Chapter 4

6 1 0
                                    

Nanigas ang buong katawan ko dahil doon. Ilang segundo din ang itinagal ng pagtititigan namin ng lalaking iyon bago ako tuluyang makabawi sa sarili at makaalis sa lugar na iyon. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng classroom at sakto din naman na dumating na ang teacher namin para sa susunod na subject namin. Nawala na din si Vernice na hindi na nakapagpaalam sa akin.

Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba ko sa nakita ko. Ano ba namang mga klaseng estudyante ang mga iyon? Kay babata pa nila pero nagagawa nang makipaghalikan. Ayaw unahin ang pag-aaral! At dito pa talaga nila nagawang magkalat sa school huh.

Natapos ang sumunod na klase namin nang halos wala akong masyadong naunawaan dahil sa paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko 'yong mga bagay na nakita ko kanina na hindi ko dapat nakita. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakakita ako ng naghahalikan sa personal. Sa mga palabas sa TV ko lang naman kasi iyon nakikita o 'di kaya'y nababasa ko lang sa mga libro.

Tumunog ang bell ng school, hudyat na lunch break na. Kaya naman mabilis at maingay na tumayo ang mga kaklase ko saka lumabas ng classroom. Kinuha ko ang maliit na bag ko na may lamang lunch box ko na inihanda ni Nanay kaninag umaga para sa akin, saka na din ako tuluyang lumabas ng classroom.

Ang ibang mga estudyante dito sa Prime High Academy ay madalas na kumakain sa cafeteria ng school. At ang iba naman na tulad kong nagbabaon ng pagkain ay sa food court nagpupunta para doon kumain. Bawal kasi kumain sa loob ng classroom ang mga estudyante dito dahil kasama iyon sa rules ng paaralan. Magkatabi ang cafeteria at ang food court. Iyon nga lang at naka-aircon sa cafeteria, while sa food court ay nasa labas lang at nasa ilalim ng mga puno ang mga mesa at upuan.

Nagtungo ako sa food court at agad naman akong kinawayan ni Vernice nang makita ako nito. "Dito, Myrtle!" nakangiting tawag nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka nagmadaling lumapit. Maraming mga estudyante ang lumalapit sa kanya at bumabati sa kanya. Pero kalimitan sa mga iyon ay mga lalaki. "Nag-reserve ako ng pwesto para sa ating dalawa," nakangiting usal niya.

"Thank you!" masayang tugon ko naman saka ako naupo sa tapat niya.

"Oo nga pala, saan ka ba nagpunta kanina at bigla kang nawala?" tanong niya sa akin. Sandali naman akong natigilan doon dahil agad kong naalala 'yong nakita kong dalawang estudyante na naghahalikan kanina sa may hagdanan. "Huy, Myrtle. Okay ka lang ba?" muling tanong niya pa sa akin nang matigilan ako.

"H-Huh? Ahh... k-kasi tumawag si Nanay sa akin kanina kaya... lumabas ako sandali," nauutal na tugon ko sa kanya.

"Sure ka ba na si Tita Martha 'yong tumawag sa iyo?" Napatingin ako sa kanya.

"Huh? Oo naman. Bakit? Sa tingin mo ba ay may iba pang tatawag sa akin bukod sa inyong dalawa ni Nanay?" tanong ko pabalik dito saka ko inumpisahang buksan ang lunch box ko.

"Malay ko ba kung may new friends ka na, o 'di kaya'y may nanliligaw na sa iyo," tugon niya sa akin.

"Nagpapatawa ka ba? New friends? Manliligaw? Ano 'yon? Nakakain ba ang mga iyon?" Natawa si Vernice sa sinabi ko at maya-maya lang ay lumapit ang isang lalaki sa amin na may dalang lunch ni Vernice.

"Thank you!" matamis na nakangiting balin ni Vernice sa lalaki. Nahihiyang napakamot ng ulo ang lalaki.

"W-Wala iyon. Basta ikaw," mahinang usal nito saka ito mabilis na tumalikod at nagsimula nang umalis.

"Sino iyon?" nagtatakang tanong ko kay Vernice.

"Classmate ko. Nakapila ako kanina sa cafeteria pero ang sabi niya ay siya na lang daw ang bibili ng lunch ko. Kaya ayun, hinayaan ko siya sa gusto niya," tugon ni Vernice sa akin saka siya nag-umpisang kumain.

Marahang napatango na lamang ako sa sinabi niya saka ako nagsimulang kumain din.

Habang kumakain kaming dalawa ay panay naman ang pagbati ng mga estudyanteng napapadaan at napapapwesto malapit sa amin, kay Vernice. At ni isa man sa mga iyon ay walang bumati, ngumiti o tumingin man lang sa akin. Na para bang isa lamang akong invisible at tanging si Vernice lamang ang nakakakita sa akin.

Taming The Campus HeartbreakerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora