sa akin si Theo dahil—

Dahil...dalawang buwan pa lang sila pero magpapakasal na sila agad!

Samantalang kami noon ay sampung taon pero ni minsan ay hindi ko narinig sa bibig ni Theo ang tungkol sa pagpapakasal.

Hindi ko na nakayanan ang sakit na nararamdaman ko, nanghihina ang tuhod ko kaya huminto ako at naupo na muna sa baitan ng hagdanan.

Hindi mawala sa isip ko ang maraming siguro tulad nang...siguro ay hindi nakikita noon ni Theo ang sarili na ako ang makakasama niya hanggang sa pagtanda.

Siguro...siguro matagal nang nawala ang pagmamahal niya sa akin, hindi ko lang napapansin o hindi ko lang pinapansin.

Siguro...

Siguro pinipilit lang din niya noon magstay sa relasyon namin kahit matagal nang wala siyang nararamdaman...

Siguro pinilit niyang maging loyal, pinilit niya ang sarili na mahalin muli ako pero ang lahat ay may hangganan dahil ng matagpuan na niya ang babaeng muling nagpatibok sa puso niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa—kumawala na siya sa relasyong matagal nang sira.

Ang sakit dahil hindi pala ako ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay, ang sakit dahil sa sampung taon namin ay umasa ako pero natalo lang ako sa babaeng dalawang buwan pa lang niyang nakakasama.

Hindi ko napigilan ang sarili na mapagulgol ng iyak.

Hindi ko alam kung kaya ko pa...

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakaramdam ng sakit...

Durog na durog na ako—durog na durog na ang puso ko.

"Miss..." Nagulat ako ng may narinig na nagsalita mula sa likod, gustuhin ko man tumigil sa pag-iyak pero hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit.

Nakatitig lang ako sa kanya—kay Mr. Zamora.

Mabilis ang kilos niya na walang ano-ano ay niyakap niya ako, hinagod-hagod ang likod ko.

Ito—ito ang kailangan ko ngayon ang karamay.

Hindi ko na initindi ang hiya basta umiyak na lang ako hanggang sa maramdaman ko na gumaan ang pakiramdam ko.


* * *


Pareho kaming walang imik ni Mr. Zamora. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya.

Oo ngayon na ako nakaramdam ng hiya dahil sa naabutan niyang eksena ko kanina.

"Are you okay?" Siya na ang bumasag ng katahimikan.

Tumango ako pero tipid na tipid.

"Pasensya na po Sir." Napayuko pa ako.

"No, it's okay." Sagot niya na hindi ko napansin nakalapit na pala siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Kung kailangan mo ng kausap willing akong makinig." Hindi ko alam pero parang ang sarap talaga ng boses niya pakingan, nakakarelax.

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now