CHAPTER NINE

57 3 0
                                    

CHAPTER NINE


HE KISSED ME!

Not my first kiss but why it feels like it was.

He kissed me in front of his parents.

Alam ko naman na it was just for the show as being couple pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang may iba akong nararamdaman—parang there was something deeper.

Kilala ko ang sarili ko, hindi pa ako tuluyang nakakamove on kay Theo pero bakit ngayon ay nagugulo na ang damdamin ko. Nagugulo na ang puso ko dahil kay David—dahil sa mga kabutihan na pinapakita niya. I know for sure naman that someday maaring maiinlove ako sa kanya pero hindi ko inaasahan na mukhang hindi magtatagal iyon dahil dahan-dahan, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin habang nasa byahe kami pauwi. Marahil napansin niya ang pananahimik ko.

Ngumiti ako. "Wala, naisip ko lang ang bait ng parents mo. Kakameet pa lang namin pero parang ang tagal-tagal na namin magkakakilala lalo na si Mom mo."

"Ganun din naman ang parents mo sa akin."

"Kaya nga nakakaguilt dahil baka madisappoint sila kapag naghiwalay na tayo after one year." Sinabayan ko ng mapait na ngiti. Totoo naman ang sinabi ko not just because I think I am falling for him.

"Pwede naman na hindi tayo maghiwalay after one year. We can continue this marriage."

Napalingon ako sa kanya. Gusto kong tumalon sa kilig at saya sa tinuran niya, grabe ang hirap magpigil ng kilig.

"Don't worry I am not joking. Seryoso ako pero if gusto mo lang naman."

Titig na titig ako sa kanya at gusto kong sumagot na "Oo naman gustong-gusto ko." Naku kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko siguro nakakahiya.

"Naku! Hindi naman need saka may sarili ka rin naman buhay, malay mo mainlove ka ulit sa iba 'diba or kaya naman ay bigla kayong magkabalikan ni Ate Beatrice." Napakaipokretong aniko pero slightly totoo naman dahil maaring mangyari iyon.

Mabilisang lumingon siya sa akin na nakasalubong ang kilay. "Ayaw mo ba na sayo ako mainlove?"

OMG! Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. "Huh?"

"Mas maganda 'diba kung sayo na lang ako maiinlove since kasal naman na tayo."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Mabuti na lang at nakatuon na ulit ang tingin niya sa daan kaya hindi niya nakita ang pagngiti ko.

Pilit ko man pigilan kasi kilig na nararamdaman ko pero mahirap dahil galak na galak ang puso ko sa narinig at nagkaroon ng katiting na pag-asawa na baka maging happy ending ang relasyon na ito na nag-umpisa lang sa isang katangahan.


* * * * *


Hindi ako napagkakatulog ng maayos ilang araw na, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makaget over sa sinabi ni David. Halos gabi-gabi kong napapanaginipan ang eksena kung saan ay pareho kaming nainlove sa isa't-isa. Bumuo ng isang pamilya at nagkaroon ng masayang buhay.

Hay! Kung sana magkakatotoo lang sana ang panaginip ko na iyon siguro I'll be the happiest woman in the world. Kung baga ang kwento ay kahit na nasaktan pero naging daan naman iyon na matagpuan ko ang lalaking nararapat para sa akin.

Napakagandang istorya sana ng ganun kaso nga lang sa realidad ay medyo malabong mangyari iyon or kahit sabihin na natin may ganun na mga pinalad man na tao pero not all.

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now