Kabanata 20 - Sakit ni Erika

13 4 0
                                    

ERIKA ROMULO'S POV

Lunchbreak, kumakain sila Amygee, Akane at Simoune sa harapan ko habang ako ay nakayuko ang ulo at may iniisip. Iniisip ko kasi si Akihiro, hindi ko kasi aakalain na siya si Master Tokwa. Hindi ko na talaga mamili pa pero may iba na ang taong hinalakang pipiliin ko kung sino sa kanila na iisa lang rin naman pala. Nabalitaan ko naman na bumisita si Akane kila Akihiro at tanggap ng ina ni Akihiro si Akane, samantala noong kami pa ni Akihiro ay hindi niya ako tanggap.

Kung kami pa rin ni Akihiro at pinaglaban ko iyon, malamang sa hindi ay tanggap ako ng nanay niya.

"Besh, ang sarap ng sisig ngayon," komento ni Amygee sa kanyang pagkain habang kumakain.

"Erika, bakit ayaw mo kumain?" tanong ni Akane sa akin. Hindi ako makapagsalita pa dahil iniisip ko talaga si Akihiro, hindi ko talaga aakalain na siya si Master Tokwa.

"Erika, parang hindi maganda ang araw mo. May problema ba?" pag-aalala pa ni Akane sa akin.

Tumingin na lang ako sa kaniya ng diretso at ako'y nagtanong, "sabi ninyo na ang lalaki ay t*nga kung siya ay mahal niya pero walang pag-asa, paano naman kung si girl ay biglang nagkagusto muli kay boy noong may iba na itong mahal?"

"Erika, bakit mo naman tinanong 'yan?" tanong ni Amygee sa akin.

"Gusto ko lang malaman ang side ninyo tungkol roon."

"Kung si Girl ay nagkagusto kay Boy kung mayroon na pala iba si Boy ay t*nga," sagot naman ni Simoune. "Bakit siya nagkagusto kung kailan lang may iba na siya, ano iyon? gusto ni girl ay single lang si Boy?"

"Oo nga naman, Simoune," sang-ayon si Amygee sa sinabi ni Simoune. "Dapat palang kung mahal mo talaga ni Girl si Boy, edi sana umamin na lang siya sa kanya habang wala pa siyang iba at kung kailan mayroon parin siyang feelings kay Girl."

"Paano naman kung ang p*kp*k, warfreak, at maarte na girl at si boy na may Moral Thinking at Sensitive ay magkasintahan? Tatagal ba ang relasyon nilang dalawa?" tanong ko pa sa kanila.

"Ahhhh sa akin ay kahit sino man yan ay bagay na bagay. Basta tanggap nila ang isa't isa at mayroon silang salita na tinatawag na 'PATIENCE' dahil doon talaga masusukat kung mahal nila ang isa't isa," sagot ni Amygee.

"Ang sa akin naman ay kahit baligtad pa yan basta alam ninyo ang gusto at ayaw ng isa't isa. Pag ayaw niya eh accept na lang, pag gusto niya ay very good," sagot naman ni Simoune.

"Erika, tinanong mo lang ba yan dahil kay Akihiro?" tanong ni Akane sa akin. "Naseselos ka ba dahil ako ang kasintahan niya?" dagdag pa niyang tanong at wala na lamang akong magawa kun'di tumahimik at yumuko ang ulo.

"Boyfriend mo si Akihiro?!" ikigaugulat naman ng dalawa na may mataas na tono at nakabuka ang labi.

"Hindi naman maggaganito si Erika kung kasintahan ko si Akihiro," wika naman ni Akane.

Dahil sa nararamdaman ko, tumayo na lamang ako at kinuha ko ang gamit ko ng walang kahit anong salita at ingay mula sa akin. Hindi ko na talaga kaya lalo na't nasa tabi ko pa si Akane.

"Besh, Saan ka pupunta?" tanong ni Amygee.

"May problema ba, Erika?" tanong naman ni Simoune.

Hindi ko na sinagot ang tanong nila sa akin kaya umalis na lamang ako sa kanila at umuwi na lang sa bahay. Kailangan kong maghanap ng isang bagay na ikakakasaya ko dahil masakit na talaga at ayaw kong labanan.

****

Ilang oras na nakalipas, nasa bahay naman ako ngayon kasama si Mama. Hapunan, kumakain naman si mama habang ako ay hindi at tinitigan ko lang ang sopas na nasa mangkok.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя