Chapter 7

7 1 0
                                    

Maingat kong inilagay sa hanger ang school uniform vest ng lalaking hindi ko naman kilala na siyang nabangga ko kanina. Natapos ko na itong labhan kahit pa labag na labag iyon sa kalooban ko dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang may gawa ng dumi na iyon. At hindi ko din naman maintindihan sa sarili ko kung bakit kahit na labag sa kalooban ko ay ginawa ko pa rin naman.

"Tita!"

"Oh, hi Hija! Kumusta ka?"

"Mabuti naman po, Tita!"

"Kumusta ang unang araw mo sa klase?"

Narinig kong palitan ng usapan ni Nanay at ng kausap niya na sigurado akong si Vernice. Mula sa likuran ng bahay ay mabilis akong nagtungo sa sala at nakita ko nga doon si Vernice na masayang nakikipagkwentuhan kay Nanay. Sabay silang dalawa na bumalin ng tingin sa akin.

"Narito ang maganda mong bisita, Anak," nakangiting sabi ni Nanay sa akin saka mabilis na tumayo na Vernice at naglakad papalapit sa akin.

"Napadaan ka?" tanong ko kay Vernice.

"Hindi ako napadaan. Sinadya kong magpunta dito dahil dito ako matutulog," nakangiting tugon sa akin ni Vernice.

"Huh? Pero bakit?" gulat na tanong ko sa kanya. "Hindi naman weekend ngayon. May pasok tayo bukas—"

"Ano naman kung may pasok? Wala naman masama kung mag-overnight pa rin ako dito, 'di ba po, Tita?" saad niya sabay balin kay Nanay.

"Oo naman, hayaan mo si Vernice dito matulog sa atin kung gusto niya," nakangiting tugon ni Nanay.

"Oh, 'di ba? Okay lang kay Tita!" excited na sabi ni Vernice saka ito mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko.

May mga pagkakataon talaga na dito natutulog sa bahay si Vernice lalo na kung weekend o walang pasok sa school. Pero ang madalas na nagiging dahilan ng pag-oovernight niya sa amin ay sa tuwing nagkakaroon ng away ang parents niya sa kanila.

Mayaman ang pamilya ni Vernice at parehong abala sa mga negosyo ang kanyang mga magulang. Pero sa kabila no'n ay madalas ang pagtatalo at pag-aaway ng parents niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Nanay saka maliit na ngumiti at tumango ito sa akin. Na para bang sinasabi ng mga mata niya na i-comfort ko si Vernice at hayaan ito na matulog dito sa amin ngayong gabi. Sobrang lapit din kasi ng loob ni Vernice kay Nanay na kung minsan pa nga ay parang mas anak pa ni Nanay si Vernice kung ituring kaysa sa akin.

Sumunod ako kay Vernice sa kwarto at nakita ko itong prenteng nakahiga na sa maliit na kama ko. Dala niya ang bag niya sa school at isang paper bag kung saan naroroon ang school uniform niya. Kinuha ko iyon at maingat na inilagay sa hanger upang hindi magusot habang tahimik lang naman akong pinanonood ni Vernice.

"Nag-dinner ka na ba?" pagkuwan ay tanong ko sa kanya.

"Hindi pa," simpleng tugon niya sa akin.

"May gusto kang kainin?" tanong kong muli na mabilis naman niyang ikinailing.

"Wala akong gana. Hindi ako nagugutom," tugon niya sa akin, mahihimigan ng lungkot ang kanyang tinig.

Lumpit ako sa kanya at naupo sa kama sa tabi niya. "May gusto kang ikuwento? Makikinig ako," saad ko sa kanya na maliit naman niyang ikinangiti.

"Sana iisa na lang tayo ng nanay. Sana kapatid na lang kita," saad niya sabay yakap sa braso ko at ipinilig niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Vernice..." nag-aalalang usal ko sa pangalan niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot ngayon. Nararamdaman ko din na may mabigat siyang dinadala.

Taming The Campus HeartbreakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora