Kabanata 26 - Laban ng Berde at Pula

9 4 0
                                    

AKIHIRO LANDEZ' POV

Bago magsimula ang laban, huminga ako ng napalalim at kaagad na inayos ko ang tayo ko. Nasa harap ng dibdib ko ang mga kamao ko habang nasa unahan naman ang kanang paa ko. Tamang tayo lang si Akane habang nakatingin sa akin, neutral lang ang tingin niya. Suot niya ang Fanatic Necklace ni Erika sa kanyang leeg, ibig sabihin ay tama si Erika na siya nga si Atheist Girl.

"Akane, ano ba talaga ginagawa mo rito sa Pilipinas?" tanong ko habang seryosong tingin sa kanya at naka-battlestance. Nagtitimpi na akong sapakin siya para piagganti ko lang si Master Chen.

"Paumahin pero..." Dito pinindot ni Akane ang Fanatic Necklace na suot niya at mamaya-maya ay napalit na siya ng ibang anyo. Same parin ang suot niya kay Erika pero ang kakaiba rito ay may sungay na siya sa ulo at may pakpak at buntot sa likod. "Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ko."

"Hindi mabuti sa amin ang ginawa mo." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, right foot and left foot ang galaw ng paa ko na parang talangka lang hanggang sa huminto ako noong halos isang agwat na layo namin ni Akane sa isa't isa.

"Akihiro, parang awa mo na dahil gagawin ko naman ito para rin sa iyo," pakumbabang sabi ni Akane.

"Hindi..." Kaagad nagpakawala ako ng diretsong kaliwang palad bilang unang atake ko sa kanya ngunit agad naman yumuko pakanan ang katawan ni Akane kaya nasalag ang atake ko.

Kaagad naman binuwelo ko muna ang kaliwang braso ko habang kaagad na diretso ko ang kanang palad ko sa kanya na may kasamang pag-abante sa kanya. Kaagad naman niyang yumuko ang katawa ni Akane pero sa kaliwang diretso naman habang siya naman ay umaatras. Kaagad namang nagpakawala ako ng diretsong kaliwang palad habang binuwelo ko ang kanang braso ko na may halong pag-abante sa kanya. Naulit na naman ni Akane ang kanyang ginawang pangsalag, yumuko pakanan ang katawan ni Akane kaya nasalag ang atake ko.

Noong buwelo ko na ang kaliwang braso ko, paitaas kong pinakawalan ang kanang palad ko habang kaliwang pa-side na nakaharap ang aking katawan. Dito naman na yumuko patalikod si Akane kaya nalihis nalang ang atake ko sa katawan niya na walang daplis. Kaagad na tumalikod ako sa kanya at sabay siniko ko siya patalikod gamit ang kaliwang siko ko.

Kaagad naman hinawi ni Akane iyon at lumayo ang siko ko sa katawa niya kaya napaharap ako sa kanya. Dahil sa ginawa niya, kaagad akong nagpakawala ng kamao pakanang na direksyon para balak kong tamaan sa pisngi niya. Ngunit kaagad sinampal niya ang kanang kamao ko na may halong hanging nakadamhin sa aking katawan.

Dahil naman sa ginawa niya ay nagkalayo na kami sa isa't isa, napadulas ang paa ko paatras ng ilang segundo habang palutang namang umatras si Akane at lumapag sa lupa. Mahigit isang talampakan ang layo namin at malawak ang pagitan namin. Tumayo muna akonng diretso sa harapan niya, gigil at ang dugo ko ay kumukulo sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya. Neutral lang ang mukha ni Akane, parang wala lang o insentibo siya sa mga atake ko.

"Akihiro kung kalabanin mo pa ako, huwag mo nalang ituloy," pakumbabang bilin niya sa akin habang neutral parin ang pagmumukha niya. "Kung ayaw mo masaktan ay maaari mo bang pabayaan mo ako?"

"Hindi talaga ako titigil para pabagsakin ka, Akane," inis kong sabi habang lumalapit ako sa kanya. "Kahit wala kang masuot, hindi ako aakit sayo dahil mamatay-tao kang bruha ka."

"Makinig ka Akihiro-"

"Wala akong salita na maaaring kong pakinggan na galing sa'yo," inis kong wika. Kumukulo na lalo ang dugo ko sa kanya. "Kahit A-E-I-O-U ay hindi ko papaniwalaan ang mga pinagsasabi mo dahil tama ang pananaw ko sa'yo na isa kang basurang kailangan idurog at isa kang almusal na sinusuka ng lipunan." Kaagad nagpakawala ako ng suntok ko para balak kong tamaan ang kanang kamao ko sa mukha niya. Ngunit agad naman sinampal ni Akane ang kanang braso ko para makasalag doon.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon