Kabanata 16 - Pinagmulan ng Nakaraan

21 5 0
                                    

ERIKA ROMULO'S POV

Agosto, 1988...

"Okay Marcos, may isang announcement ako sa inyo dahil mayroon kayong bagong kaklase na mapapatpad dito sa section na ito," Anunsyo ni Maam Arevalo sa amin dahil alam naming may kaklase naming bago.

"Sino kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko ngunit pabulong na tanging ako lang ang nakakrinig.

"Pasok ka!" Sigaw ni Maam Arevalo sa lalaking nasa labas kaya't pumasok na ito sa room namin at huminto ito sa harapan namin. Isang maitim na kutis, nakasalamin at medyo matangkad. "Magpakilala ka, ginoo," wika pa ni Maam Arevalo kaya't nagpakilala ito sa amin.

"My name is Akihiro Landez, I'm seventeen years old and Nakatira ako sa Leveriza Street, Pasay City." Nagpakilala ito sa aming harapan.

Sa una ay naweweirduhan ako sa itsura niya kasi ang itim niya na kaunti tapos hindi kagandahan 'yung buhok niya at patpatin pa.

"Maupo kana, Mister Landez."

"O-opo, Ma'am." Kaagad na umupo siya sa upuan at sa tabi ko pa mismo. Nasa Row Two ako at sa dulo ako, basta kasi sa dulo ay mga barumbado.

Mukhang mali ang ikinauupuan niya ngayon. Tinignan ko ang weird face ng Future Husband ko habang nakikinig siya kay Ma'am. Nerdy siguro si Akihiro at mukhang matalino ang kumag na ito. Ito ang unang araw na nakita ko ang isang lalaki na tinadhana ko at ang sinayang ko. Kung hindi man ito ang aking nakatuluyan ay baka hindi na ako si Fanatic Girl at hindi rin siya si Master Tokwa.

****

Ilang oras na nakalipas ay lunch break na namin, nakita ko si Akihiro na mag-isa lang sa table sa may School Park while nasa ibang table naman kami nila Amygie habang kumakain lang si Akihiro na tahimik habang tinitignan ko siya.

"Ikaw ah! Nagka-first love ka sa Transferee," linya ni Amygee sa akin.

"H-hindi ah!" giit ko naman sa kanya at tumingin ako kay Ameh. "Ang panget kaya, kadiri pa."

"Sus, Erika!" wika naman ni Amygee.

Maya't maya ay dumating na naman si Simoune sa amin. "Erika, Amygee, napapansin ko lang kayo na parang pinag-uusapan ninyo si Transferee," bungad niyang wika.

"Hi-hindi ah! Wala naman ako pakialam d'yan," wika ni Amygee bilang pagtanggi.

"Ba't hindi mo kaya kausapin siya, Simoune?" mungkahi ko kay Simoune habang nakatingin na kay Akihiro sa kabilang table.

"Nahihiya yata kasi si Transferee," sagot naman ni Simoune. "Kung ikaw kaya tutal magkatabi naman kayo ng upuan."

Napaisip na lamang ako bigla nang narinig ko ang sinabi ni Simoune sa akin. Mukhang ako na siguro ang lalapit kay Akihiro para makilala ko ito kung sino siya at kung ano ang gusto at ayaw niya.

****

Kinabukasan, dito na ako sinimulan kausapin si Akihiro. Mayamaya ay dumating na si Akihiro galing sa toilet room at kaagad umupo siya sa upuan niya na kung saan ay nasa tabi niya ako. "Kuya!" tinawag ko si Akihiro.

"I'm not interested," sagot naman niya habang iniiwasan niya tumingin siya sa akin. "Wala akong panahong makipag-usap sa mga magiging kaklase ko," saad naman ni Akihiro at kaagad binuklat ang kanyang libro.

"Erika Robinnah Nichole," nagpakilala ako sa kanya at balak ko siyang pakipagkamayan pero hindi niya ako pinansin, nagbabasa na lang siya ng libro niya while ako nama'y muntanga sa tabi niya kaya't binaba ko na lang ang kamay ko dahil sa kanya.

"Kung ako sayo Erika Robinnah Nichole ay magbasa ka na lamang ng libro ngayon," wika pa ni Akihiro sa akin. "May murang book sa Cartimar ngayon, mga two pesos lang naman," dagdag pa niya.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Where stories live. Discover now