Chapter 9

6 1 0
                                    

"Myrtle!" nakangiting tawag sa akin ni Vernice kasabay ng paglalakad nito papalapit sa akin. Kakaway at ngingiti na rin sana ako sa kanya pero agad akong natigilan at naestatwa sa aking kinatatayuan, nang makitang hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang grupo nina Levi and as usual ay kasama ng mga ito si Calix. Na prenteng naglalakad habang nakaakbay at nakikipagtawanan sa kaibigan nitong si Jack.

Literal na nanigas ang mga labi ko mula sa akmang pagngiti nito. At dahan-dahan kong naramdaman ang papalakas na papalakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Sino sila? Kilala mo?" bulong na tanong sa akin ni Kiara na nasa tabi ko. Uwian na at kasulukuyang kalalabas lamang namin ng classroom nang makita ako ni Vernice. Mas malapit kasi ang building ng general academic strand sa gate ng school kaysa sa HUMSS. Kaya naman kung uwian na ay palagi akong dinadaanan ni Vernice sa classroom namin.

Dumapo ang tingin sa akin ni Calix nang makarating sila sa harapan ko. Huminto si Vernice sa paglalakad at nakita ko ang malapad na pagngisi niya sa akin. Nakuha pa nga nitong kumindat na para bang proud na proud siya dahil naisama niyang muli si Calix sa harapan ko.

"Sama ka sa amin, Myrtle. Babalik kami doon sa pinuntahan naming coffee shop kahapon," nakangiting yaya sa akin ni Vernice. Sumesenyas pa ito ng tingin sa akin na pumayag ako sa paanyaya niya.

"May pupuntahan ka pala, Myrtle. Mauna na ako sa iyo," paalam sa akin ni Kiara na agad ko namang inawat.

"S-Sandali. Sasabay ako sa iyo umuwi," nauutal at natatarantang sabi ko.

Nakita ko naman ang unti-unting pagkadismaya ni Vernice sa sinabi ko.

"Let's go, Vernice. Hindi naman gustong sumama sa atin ng kaibigan mo," ani Levi na tila tuwang-tuwa ito na hindi ako sasama sa kanila.

"Myrtle..."

"S-Sorry, Vernice..." tanging nasabi ko na lamang saka ako mabilis na tumalikod sa kanila at naglakad papalayo habang hila-hila si Kiara.

Bumigat ang loob ko dahil sa ginawa kong iyon kay Vernice. I didn't mean to offend her. Nakita ko kung gaano siya kasaya kanina nang makita ako. Nakita ko din kung gaano siya ka-excited na yayain ako. Pero... hindi ko kaya. Hindi ko kayang sumama sa kanya habang kasama niya ang ibang mga kaibigan niya. Lalo pa at nandoon si Calix.

Buong buhay ko, palagi na lang kasi akong minamata ng mga tao dahil sa pagiging nerd at boring kong tao. Kaya naman sa ilang taon ng buhay ko ay wala talaga akong self-confidence para makihalubilo sa iba lalo pa at ramdam na ramdam ko ang mga mapanghusgang tingin nila sa akin.

Iba ang mga kaibigan ni Vernice kay Kiara. Komportable akong makipag-usap at makihalubilo kay Kiara dahil nararamdaman ko sa kanya ang pagiging totoo at mabait niya sa akin. Kaysa sa mga kaibigan ni Vernice tulad na lamang nina Levi at Owen. Nararamdaman at nakikita ko sa kanila kung gaano sila nadidismaya sa tuwing nakikita nila ako. Na para bang ako 'yong pinakapangit na pwede nilang makita sa buong buhay nila. At ayaw ko naman na nang dahil sa akin ay magkaroon din sila ng ibang tingin kay Vernice.

Mahal ko si Vernice at gusto kong nagiging masaya siya at tanggap siya ng lahat. Alam kong sinabi na niya sa akin na gagawan niya ng paraan na mapansin ako ni Calix pero hindi ko naman iyon hinahangad na mangyari, dahil tulad nga ng naunang nasabi ko ay wala akong self-confidence para humarap sa iba. Lalo na sa pagharap sa lalaking gusto ko.

"Sino ang magandang babae na iyon? Kaibigan mo?" tanong sa akin ni Kiara nang makalabas na kami ng gate ng school. Tulad ko ay nagco-commute lang din siya pauwi sa kanila. Hindi tulad ng halos lahat ng mga estudyante ng Prime High Academy na may mga sariling sundo o sasakyan.

"Oo, best friend ko siya," proud na sabi ko kay Kiara.

"Talaga? Best friend mo 'yon? Iyong ganoong kaganda?" hindi makapaniwalang tanong ni Kiara sa akin na para bang malabo na mangyaring makipagkaibigan sa akin ang isang tulad ni Vernice.

Taming The Campus HeartbreakerWhere stories live. Discover now