Kabanata 19 - Pagbago ni Akihiro

15 4 0
                                    

ERIKA ROMULO'S POV

Noong umamin na ako sa kanya bilang si Erika, natahimik si Akihiro at ang mukha niya ay tila'y hindi makapaniwala sa kanyang nakita na ako si Fanatic Girl. Nagmamakaawa na lang ako sa kanyang tanggapin niya ako bilang si Fanatic Girl.

"S-sandali! Pa-paano nangyari na ikaw si Fanatic Girl?" pagtatakang tanong ni Akihiro.

"Akihiro, hayaan mo muna ako magpaliwanag kung bakit ang dating kasintahan mo at ang taong lagi nasa tabi mo bilang si Master Tokwa ay iisa," saad ko sa kanya.

"Erika, a-anong ipapaliwanag mo sa akin? Pa-paano..." Hindi talaga makapaniwala si Akihiro na ako si Fanatic Girl. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang buong istorya ngunit biglang lumabas si Akihiro sa kuwarto.

Sinundan ko si Akihiro at balak ko siyang pigilan sa pamamagitan ng paghawak niya sa kanyang braso. Huminto kaming dalawa nila sa may pintuan. "Akihiro, hayaan mo muna ako magpaliwanag," anyaya ko sa kaya para malaman niya sana ang tunay na dahilan ngunit hindi pa rin ito humaharap sa akin. "Akihiro, makinig ka muna sa sasabihin ko."

"Hindi mo naman ako mahal, tama? Oh sige! Hahayaan na lang kitang maging masaya sa kung ano gusto mo," wika na lang ni Akihir habang humarap siya sa akin.

Dumating naman si Mama sa aming kinaroroonan "Oh! Ano na nangyari rito?" tanong niya. Napansin na lamang ako ni Mama na hindi na ako si Fanatic Girl. "Erika, asaan si Fanatic Girl?"

"Ang anak n'yo po si Fanatic Girl," si Akihiro na mismo sumagot sa tanong ni Mama dahil hindi ako makapagsalita dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Huh? S-sandali! Bakit ka naman umamin sa kanya na ikaw si Fanatic Girl?" ikinagugulat naman ni Mama.

"Mama... H-hindi ko kaya ang nararamdaman ko kay Akihiro dahil mahal ko pa rin siya,"

"Kung kailan mo lang ako minahal noong may kasintahan akong iba." Pagalit na sabi ni Akihiro sa akin at lalong kong napagtanto na tama siya. Humabol lang ako sa kanya kung kailang may iba na siya. Hindi ko alam na lumala lalo ang pakikitungo ko sa kanya.

"P-paano naman si Master Tokwa?" pagtatakang tanong pa ni Mama sa akin.

"Tita, ako po ang taong tinutukoy ninyo," pag-amin ni Akihiro.

"I-ikaw si Master Tokwa?!" Naglakihan ang mga mata ni Mama at tinakpan kaagad niya ang kanyang bibig. Hindi na ito makapagsalita si Mama habang nakatitig siya kay Akihiro.

Tumango na lamang si Akihiro ng tahimik at siya'y lumingon sa akin."Hindi ko akalaing ang babaeng nanakit sa damdamin ko pala ang sinasabihan kong BEBEHLAB. Hindi ko alam kung sinadya pa ng tadhana na pinagtagpo na naman tayong dalawa sa ibang paraan. Hindi ko alam kung ano ang rason at kung ano ang dahilan. Sa ngayon, ayaw ko na makipagtulungan pa kay Fanatic Girl kahit kailan."

Unti-unting umiiyak ako sa kanyang harapan habang naririnig ko ang kanyang mga sinabi. Ngayon, ako naman ang naghahabol sa kanya kahit napakamali. Hindi ko alam kung bakit iisa lang sila Master Tokwa at Fanatic Girl, kung mahal ko si Master Tokwa ay parang nabuhayan ang pagmamahal ko kay Akihiro. Sa madaling sabi, mahal na mahal ko siya.

"Paumanhin na po Tita pero mauna na po ako sa inyo. Ayaw kong magkuwento pa sa magulang ko ano nangyari rito." Tinalikuran ako ni Akihiro at naglakad siya para lumabas ng bahay at umalis.

Napaupo na lang ako sa sahig at umiiyak habang nakayuko ang aking ulo dahil sobrang sakit ng aking natanggap. Ayos lang kung hindi niya ako mahal ngunit hindi niya ako tanggap na ako si Fanatic Girl. Mukhang wala na ang lahat at tanging iyak na lamang ang aking isusukli.

Lumapit naman si Mama sa akin at rito niya akong kinomportahan, tumabi siya sa sakin at niyakap niya. "Erika, tahan na."

Tuloy na lamanng ako sa pag-iyak habang niyakap ko naman si Mama, lungkot at pighati ang aking natanggap noong umamin ako sa kanya. Tinanggap ko siya bilang si Master Tokwa pero hindi niya ako tinanggap bilang si Fanatic Girl. Masakit pero wala na akong magagawa pa.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Where stories live. Discover now