Kabanata 2 - Ang Bagong Lipunan

54 9 1
                                    

AKIHIRO LANDEZ' POV

Hindi na ako bumalik sa Pasay simula noong sinabi ni Erika na huwag na huwag ko siya kausapin at makita pa. Alam kong mas masaya siya kung ganoon ngunit ako'y nasasaktan lalo at dala-dala ko na iyon hanggang sa pagtanda ko. Hindi ko na alam kung paano ko maiwasan ang lahat na araw, bagay at maging ang ala-ala na kasama kami ni Erika sa isipan ko. Sa tuwing naalala ko si Erika, nararamdam ko pa rin ang sakit sa aking puso.

Mas nanatili na lang ako na nasa bahay na lamang dahil dala ko pa rin ang sakit na nararamdaman. Parati akong mapang-isa sa bahay noong bakasyon. Umabot na rin iyon hanggang sa pagpasok ko sa bagong unibersidad, hindi rin ako pakikipag-ugnayan sa iba pang estudyante dahil ayokong isipin na lahat na nangyari noong nakaraan na magkasama kami ni Erika.

****

 July, 1989...

Ngayon ay nag-aaral na ako sa Kolehiyo mula sa Academic Institute of Capital State. Ako'y nasa unang taon sa kolehiyo bilang Political Science Student. Ako'y nasa kalagitnaan ng klase, nakikinig lang ako sa aking propesor na nagtuturo sa amin.

"Behaviouralism studies how individuals behave in group positions realistically rather than how they should behave." Binasa ng aming propesor ang nasa manila paper na nakapaskil sa white board dahil ito ang kanyang tinuturo sa aming subject. "So, when we say Behaviouralism, it focuses na kung paano 'talaga' sila kumilos sa kani-kanilang posisyon instead na paano 'dapat' sila kumilos." Nakikinig pa rin ako sa aking professor at tumitingin lang ako sa harap habang hawak ko ang ballpen ko sa akin kamay.

Napagtanto kong nakakalimutan ko ang lahat noong panahon na nakaranas ako ng sakit, napaisip na lang ako na mag-aral lang ako ngayon at wala nang iba pang isipin sa utak ko. Kakalimutan ko na lamang 'yon at magpokus na lang sa kung saan ako ngayon.

****

Breaktime, ako'y mapang-isa sa aking table. Kumakain lang mag-isa ng kanin na may ulam na tahimik. Wala na akong dalang mabigat sa aking damdamin, parang nakalimutan ko na ang lahat na sakit noon. Sa madaling salita, ako'y naka-move on na mula sa panahon na naranasan ko noon.

Mamaya-maya ay may isang babaeng dumating sa akin. Medyo maputi, mahabang buhok at bilugin ang kanyang wangis. "Hello!" Pagbati niya sa akin at kumaway ito.

"H-hi, miss..." pagbati ko naman sa kanya habang kumaway ako na may halong kaba, ramdam kong nahihiya ako dahil hindi ko naman siya kilala.

"Anong miss? Magkaklase tayo," giit pa niya, sa mukha niya kasi ay wala akog maalala kung kaklase ko ito o hindi. Hindi naman ako pala-halubilo sa mga kaklase ko ngayon at parang may trust issue ako, lalo na sa babae. "Hindi mo ba ako kilala? Ako si Leanny Quirino, kaklase mo." Pagpapakilala ng babae sa akin habang may bakas na ngiti ito. "Hindi mo ba alam na ka-grupo kita sa activity na gagawin natin sa isang-"

"Sandali lang! Pa-paano kita naging kaklase eh hindi kita nakikita sa room?" tanong ko sa kanya.

"Nasa likod ako," sinagot na lamang ni Leanny ang tanong ko. "Nga pala, ikaw ang inatasan ng ating professor na maging assistant leader sa grupo natin dahil ikaw ang may mataas na marka noong nakaraan quiz."

"Eh kasi..." Nanginginig ang aking mga katawan at bumibilis ang tibok ng puso ko. Halos hindi ko kakayaning kausapin siya dahil sa malalim na dahilan.

"Huwag ka mag-aalala dahil safe akong tao," wika pa ni Leanny.

"Teka lang! Ilan ba tayong members sa grupo natin?" tanong ko pa sa kanya.

Ngunit may isa pang babae na dumating sa amin, nakasuot naman siya ng salamin at medyo kulot ang kanyang mahabang buhok, mas maputi pa kaysa kay Leanny pero maliit lang ang kanyang height. "Ahhh... Leanny?" tinawag niya si Leanny kaya lumingon ako sa babaeng iyon.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя