CHAPTER ONE

119 7 1
                                    

Papasok na sana ako sa Company Cafeteria nang ang unang nahagip ng mata ko ay si Theo—ang ex-boyfriend ko, kasama niya ang bago niyang girlfriend na si Yna.

Oo tama, sa iisang kompanya lang kami nagtatrabaho—nakakatawa diba, katrabaho din namin ang pinagpalit niya sa akin kaya syempre nakakailang.

Agad akong napatago sa likod ng pinto—ewan ko ba kung bakit ako itong natatakot na makita nila samantalang wala naman akong ginawang masama.

Ako na nga ang iniwan ako pa ang natatakot!

Funny!

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako—hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakamove on samantalang dalawang buwan na mula ng maghiwalay kaming dalawa.

Dalawang buwan na ang nakakalipas ng marinig ko mula sa bibig niya ang mga katagang "Hindi na kita mahal."

Pero talagang masakit pa rin! Gabi-gabi akong hindi pinapatahimik ng panaginip ng eksena ng paghihiwalay naming dalawa.

Hindi ko pa rin kasi mahanap ang kasagutan kung ano ang kulang sa akin? Ano ang nagawa kong mali? Bakit nawala ang pagmamahal niya na noon ay kasing init ng apoy?

Tuluyan na ngang bumaksak ang mga luha ko.

Ang hirap makalimot! Mahirap paghilumin ang pusong durog na durog.

Mabilis kong pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko.

Inayos ang sarili at nagpasyang 'wag nang tumuloy sa loob.

Umakyat na lang ako ng rooftop—hindi pa rin naman ako nagugutom eh, saka kung magugutom man ako may biscuit naman ako, iyon na lang kakainin ko mamaya.

Pagkalabas ko ng rooftop ay agad linanghap ang sariwang hangin, napakagandang naisip ng kompanya namin na maglagay ng ganitong lugar dito sa buildung, may mga halaman at maliit na puno kaya masarap tumabay at presko.

Kahit sabihin na nasa gitna kami ng naglalakihang mga buildings ay kapag andidito ako sa taas ay nakakalimutan ko 'yon.

Actually wala masyadong umaakyat dito dahil 'yong iba tinatamad dahil kailangan gumamit ng hagdan bago makarating dito pero paminsan-minsan naman ay matao dito lalo kung hindi busy ang mga departments tulad ng patapos na ang taon, usually kasi tapos na nila mga deadlines nila kaya dito sila tumatambay para magrelax habang mga nakabreak.

Kahit ako ay paminsan-minsan lang din naman ako andito pero napadalas simula nang naghiwalay kami ni Theo.

Tahimik kasi dito at nagkakaroon ako ng quality time with myself para makapag isip-isip ng mga bagay-bagay.

Naglalakad ako papunta sa may bench para sana maupo pero napahinto ako sa ng may matanaw akong nakaupong nakatalikod na bulto ng lalaki.

Ilang beses akong nag-alangan kung itutuloy ko ba ang paglapit or babalik na lang sa opisina.

Limang minuto din akong nakatayo lang hanggang sa napagpasyahan ko na lumapit, andito na ako bakit ako bababa ulit saka mahaba naman ang upuan, sa bandang kabilang dulo na lang ako pupuwesto.

Tahimik at maingat ang bawat kilos ko para hindi ako makaistorbo.

Nang matagumpay akong nakaupo na hindi naagaw ang atensyon ng lalaki ay saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na lumingon sa kanya para sipatin kung sino—nanlaki bigla ang mga mata ko ng makilala ko kung sino!

Napatayo ako. "Good Afternoon Mr. Zamora." Sabay bati.

Nalingon siya sa akin—grabe ngayon ko lang siya nakita ng malapitan.

Dati sa mga billboard at sa TV ko lang siya nakikita pero ngayon ay kaface to face ko na siya.

Totoo nga ang sabi ng mga taong nakakita na sa kanya.Noong nagsaboy nga ang Diyos ng kagwapuhan ay sinalo na nito ang lahat.

Ang hugis ng mukha niya, ang mga mata, ang ilong maging ang labi niya perfect na perfect.

Bagay na bagay pa sa kanya ang suot na suit na bakat na bakat ang lapad ng dibdib at balikat, halatang-halata din laki ng mga muscles niya.

