CHAPTER TEN

52 1 0
                                    

HINDI MAWALA ANG TAMIS NG ngiti sa labi ko habang naglalakad at kahawak kamay si David. Ito ang unang beses simula ng maikasal kami na naglakad ng sabay at magkahawak-kamay pa.

Yes nagkasundo na kami.

Nakapagkasunduan namin na pagtutulungan namin ang relasyon na ito na magwork at tumagal.

Nakakatakot, nakakapangamba dahil kakagaling ko pa lang sa heartbreak pero sinigurado naman sa akin ni David na he'll never hurt me, na proprotektahan niya ako and I believed him dahil sa ilang araw namin magkasama sa bahay ay kita ko naman ang pagiging mabuti niyang tao.

I will take a risk...again.

Nakatingin sa amin ang mga tao pero hindi tulad noon na medyo ilang pa ako dahil ngayon ay confident na confident na akong naglalakad bilang Mrs. Zea Zamora.

Nakasalubong pa namin si Theo at Yna, nginitian ko sila. Walang halos kaplastikan or galit dahil napatawad ko na sila pareho. Kung tutuusin kasi kung hindi dahil sa kanilang dalawa ay hindi kami magkakakilala ni David at maikakasal. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako ulit magiging ganito kasaya.

Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni David sa kamay ko, napalingon ako sa kanya. Nginitian niya ako kaya gumanti ako ng ngiti.

Masyadong masaya ang puso ko sa mga oras na ito at hindi pa rin makapaniwala na nangyayari ang mga ito. Para akong nakalutang sa ulap sa sobrang hindi ko maexplain ang sayang nararamdaman ko.

* * *

Lumipas ang mga araw at mas naging mas close pa ako kay David. Pakiramdam ko ay mas lalong lumalim ang koneksyon naming dalawa.

We attended parties together, pinakikilala na niya talaga ako bilang asawa niya sa lahat.

Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari.

"Mukhang masaya tayo lagi ah." Komento ni Anna ng maabutan ako. Agad kong inayos ang sarili ko.

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanyang nakakunot ang noo.

"Asus obvious na obvious naman eh, nakangiti ka lagi kahit walang kaharap." Sagot nitong napapailing-iling pa.

Napanguso ako. "Ganun na ba talaga ako kahalata?"

"Oo, kaya hindi malayong mapagkamalan ka nang baliw."

"Hala—"

"Kaya kung ako sayo bawas-bawasan mo kakaganyan mo...kung masaya ka 'wag ka naman masyadong obvious."

"Eh, kasi naman ang hirap pigilan."

"Sus, kilig na kilig lagi—"

"Syempre..."

"Hay! Mabuti na lang talaga nagloko 'yang si Theo eh kung hindi, never kayong magkakakilala ni Sir David."

Hindi ako nakasagot agad dahil kahit papaano ay may pinagsamahan at minahal din namin ni Theo ang isa't-isa 'yon nga lang mas pinili nga lang niyang mainlove sa iba.

Hindi akong naniniwalang basta na lang siyang nainlove kay Yna dahil may choice siya—he can choose to stay loyal and make our relationship work. Hindi naman kasi lahat ng oras ay mahal natin ang taong kasama natin dahil may mga oras talagang we don't love them kaya kapag dumating ang time na iyon ay vunerable ang puso natin na maaring mauwi sa tuluyang pagkasira sa kasalukuyang relasyon.

Ngayon ko rin narealized maraming beses din palang dumating ako sa point na parang ayaw ko na ipagpatuloy ang relasyon namin noon lalo na kapag medyo pagod, nagkakaroon ng deskusyon, stress pero iniisip ko lang ang masasayang pinagsamahan namin...iniisip ko lang ang mga pagsubok na pinagdaanan namin kaya nagiging okay na ulit ako because 'Staying inlove with your partner is not just the feelings but also a choice.'

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon