Chapter 3

7 1 0
                                    

Humarap ng maayos ang lalaki sa akin at bahagya pa nitong inilapit at iniyuko ang sarili na para bang mabuti akong tinitingnan. Hindi pa ito nakuntento at nagawa pa nitong ibaba ang suot na sunglasess. Kumislot naman ang puso ko at bahagyang namilog ang mga mata ko nang masalo ko ang mga tingin niya. Sa isang iglap ay para akong dinala sa kung saan ng kanyang mga matang nakatitig sa akin. At dahil doon ay malaya kong napagmasdan ang maganda at kulay tsokolateng mga mata niya.

Umawang ang mga labi ko. Hindi ko naiwasang itago ang pagkamangha at paghanga ko sa halos perpekto niyang itsura.

His left eyebrow shot up. "Who the hell do you think you are to go with me?" malamig pa sa yelo na tanong niya sa akin. At sa isang iglap ay agad akong nagbalik sa reyalidad. Natataranta sa mga titig niya.

"Huh?" I swallow and clear my throat. "I'm Myrtle Grace—" Natigilan at napakurap-kurap ako nang makarinig ng mahihinang bulungan at tawanan sa paligid. Bakit? Tama naman ako ng narinig, hindi ba? Tinatanong niya kung sino ako?

Lumayo siya sa akin na ngayon ay may suot ng ngisi sa kanyang mga labi. Ibinalik nito sa mga mata ang sunglasses niya at nakaramdam ng kaunting pangungulila ang puso ko nang matakpan nang muli ang kanyang magagandang mga mata.

"If you're trying to flirt with me, can you at least fix yourself first?" nakangising usal niya saka niya ako balewalang tinalikuran at iniwanan.

Ininsulto niya ba ako?

Mabilis akong napakurap-kurap hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa loob at muling isinara ng guard ang gate ng school. Nananatili sa akin ang mga tingin at bulungan ng ibang mga estudyante doon na katulad kong mga late din. At sa palagay ko ay talagang ininsulto nga ako ng gwapong lalaki na iyon.

Napabuga ako ng hininga sa hangin. Masyado akong na-hypnotize ng mga mata niya kaya sandali akong nawala sa sarili ko. Hindi ko tuloy namalayan ng mabilis ang pang-iinsulto niya sa akin. Gwapo nga siya ngunit sobrang gaspang naman ng pag-uugali.

Oo gwapo siya pero hinding-hindi ako makikipag-flirt sa kanya! At saka... bakit siya pinapasok ng guard? Eh mas late pa nga siya kaysa sa akin. Porque ba gwapo siya kaya ganoon? At teka, nakailang pag-describe na ba ako sa kanya na gwapo siya? Tsk. Ayaw ko nang ulitin. Gwapo siya pero sana hindi ko na siya ulit makita!

Ilang sandali pa ang lumipas nang matapos din sa wakas ang flag ceremony sa loob ng school. Binuksan ng guard ang gate at mabilis na akong pumasok sa loob no'n.

First day of school ngayon at first day ko rin bilang isang Senior High School student. General Academic ang strand na napili ko dahil gusto kong mag-explore pa sa madami bagay. Although, gusto ko din talagang maging isang teacher pagdating ng araw.

Pagkadating ko sa tapat ng room namin ay narinig ko agad ang tinig ni Ms. Alice Da Pra. Ang class adviser namin.

"The very first thing I don't like is being late to class. And anyone who is late for class will be punished," pahayag nito na siyang ikinangiwi ko.

At pagkuwan ay maingat akong yumuko upang pumasok sa loob ng classroom. Sa likuran ako dumaan upang walang masyadong makapansin sa akin na late ako. Marahan at maingat akong naglakad papasok sa loob habang nakayuko, nang bigla akong magitla dahil sa kung anong nabangga ko. Nag-angat ako ng tingin at agad na inayos ang suot kong salamin.

I swallowed hard nang masalo ko ang matalim na tingin sa akin ng isang magandang babae. Si Ms. Alice Da Pra.

"G-Good morning po, Ms. Alice!" bati ko sa kanya saka pilit na ngumiti ng malapad kahit na malakas na ang bawat pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Stand up straight and face the wall," taas ang isang kilay na saad niya sa akin.

"Yes, Ms.," magiliw na tugon ko saka ako humarap sa pader sa likod. Narinig ko ang mahihinang bulungan ng mga kaklase ko pero binalewala ko na lamang iyon. Lunes na lunes pero ganito agad ang bungad na nangyari sa akin. Ewan ko na lang kung hindi pa ako madala nito sa susunod.

Taming The Campus HeartbreakerWhere stories live. Discover now