"Good afternoon!" Pati ang boses niya ang sarap-sarap sa tenga na para bang musika—brusko pero may lambing.

Hay! Bigla ko tuloy nakalimutan na sawi pala ako sa pag-ibig.

"Sorry po sa isturbo." Sabi ko ng makabawi ako sa pagpapantasya ko. "Babalik na lang po ako sa opisina." Paalam ko na dahil syempre nakakahiya.

"It's okay—" Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako. "...hindi mo naman kailangan umalis—besides para sa mga empleyado naman talaga itong place para makapagrelax-relax." Ngumit pa siya. Kitang-kita ko ang pantay na pantay at puting-puting ngipin niya.

Siguro kung sa mga oras na ito ay hindi na ako inlove kay Theo malamang maiinlove ako dito kay Mr. Zamora.

"Tha...Thank you Sir." Hindi ko na alam kung bakit nauutal ako. Samantalang kanina ay okay naman ang pananalita ko.

Nakangiti lang ako habang hahan-dahan ulit na bumalik at naupo.

Medyo mahirap ah, kasi talagang pinipigilan kong 'wag gumalaw ng gumalaw para hindi ako makaistorbo at makaagaw ng pansin niya.

Embes na makapagrelax tuloy ako dumagdag pa ito sa stress ko.

"You know what..." Narinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "Pwede ka naman gumalaw ng komportable, gawin mo ang gusto mong gawin, wag mo akong intindihin." Aniya na para bang inobserbahan niya ako.

Napalunok ako. "Yes sir." Nahihiyang sagot ko pero gayun pa man kahit sinabi na niyang malaya akong makakagalaw ng kompotable ay hindi ko pa rin nagawa, para pa rin akong istatwa.

* * *

"Talaga?" Hindi makapaniwala si Anna ng ikuwento ko sa kanya ang nangyari sa rooftop. "Nag-usap ba kayo? Anong pinagkwentuhan niyo? Close na ba kayo ngayon?" Excited na susunod-sunod na usisa niya.

Napangiwi ako. "Sus naman CEO siya ng kompanyang pinagtatrabahuan natin sa tingin mo ba may lakas ako ng loob na makipachickahan sa kanya!"

Pinandilatan niya ako ng mata. "Aba! Bakit naman hindi eh sabi mo nga mukhang mabait naman saka malay mo diba siya pala ang destiny mo at nang makapag move on ka na dun sa..." Hindi na niya itinuloy pa n bangitin pa ang pangalan ng lalaking dumurog sa puso ko.

Isa pa ito sa dahilan kung bakit nahihirapan ako makapagmove on dahil minsan talaga ay hindi maiwasan na maisali si Theo sa usapan at isa pa ay nasa iisang kompanya lang kami nagtatrabaho—ayaw ko naman maresign na ang dahilan lang ay para makaiwas sa kanya.

Pinaghirapan ko ang posisyon ko ngayon dito sa kompanya kaya hindi ko isasakripisyo ang trabahong ito para lang sa mababaw na rason saka naniniwala naman ako na isang araw magagawa ko rin makapagmove on—isang araw ay maghihilom din ang sugat sa puso ko at balang araw ay makakaya kong muling buksan ito sa bagong darating na pag-ibig.

Hindi naman natatapos ang buhay sa pagsasara ng isang pinto dahil naniniwala ako na kapag may nagsara ay may magbubukas.

Isang araw mahahanap ko na rin ang taong itinadhana talaga para sa akin or hindi man dumating ang panahon ay malugod ko naman na tatangapin na talaga sigurong tatanda akong mag-isa, char!

Ang pagmamahal ay hindi naman kasi kailangan ipilit.

Ang pagmamahal ay kusang nararamdaman kaya nang sabihin sa akin ni Theo noon na hindi na niya ako mahal ay hindi na ako nagdalawang-isip na pakawalan siya dahil alam kong mas masasaktan lang ako kapag pinilit ko ang wala na.

Mahirap ipilit ang hindi na dapat, mas masasaktan lang kami pareho lalong-lalo na ako. Masisira lang ang buhay namin at makakagawa lang siya ng mabigat na kasalanan.

Saka ika nga nila "Kung mahal mo set him free—hayaan mo siyang hanapin ang kaligayahan niya kahit kapalit no'n ay pagdurusa mo."

©2021

CONTRACT MARRIAGE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon