Kabanata 23 - Sakit ni Akihiro

11 4 0
                                    

AKIHIRO LANDEZ' POV

Kasama ko ngayon si Euanne dahil nakarating kami ngayon sa Pasay City General Hospital. Dumating kami roon dahil may nabalitaan kami sa telebisyon na nasa hospital si Master Chen.

Kaagad na lumapit kami sa Reception area para magtanong, "Ma'am, saan po naka-confine si Chen Xiaolai?"

"Chen Xiaolai, huh..." Tumingin ang nurse sa isang record book para hanapin kung nasaan iyon. "Miss Vice Chairman eh nasa room three-zero-five po, third floor po."

"Sa-salamat po!" Kaagad tumakbo kaming dalawa ni Euanne sa hagdanan na dala ang aming kapaguran kakatakbo.

"Akihiro, bilisan mo!"

"Ito na! Tumatakbo ako para sundan kita," sabi ko naman habang dala ko ang pakataranta ko.

Nang makarating kami sa third floor, huminto kami at napalingon-lingo ako sa kung saan kung saang silid naka-confine si Master Chen. May babae na dumaan sa amin at kaagad pinagtanungan muna ni Euanne.

"Ah ginang, nasaan ang room three-zero-five?" tanong ni Euanne.

"Kaliwa po sa may dulo," sagot niya sa amin.

"Sa-salamat po." Kaagad namang tumakbo si Euanne para puntahan ang sinasabi ng ale at sumunod naman ako sa kanya. Nang nasa dulo na kami, dito na namin naabutan ang mga pulis na nasa labas ng silid na kung saang nandoon naka-confine si Master Chen.

"A-ano nangyari sa tatay ko?" pag-aalalang tanong ni Euanne sa isang pulis. "Bakit ninyo hinayaang ma-assasinate siya ng kung sinu-sino?"

"Paumanhin po Vice Chairman pero huli na po kaming dumating sa kanila," sagot ng isang pulis. "Dumating po kasi kami na roon pero biglang nabaril siya sa likod."

"Sandali! Nandoon si Fanatic Girl, diba? Nasaan 'yung Fanatic Girl na 'yan para makausap ko?" tanong ko sa kanya.

"Nasa NBI po siya dahil ilalahat niya ang katotohanan tungkol kay Atheist Girl, sir," sagot pa niya sa amin. "May kasama po siyang babae na nangangalang Ayase."

"A-ano?!" pagkagulat ko sa sinabi niya. "Bakit kasama yang bruha na 'yan si Fanatic girl? At bakit-"

"Kasama kasi ni Mr. Chen si Fanatic Girl at Ayase noong dumating kami roon."

Hayop talaga ni Erika, hinayaan lang niya si Master Chen. Hindi talaga siya nahiya pa.

Mamaya ay may isang doctor na lumabas sa silid. "Nandito na po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

"A-ako po ang anak ng pasyente, Doc." Kaagad lumapit si Euanne sa harapan ng Doctor at tanong niyang "Kamusta na po ang kalagayan ng-"

"Pasensya na po dahil butas ang baga ng iyong ama dahil sa balang natamo at hindi na nakaya pa ang puso dahil maging iyon ay nabutas rin," agad sabi na lang ng doktor. "He's pass away at this evening."

"A-ano?!" halos masigaw na ako sa gulat habang tumulo na lamang ang luha ko sa sinabi niya. Hindi na makapagsalita si Euanne sa narinig niya mula sa doktor.

"Maiwan na po kayo." Kaagad lumayo na ang doktor sa amin.

"Sandali, Doc! Paanong ganoon ang nangyari sa Master Chen ko, Doc?" tanong ko pero hindi na lamang ako napansin ng doktor at lumayo siya sa amin talaga na walang emosyon.

Dito na humagolgol si Euanne at bigla niya akong niyakap. "Wa-wala na akong ama..."

"Hindi..." Yumakap na lamang ako sa kanya at umiyak ako na mayroong sakit na dinadala mula sa balita na iyon.

Hindi ko akalaing ganito na lamang ang nangyari kay Master Chen. Wala man siya sabi sa akin tungkol dito. Hindi ko rin alam paano humantong sa ganito. Hindi ko na aakalain na iiwan kami ni Master Chen, mukhang makakasama na sila ni Ate sa langit. Wala na eh, wala na akong magagawa pa.

Reconnect The Bond [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن