Kabanata 14 - Ang mga Landez at mga Chen

14 5 0
                                    

AKIHIRO LANDEZ' POV

"Ilang minuto na lang, Master?" tanong ko sa kanya habang halos dalawang oras na akong nakatimpuho at may bitbit akong isang fifteen pounds na dumbbell plate sa harapan ko. Nanginginig ang aking mga binti at parang matutumba na ako at ramdam ko ang aking pawis na bumabalot sa aking katawan.

"Limang minuto pa ang natitira, Iho," sagot ni Master Chen habang nagbabasa ito ng dyaryo sa isang sulok.

Mamaya-maya ay dumating naman si Euanne at siya'y lumapit kay Master Chen. "Xiawuhao, Die-die!"

"Oh! Nandito ka na pala, Euanne." Huminto sa pagbabasa ng dyaryo si Master Chen at niyakap niya si Euanne.

"Die-die, bakit patuloy mo pa rin ang training ng n*gro na yan?" Lumingon si Euanne sa akin habang bumitaw ang kanyang ama sa pagyakap.

"ANONG N*GRO?!" sumigaw ako sa sobrang inis habang nakatikayad ako sa aking kinaroroonan at pinapanood ko ang mag-ama.

"At bakit? N*gro ka naman?" nang-asar pa si Euanne habang kita ko sa mukha niyang ngumigisi ito. "Basta negro, talo kaagad."

"Gusto niya bumawi sa susunod na taon. Dahil rookie siya, gusto niya daw galingan sa susunod na gaganapin na tournament," ganito na lamang ang naging palusot ni Master Chen sa kanyang anak. "Isa pa, may gaganaping tourmanent sa susunod na taon ngunit invitational lang naman ito."

"Sa madaling salita ay makikipagsuntukan siya sa kung sinu-sino," kaagad sabi ni Euanne habang nakatingin siya sa akin. "N*grong gangster..."

"Vice Chairman na bansot!" rumebat na lamang ako sa kanila ng ganito.

Kaagad na binato ako ni Euanne bansot ng ballpen pero hindi iyon tumama kaya nalihis na lang iyon sa akin.

"Bleeeeh!" Labas dila ako sa harapan niya para asarin siya.

"Tama na 'yan, Euanne." Lumapit si Master Chen sa akin at siya'y tumabi sa akin. "Kayong dalawa, kakain tayo sa laban mamaya-maya. Sabay-sabay tayong kakain sa paborito kong restawran mamaya," Ani Master Chen. "Minsan lang tayo magkakasamang apat."

"Apat?!" pagtataka ko naman dahil sa sinabi niya. "Sino 'yung isa?" tanong ko pa kay Master Chen.

Maya-maya ay dumating na isang babae, siya'y maputi, mukhang bata ang mukha, mahaba ang kanyang buhok, matangkad at mabote ang katawan. "Oh! Akihiro... Xiaolai..."

"Lola, mabuti ay dumating ka po rito," pagbati ni Euanne at nagmano siya sa babaeng ito. Siya lang naman ang aking tiyahin at Lola ni Euanne, si Rolena Landez.

Mamaya-maya ay lumapit siya sa akin at kaagad na siya mag-adjust na nagmano dahil nasa kalagitnaan ako ng Drill. "Hello po, Aunty Rolena," pagbati ko sa kanya na may kasamang ngiti habang nananatiling nakatiyakad sa aking kinatatayuan.

"Oh! Akihiro, matagal ka pa ba d'yan?" tanong ni Aunty sa akin.

"Mader, isang minuto na lang ang natitira ay matatapos na 'yan," sabi na lamang ni Master Chen.

"Ahhh mabuti naman kung ganoon. Matagal pa ba training ninyo? Manonood na lang kami ng apo ko." Pumunta si Aunty Rolena sa isang upuan at siya'y umupo.

Lumingon na lamang ako kay Master Chen at siya'y kumikibit-balikad na lamang habang siya'y lumayo sa akin kaya wala na akong sinabi pa sa kanya at pinagpatuloy na lamang ang training. Nanatiling nakatikayad sa aking kinatatayuan, ngunit hindi pa ito natatapos o huling drill dahil may lima pang drill pang natitira.

****

Ilang oras na nakalipas ay nakarating na kami sa isang chinese restawran sa Lungsod ng Timog Caloocan. Nasa isang table kami magkasama, katabi ko si Aunty Rina habang nasa harapan ko naman ang mag-ama. Habang hinihintay namin ang order namin na Canton Mami, nag-uusap kaming apat tungkol sa akin dahil ang balita daw ay may kasintahan ako.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Where stories live. Discover now