CHAPTER EIGHT

51 2 0
                                    

CHAPTER EIGHT


"MASAKIT PA RIN pero tanggap ko naman na eh." Aniko pagkalipas ng isang mahabang katahimikan. Mula ng umalis kami ng opisina ay hinayaan muna ako ni David. No questions or anything basta tahimik lang siya.

"Ang hindi ko lang gusto ay ako na nga itong lumalayo at umiiwas pero nangingialam pa rin siya sa buhay ko! Sino siya para pakialaman ako at para sabihin na gusto lang niya ako protektahan samantalang siya nga itong nanakit sa akin! Siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan!" Pagpapatuloy ko pa na nangingili ang luha.

"Ayaw ko na sana siyang sumbatan! Naghiwalay kaming wala siyang narinig mula sa sakin! Tinangap ko ang gusto niya, pinalaya ko siya pero ang kapal ng mukha niyang manggulo pa sa buhay ko."

Alam kong hindi kami ganoon kaclose ni David para maglabas ako ng sama ng loob pero I can't help it. Ang hirap magkimkim ng sama ng loob lalo na't punong-puno na ako.

Naramdaman ko ang pag-abot at pagpisil niya sa kamay ko kaya napalingon ako.

"Do you want me to fire him?" Hindi ko alam if is he serious or pinapagaan lang niya ang loob ko. Legally it's not acceptable to fire employee without valid reason kaya baka nga pinapagaan lang niya ang loob ko ang he'll never do that for me dahil siya ang mapapasama bandang huli at pwedeng makasuhan.

"Just say it and I will fire him." Napamaang ako. Seryoso ba talaga siya? Gagawin niya iyon?

"No!" Mabilis kong tanggi sa offer niya. "You don't have to. Mapapasama ka lang kapag ginawa mo iyon—"

"Pero hindi ako natutuwa na nakikita kang ganyan. Walang asawa na matutuwa ng ganito—masakit para sa akin na magkita kang pinapaiyak ng ibang lalaki lalo na ng EX mo pa."

Kung nasa ibang sitwasyon lang ako ay siguradong kikiligin ako pero—mas lalo akong napaiyak dahil sa tinuran niya. I did really appreciate his concern.


* * * * *


"JUST STAY HERE!" Utos ni David nang nasa opisina niya kami kinabukasan. Sinama niya ako dito dahil pag-uusapan daw muna kami.

"Huh?" Nagulat ako.

"From now on dito ka na magtatrabaho sa office ko."

"Huh?"

Wala naman kasi kami napag-usapan kagabi na ganito kaya sympre magugulat talaga ako.

"Pero—"

"You'll be my personal assistant."

"Huh?" Ewan ko ba, para akong tanga dahil sa reaksyon ko.

"Mas mapapanatag kasi ang loob ko na lagi kang nakikita saka para hindi na makakasalisi ang Theo na iyon na kausapin ka pa."

Okay naman na ako, wala na 'yong nangyari kahapon, kasabay ng pagtulog ko ay kinalimutan ko na rin iyon. Papangit lang kasi ako kapag pinagpatuloy ko ang pag-iisip sa Theo na iyon.

Hindi ko itatanggi na medyo kinilig ako sa sinabi ni David pero syempre ayaw ko naman ipahalata. "Naku baka naman maya niyan mainlove ka na sa akin." Ginawa ko na lang biro ang sinabi niya dahil baka naaawa lang siya sa akin kaya nag-offer siya ng ganun saka para hindi rin mahalata ang kilig na nararamdaman ko.

"It's fine with me!" He answered. As in seryoso ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko habang titig na titig sa kanya.

Huh? Talaga? Ok lang sa kanya na mainlove siya sa akin? So ang ibig sabihin ba niyan ay may pag-asa na magustuhan niya ako? O... baka naman wala lang sa sarili ang sagot niya na iyon?

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें