Chapter 29: Acceptance

592 18 25
                                    

Julianne

"M-Mr. President..."- hindi ko magawang tignan siya.

Nakakabigla ang biglang pagsulpot niya rito at hindi ko inasahan na magkikita kaming muli.

Natetense ako at parang gusto kong tumakbo at magtago mula sa kanya...

"Dito ka pala namamalagi ngayon... Nabanggit sa akin ni Ken nang puntahan niya ako sa opisina ko"- dinig kong sabi niya pero nakayuko pa rin ako.

Sa pakikiramdam ko, umalis siya sa harapan ko at naglakad siya pabalik sa terrace. At ako ay nanatiling nakatayo sa kinalalagyan ko.

Ang bigat ng nararamdaman ko sa mga oras na iyon habang kaharap siya.

"Lumapit ka rito..."- ang maawtoridad niyang tugon kaya marahan akong lumapit sa gawi niya sa terrace nang nakayuko.

Gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Idagdag pa yung ginawa niyng pag-iwas sa kamay ko noon para hawakan siya.

Alam kong galit siya...

Akala ko hindi na kami magkikita.

Akala ko mananatili na lang ako sa kinalalagyan ko nang hindi siya nasisilayan.

Ang taong tumayo bilang tatay ko...

"Hindi ba nangangawit 'yang leeg mo? Kanina ka pa nakayuko diyan..."- pero hindi pa rin ako nag-aangat ng ulo.

"A-Ayos lang po ako... Mr. President..."- mahinang tugon ko.

Narinig ko ang biglang pagbuntong hininga niya.

Sa mga oras na ito ay nakaramdam ako bigla ng panginginig ng mga kamay kaya napahawak ako sa laylayan ng t-shirt ko.

"Ang lakas ng loob mong magpakita sa mga tao at magsalita tungkol sa mga makakaliwang grupo... tapos ngayon hindi ka makatingin sa akin?"- at lalo pang bumigat ang dinadala ng dibdib ko matapos niyang sabihin yun.

Hindi man matigas ang pagkakasabi niya, pero sapat na iyon para malaman kong galit talaga siya sa akin.

"S-Sorry po..."- at pagkaraa'y napahikbi ako.

Ang totoo, kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko wag maging emosyonal pero, nangyayari pa ring iiyak ako anumang sandali.

"I-angat mo ang ulo mo at tumingin ka sa akin..."- sinunod ko na lang siya.

Marahan kong inangat ang ulo ko at tinignan siya. Pero nilihis ko ang mga mata ko sa gilid niya dahil hindi ko siyang tignan sa mga mata niya.

"Julianne... Nasaan na ang confidence mo? Ang sabi ko ay tignan mo ako..."- at dahil sa sinabi niya ay lalo nang tumulo ang luha ko.

Olbigado akong punasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko gamit ang mga nanginginig kong mga kamay.

At pagkatapos kong punasan ang mga luha ko ay tinignan ko siya. Bakas sa mukha ang seryosong reaksyon.

Humugot ako ng lakas ng loob para magsalita.

"Bakit po kayo nagpunta pa rito? Huhulihin niyo po ba ako?..."- bahagyang kumunot ng noo niya.

"Iimbestigahan niyo po ba ako? Ipapakulong niyo po ba ako?"- at mahina akong napahikbi.

"H-Hindi niyo naman po totong anak... Hindi po ako si Sabrina... Kaya ano pong dahilan bakit kayo nandito?"- at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko.

Nakita kong napalunok siya at marahan na lumapit sa akin.

At hinawakan niya ang kanang balikat ko.

"Kumusta ka na? Ha?"- at bahagya siyang napahikbi na parang pinipigilan na maiyak.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Where stories live. Discover now