CHAPTER FIVE

65 5 0
                                    

Papunta ako ng Cafeteria para kumain, hindi ko kasama si Anna dahil nasa Accounting Department pa siya may inihatid na documents kaya susunod na lang siya.

Papasok na sana ako sa loob ng biglang may humila sa akin—pagharap ko ay si Theo pala.

Nagulat at nanlaki ang mga mata ko.

"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya pero mukhang hindi tanong ang tono ng boses niya kundi pag-uutos.

"Ala! Bakit? May unfinished business pa ba tayo sa isa't-isa?" Sarcastic ang tono ng boses sabay bawi ng braso ko na hawak pa rin niya.

Pagkatapos namin maghiwalay ay ito ang unag pagkakataon na mag-uusap kaming muli kaya hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko.

"May gusto lang akong itanong—"

"Then ask me here?" Humalukipkip pa ako.

Luminga-linga siya sa paligid. "Sa rooftop tayo mag-usap."

"Bakit hindi ba pwedeng dito mag-usap?"

"Please..."

Kanina pa abnormal ang tibok ng puso ko dahil sa presensya niya pero nakakaya ko pa naman kontrolin ang sarili ko pero kapag tumagal pa kaming magkausap ay alam kong baka hindi ko na kayanin at baka magbreak down na ako dito.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin—hindi ako sasama sayo sa rooftop." Pagmamatigas ko.

"Kailangan ko nang makalayo sa kanya." Ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.

Pero mukhang ayaw niya pumayag at nakatitig lang siya sa akin. "Kung ayaw mo then bye!" Akmang aalis na ako pero muli niyang hinawakan ang braso ko.

"Ano ang relasyon mo kay Sir David? Sasakyan niya 'yon kanina, diba?"

Nagsalubong ang kilay ko napatitig sa kanya.

Bakit niya tinatanong? Bakit interesado siya?—Mga katanungan na tumatakbo sa utak ko.

Gusto kong ipamukha sa kanya na kasal na ako—na mas naunan akong maikasal sa kanya—na wala na siyang impact sa buhay—na hindi ako apektado sa kanya pero—

"Kung ano man ang relasyon naming dalawa labas ka na doon." Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi ang totoo.

Hinila ko na pabalik ang braso at naglakad na palayo sa kanya pero hindi ko inaasahan na nakasunod siya sa akin, muli niya akong hinila.

"Zea?"

"What?!" Muli ko siyang ninlingon at pinanlakihan ng mata.

"What's the problem?" Nagulat kami pareho dahil sa biglang pagdating ni David.

Lumapit siya sa akin at walang sabi-sabi na inakbayan ako.

"May problema ba Mr...." Kunawari'y tiningan ni David ang I.D ni Theo. "Mr. Sanchez?" Kahit kilala naman niya ito.

Kita ko ang paglunok ni Theo. "Wa—wala po sir."

"Are you sure kasi kung may problema or kailangan ka sa asawa ko, pwede mong sabihin sa akin." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya ang katagang "asawa" nagulat ako at talagang hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Ramdam ko ang paghinto din ng mga tao sa paligid, nakatitig sa amin.

Hindi ko inaasahan na ibubunyag niya ngayon ang relasyon namin—ang kunwariang relasyon namin.

Bumaling ang tingin ko kay Theo at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Asa...asawa niyo po sir?" Hindi makapaniwalang ulit niya.

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)Where stories live. Discover now