Chapter 6

6 1 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na kampanteng nakikipagkwentuhan sa akin si Kiara matapos nitong pormal na makipagkilala kanina. Halos mabali na ang leeg niya dahil kasulukuyang nililingon niya ako mula sa upuan niya na nasa harapan ko. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin dumarating ang susunod na teacher namin kaya naman tuloy sa pagdadaldalan at pag-iingay ang mga kaklase namin. At tulad nila ay tuloy lang din naman sa pagkukwento sa akin si Kiara.

Nalaman ko sa kanya na nagmula siya sa ibang school at doon nagtapos ng Junior High. Kasama niya sa school na iyon sina Diego at Ray, 'yong dalawang lalaki kanina.

"Ayaw ko sana talagang lumipat dito sa school na ito pero dito gusto ng parents ko dahil sikat daw ito at talaga namang malaki. Iyon nga lang, 'yong ugali ng mga estudyante dito ay hindi ko bet," pahayag niya pa sa akin. "Sa lahat ng estudyante dito, ikaw lang ang nakita kong mabait."

"H-Huh?" Paano niya naman nasabi iyon eh first day of school pa lang naman.

"Hindi mo naman ako kilala at sinungitan pa kita kanina pero... you know, niligtas mo ako mula sa pangti-trip ng dalawang gunggong na iyon," saad niya sabay nguso kina Diego na nasa kanilang mga pwesto at panay ang tawa na parang iba naman ang pinagti-tripan ngayon.

Marahan akong bumalin kay Kiara na nasa harapan ko. "W-Wala iyon. Nakita ko lang kasi talaga 'yong ginawa nila—"

"Pero hindi lahat ay gagawin 'yong ginawa mo," putol niya sa akin.

"Huh?"

"Iyong iba pwedeng magpatay malisya na kunwari ay wala silang nakita. Kumbaga ay hindi sila makikialam," aniya. "Kaya kapag inaway ka ng dalawang gunggong na iyon, sabihin mo agad sa akin ah. Huwag kang matatakot sa dalawang iyon," dagdag niya pa.

Nilingon kong muli sina Diego at Ray na panay ang pagtawa sa kung ano mang kalokohan na pinag-uusapan nila. "Actually... hindi naman sila mukhang nakakatakot na tingnan. Saka... mukha din naman silang mabait—"

"Hay naku, akala mo lang iyon," mabilis na putol sa akin ni Kiara. "Gusto ko sanang maupo diyan sa tabi mo kaya lang... ayaw ko makatapat ang dalawang iyon," saad ni Kiara na napangiwi pa sa huling sinabi.

Hindi ko akalain na madaldal pala siyang tao. Noong lapitan ko kasi siya kanina ay para siyang mananakmal sa sobrang taray ng mga tingin niya.

Ilang sandali pa ang lumipas nang dumating na din sa wakas ang teacher namin at dahil sa ilang minuto itong na-late ay halos introduction lang ang nagawa namin sa klase niya dahil inabot na kami ng oras ng uwian. Tumunog ang bell at masaya ang lahat na nagsipagtayuan kahit nasa harapan pa namin si Sir. Ako tuloy ang nahiya para sa mga kaklase kong atat na atat umuwi.

Simula grade school ay dito na ako nag-aaral sa Prime High Academy. Isa ito sa pinakasikat at pinakamalaking paaralan sa Pilipinas at kung hindi dahil sa scholarship na taon-taon kong mini-maintain at inaalagaan ay hindi ako makakatungtong dito. Dito ako pinapasok ni Nanay dahil pangarap niya para sa akin ang makapag-aral at makapagtapos sa ganitong kasikat at kalaki na paaralan. Kaya naman mula noon hanggang ngayon ay binabantayan ko talaga ng mabuti ang mga grades ko para magtuloy-tuloy ang scholarship ko dito. Kaunting taon na lang kasi at kaunting tiis na lang ay makakapagtapos na ako.

Masayang kumaway sa akin si Kiara para magpaalam nang matapos na itong mag-ayos at magligpit ng mga gamit niya. Kinawayan ko din naman siya pabalik bilang pamamaalam dito. Hindi ako sanay na may ibang estudyante ang nakikipag-usap sa akin lalo na kung hindi naman tungkol sa assignments o project. Si Kiara ang una kung hindi isasama sa listahan ang best friend kong si Vernice.

"Myrtle!" Mabilis akong napalingon pagkalabas ko ng classroom namin nang may tumawag sa akin. And as usual, si Vernice lang naman iyon at wala ng iba. Malapad ang ngiti nito na kumakaway at naglalakad papalapit sa akin.

Taming The Campus HeartbreakerWhere stories live. Discover now