CHAPTER ELEVEN

49 2 0
                                    

KAHIT NA NASA MALAYO si David ay hindi naging hadlang iyon para hindi kami makapag-usap. Sa katunayan ay kapag walang ginagawa o kahit may ginagawa nga siya ay magkavideo call kami.

He's updating me sa lahat ng ginagawa niya sa pinupuntahan niya at kung sino ang kasama niya.

Na appreciate ko syempre ang effort niya kaya talagang kilig na kilig ako.

Kung hindi magbabago ang ganitong gawain ni David siguro talagang iisipin ko na napakaswerte ko na dahil despite sa nangyari sa akin with Theo ay nahanap ko pa rin ang tamang lalaki/tao na nakalaan para sa akin.

Midnight na magkausap pa rin kami ni David, masaya siyang nagkwento about sa meeting niya sa investors nang biglang may nagdoorbell.

Sariling condo niya sa Cebu ang tinutuluyan kaya hindi na niya kailangan mag hotel.

"Wait lang ah, tingnan ko lang kung sino." Paalam ni David.

"Okay." Sagot ko na nakangiti pa.

Mula sa posisyon kung saan nakapatong ang cellphone niya ay kita ko ang front door.

Tatalikod sana ako para kumuha ng tubig nang biglang natigilan ako—natigilan ako sa nakita ko.

Janine arrived and she kissed David sa lips. Nashocked ako, natulala at walang ano-ano na bigla na lang nag unahan ang mga luha sa pag agos mula sa mga mata ko.

Parang may sariling buhay ang kamay ko dahil mabilis kong inioff ang video call.

Nanginginig ang kamay ko kaya hindi sinasadyang nabitawan ko ang cellphone.

Patuloy ang pag agos ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala lang. Naramdaman ko na lang na nangangalay na ang paa ko, hindi ko rin pala kasi napansin na nakasalampak ako sa sahig.

Pagdampot ko ng cellphone ay ilang video call na at ilang missed calls na mula kay David.

Hindi ko alam kung mag call back ba ako o hahayaan ko muna.

* * *

"What?" Hindi makapaniwala si Anna ng ikwento ko sa kanya ang nangyari. Nang matauhan ako kanina ay mabilis akong umalis ng bahay—oo nag alsa balutan ako.

I was hurt. I feel betrayed. That kiss—hindi siya normal, it not how people greet each other.

Kakarecover ko pa nga lang mula kay Theo tapos bigla naman nangyari ito. Akala ko si David na ang tamang lalaki pero—BAKIT?

"Nakausap mo na ba siya?" Tanong pa ni Anna.

Mabilis akong umiling.

"Bakit hindi mo siya kausapin at pakingan ang explanation niya." Suhesyon nito. Pero nasaktan ako ng sobra kaya parang hindi ko pa kayang pakingan kung ano man ang paliwanag niya, kung ano ang sasabihin niya. Pakiramdam ko ay hindi ko pa kayang paniwalaan kung ano man ang sasabihin niya dahil medyo nagpupuyos pa sa galit ang damdamin ko.

"Palipasin ko muna ang ilang araw kapag hindi na ako galit saka ko na siya haharapin—"

"So ano ang plano mo ngayon? Pagtataguan mo muna siya?"

"Kung pwede sana na dito muna ako magstay sayo..." Pakiusap ko.

"May choice pa ba ako?"

"Wala." Sabay ngisi ko.

* * *

Mahimbing na ang tulog namin ni Anna ng mabulabog kami ng sunod-sunod na doorbell.

"May inaasahan ka bang bisita?" Inaantok na tanong ko kay Anna habang tinitignan naman niya ang relo.

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now