Chapter 1

9 2 0
                                    

Nagambala ako sa aking pagbabasa ng libro nang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng cashier counter table at sinagot ang incoming call mula kay Ninang Nelly.

"Hello, Myrtle?"

"Yes po, Ninang?" tugon ko kay Ninang Nelly na nasa kabilang linya.

"Myrtle, Ija, nag-text kasi sa akin si Joyce. Hindi daw siya makakapasok ngayon at nilalagnat siya. Kaya kung okay lang ay isara mo na lang ang store bago ka umuwi mamaya. Nasa biyahe pa kasi ako at tatlong oras pa bago ako makauwi diyan," mahabang pahayag sa akin ni Ninang Nelly.

Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa pader. Alas syete na ng gabi at isang oras na lang ay tapos na ang duty ko.

"Okay po, Ninang. Ako na po ang bahala," magalang at magiliw na tugon ko kay Ninang.

"Sige, Ija. Maraming salamat ha. Bye!"

"Bye po. Ingat po kayo sa biyahe." Pagkasabi ko no'n ay inend ko na 'yong call.

Tumayo ako at nagsimulang magpatutog sa cellphone ko. Pagkatapos ay nag-stretching ako. Ilang oras din akong puro pag-upo lang ang ginagawa dahil sa matumal na pagdating ng mga customer. Lumabas ako mula sa counter area at nagsimula nang maglinis ng store, dahil isang oras na lang naman ay magsasara na ako.

Suma-sideline ako sa pagbabantay dito sa maliit na convenience store ni Ninang Nelly. At dahil sa pasukan na next week ay balik na sa dating oras ang pagbabantay ko dito sa store. Kung noon ay araw-araw akong tumatao dito, next week ay tuwing weekend na lang ulit tulad noong nakaraang pasukan din. Dahil every weekdays ay magiging busy na ako sa school at sa pag-aaral ko.

24/7 bukas ang store na ito at ang kapalitan ko na nag-duduty tuwing gabi ay ang kaibigan kong beki na si Joyce. Na ayon kay Ninang Nelly ay nilalagnat daw ngayon kaya hindi makakapasok, kahit na kanina ay nakita kong nag-story siya sa social media niya na may date sila ng jowabels niya. Mabuti na lang at hindi niya friend sa social media si Ninang.

"Hay naku, baklang Joyce ka talaga," naiiling na sambit ko na lamang.

Isa-isa kong inayos ang mga paninda at display ng store, pagkatapos ay nagwalis na din ako. At nang matapos ako ay bahagya ko namang ibinaba ang roll up door sa paligid ng store. Mabuti na lang at walang mga customer ang dumarating kaya nagagawa ko nang mabilis ang mga gawain ng mag-isa dito.

Pagkatapos no'n ay kinuha ko ang floor mop at nagsimula na nga akong mag-mop ng sahig. At habang ginagawa ko iyon ay hindi ko naman mapigilan ang sarili ko, na hindi mapaindak sa bawat pagtugtog ng musika na nagmumula sa cellphone ko. Bukod kasi sa pagbabasa ng iba't ibang mga libro ay hilig ko rin ang pagsasayaw sa tuwing mag-isa lang ako. 'Yong tipong walang ibang nakakakita sa akin kung 'di tanging ako lamang.

At ang simpleng pag-indak ko lang noong una, ay unti-unti nang bumibilis at lumalalim. Hanggang sa tuluyan ko na ngang nakalimutan kung nasaang lugar ako at tanging ang musika na lamang ang siyang umokupa sa pag-iisip ko.

Ngunit kaagad akong natigilan nang sa pag-ikot ko ay may isang bulto ng tao ang siyang tahimik na nanonood sa akin. Nakaramdam ng paninigas ang mga tuhod ko at halos mapatulala ako sa kanyang harapan. Nasalubong ko ang mga tingin niya at nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat din sa nakita niyang pagsasayaw ko.

Sunod-sunod akong napalunok habang hindi ko alam kung paano ako hihinga ng ayos ngayon sa kanyang harapan. Hindi ako makapaniwala na narito siya ngayon sa aking harapan at nasaksihan ang kabaliwan ko. Naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa labis na kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ba naman kasi ng taong pwedeng makakita sa akin ngayon ng pagsasayaw ko ay siya pa.

Bakit siya pa? Bakit?!

Unti-unting gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi saka siya marahan na pumalakpak sa akin.

At para akong lumutang sa ere habang pinagmamasdan ko ang magagandang ngiti niya. And the moment pa lang na nasalubong ko ang mga tingin niya ay parang nagkagulo na ang mga organs ko sa loob ko.

Hindi ko alam kung ilang segundo ba akong naestatwa sa harapan niya, pero nang makabawi ako ay kaagad akong pilit na tumayo ng tuwid at marahan na yumuko sa kanya. "P-Pasensya na," mahinang usal ko.

Tumigil siya sa pagpalakpak sa akin. "Bakit ka humihingi ng pasensya, Miss?" nakangiting tanong niya sa akin and this time, hindi ko na magawang salubungin pa ang mga tingin niya.

"Ah... eh... a-ano po bang hanap niyo?" nauutal na tanong ko sa kanya kasabay ng paglilikot ng aking mga mata.

"I just want to buy a drink," simpleng tugon niya sa akin saka siya naglakad patungo sa display fridge at doon ay kumuha ng kanyang inumin.

Napasinghap naman ako sa kahihiyan at lihim na kinastigo ang aking sarili, saka ako mabilis na kumilos at nagtungo sa harapan ng counter upang i-scan ang item niya. At kahit na labis-labis ang pagwawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko ay pinilit ko pa ring maging kalmado at umakto ng normal sa paningin niya.

Nang makuha na niya ang kailangan niya ay saka siya lumapit sa akin nang nakangiti pa rin. Inayos ko ang suot kong salamin saka ko mabilis na inayos ang binili niya.

"Thank you," nakangiting wika niya sa akin nang makapagbayad na siya.

"T-Thank you din po," nauutal na tugon ko naman sa kanya.

Tumalikod siya sa akin at nang akmang hahakbang na siya paalis ay tumigil din siya at bumalin muli sa akin. "By the way, you have a good talent for dancing. Keep it up," nakangiting saad niya, na siyang tuluyang nagpatunaw sa puso ko.

Saka siya tumuloy sa kanyang pag-alis at iniwanan akong tulala.

Taming The Campus HeartbreakerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