Kabanata 21 - Ang Traydor

12 4 0
                                    

ERIKA ROMULO'S POV

Hindi ko talaga akalaing si Akane pala si Atheist Girl. Paano nangyari ito at bakit ganito siya? May problema ba siya? Hindi na ako makapagsalita pa dahil bestfriend ko bilang si Erika ay siya pala ang kaaway ko bilang si Fanatic Girl.

"Bakit Erika, nagulat ka ba marahil ako ay iyong kaaway?" ngising wika ni Akane. "Erika, handa na akong kalabanin kita ngayon. Mas mabuting mawala ka sa mundo para hindi mo na makita muli ang taong mahal na iyong hinahanap. Hindi naman talaga kitang BESTFRIEND noong nalaman kong ikaw pala si Fanatic Girl at nadali ka sa matatamis kong salita at naniwala ka naman sa mga sinasabi ko sa iyo."

"Akane... A-anong ginawa ko sa'yo?" Naghahabol na ako ng aking hininga sa pagsasalita. "A-ano bang atraso ko sa'yo?"

"Alam mo, masaya akong ikaw si Fanatic Girl kaya ibigay mo na lamang sa akin ang kuwintas na Ofost dahil iyan ay aking pagmamay-ari." dagdag pa niya habang hindi ako makapagsalita at tintitigan ko na lamang siya. Napapansin kong bumbuo ng bolang apoy si Akane habang siya'y nakatingin sa akin. "Huwag kang mag-alala pa dahil sa akin na si Akihiro, ngunit mamatay ka muna." Kaagad akong binato ng hawak niyang bolang apoy sa akin at halos ang bilis ng paggalaw ng bolang binato niya.

Kaagad akong yumuko, tumungkayad at daling gumulong papunta sa kanan. Pagkatapos ay daling tumayo at pinindot ang pindutan na nasa Pendant ng kuwintas na aking sinuot kaya biglang nag-iba ang aking suot, kulay ng buhok at maging ang aking katauhan sa harap ni Akane. Huminga ako ng malalim habang lumapit ako sa kanya ilang talampakan ang layo sa pagitan naming dalawa. "Hindi ko ibibigay sa kahit kanino ang kuwintas ko."

"At talagang sayo ang kuwintas na 'yan? Sino nagsabing iyo ang kuwintas?" ngising tanong ni Akane habang umabante ito ng tatlong hakbang para lumapit siya sa akin.

"May isang matandang babae ang nagbigay sa'kin mula sa isang portal na kapag pumasok ka sa portal na 'yon ay mararating ka sa ibang mundo," sagot ko naman abang ako'y umatras naman ng dalawang hakbang.

"Creper Thorp ang tinutukoy mo, Erika." Doon ako pinanganak, lumaki at naging prinsesa ng kaharian na iyon." Bumuo muli ng bolang gawa sa apoy mula sa kanyang kamay at siya'y lumingon sa akin. "Kapag binigay mo sa akin ang kuwintas mo ay maiiligtas ko ang bayan ko sa kapahamakan."

"Sasakupin mo lang ang Abmek at iba pang lugar roon, Akane," agad kong wika ko habang bumuo ako ng bolang gawa sa tubig at nanatiling nakatingin ako sa kanya.

Ngunit biglang binato na naman ni Akane ang bolang kanyang dala sa akin. Kaagad ko ito binato gamit ang bolang aking dala na gawa sa tubig at biglang naglaho ito noong ito'y nagkatamaan. Pumikit na lamang si Akane habang siya'y ngumisi at nakayuko ang kanyang ulo.

"Intindihin mo muna ang sasabihin ko dahil pagkatao ang sisira sa iyo," paki-usap ko kay Akane habang lumapit ako sa kanya ng tatlong hakbang at hawak ko ang aking kaliwang braso.

Hindi ko hinangad ang maging isang tao na kagaya mo, Erika," Nang siya'y dumilat at nakatitig sa akin, naging pula ang kanyang balintataw sa kanyang mga mata at kita kong nagsisilabas ang mga ugat sa kanyang leeg. "Ako'y isa sa pinakamalakas na salamankero sa mundong aking kinabibilangan," hagigik niya.

Naglakihan ang aking mga mata at bumuka ang aking bibig sa aking nasilayan. Ibang Akane Mendoza ang aking nasilayan dahil nilabas niya ang sinasabi nilang si Atheist Girl. Hindi ko alam kung kakalabanin ko siya dahil siya si Atheis Girl o hindi dahil kaibigan ko siya.

"Kung ayaw mo ibigay, pap*tayin na lang kita." Biglang lumutang si Akane at umakyat ito hanggang sa malagpasan niya ang rooftop ng mga gusaling nakapaligid sa kantong kinarooonan namin.

Kaagad lumutang ako para sundan si Akane habang nasilayan kong unti-unting nag-iiba ang kanyang anyo at naging itim ang kanyang suot niya na naging bestida, naging pula ang kulay ng buhok at napansin kong itinapon niya ang suot niyang salamin. Nang nasa harapan ko si Akane, kaagad nagbato ng bolang gawa sa apoy. Kahit mabils ang pangyayari ay kinopya ko ang galaw niya ngunit iba ang aking binato, kaagad nagbato rin ako ng bolang gawa sa tubig, nagkasalubong ang mga bolang tubig namin at naglaho noon nagkatamaan ito sa isa't isa. Biglang tinulak naman ni Akane ang kanyang harapan at malakas na hangin ang kanyang pinakawalan. Napa-tambling na lang ako sa ere dahil nadala ako sa hangin na pinakawalan ni Akane sa akin ngunit nanatiling nakalutang ako sa ere at nasa harapan ko pa rin si Akane.

Reconnect The Bond [COMPLETED]Where stories live. Discover now