Chapter 1: Reunion

618 15 4
                                    

Third Person

"Usap-usapan ngayon sa social media ang isang dalaga na miyembro daw ng mga Marcos na kasama nilamg umakyat sa stage para sa photo opp sa ginanap na inauguration ni Vice President Sara Duterte..."

"Marami ang nagtatanong kung sino ang babaeng kasama ng mga anak ni President Elect Bongbong Marcos na sinasabing miyembro ng kanilang angkan..."

"Isa kaya sa mga anak ni President Elect Bongbong Marcos ay kanyang karelasyon?"

Ilan lamang ito sa mga tanong na media patungkol kay Julianne.

Mula nang sumama siya para saksihan ang inauguration ni Vice President Sara Duterte ay na-intriga ang ilan sa kanya dahil ngayon lamang siya nakita ng madla.

Marami ang nagco-conclude na maaaring girlfriend ng isa sa mga Marcos boys.

Ngunit ang ilan ay iniisip na baka siya ang nawawalang anak ni Bongbong.

"Yan yung sumayaw sa Miting de Avance ng Uniteam"

"Kasa-kasama ni Sandro yan diba?"

"Baka girlfriend ni Sandro"

"Baka malayong pinsan"

"Baka yan yung anak ni BBM"

Wala pa ring nakakaalam sa pagkatao ni Julianne dahil nasa plano ng kanyang ama na ihayag siya sa mismong araw ng inauguration nito as President.

Tahimik si Julianne at patuloy na inoobserbahan ang bawat senaryo na nagaganap sa bahay nila at sa paligid niya lalo na at isinasama siya ng ama sa mga lakad nito.

Nagkalat na rin sa ilang social media accounts katulad ng Facebook at Tiktok ang mga larawan na kasama siya ng mga Marcos at patuloy na nag-iisip kung talaga bang siya ay miyembro ng Marcos Family...

Unti-unti ay nakakapag-adjust na si Julianne at dahil nature sa kanya ang marunong makisama sa ibang tao, hindi siya gaanong nahirapan na makihalubilo sa mga ito.

She's always doing a good impression lalo na kung haharap sila sa mga matataas na opisyal kasama ang amang si Bongbong at kapatid na si Sandro kapag nagpupunta sila sa headquarters sa Mandaluyong para mga meetings.

Hanggang sa masanay na niya iyon at tila sisiw na lang sa kanya, maliban sa mga media na hindi pa niya nakakaharap at hindi pa siya nilalapitan para interviewhin.

And bago dumating ang araw ng inauguration, nagplano ang Marcos clan na magkaroon ng simpleng reunion sa bahay ni Madam Imelda Marcos upang ipakilala ang anak na babae ni Bongbong.

----------

Alas-tres ng hapon, naunang dumating si Imee kasama ang tatlong anak na sina Borgy at Michael. Hindi nakasama si Matthew dahil may inaasikaso ito.

Sinundan ni Irene kasama ang asawang si Greggy Araneta ngunit hindi kasama ng mga anak ngunit susubukan na mag-attend.

Nais na makilala ni Madam Imelda ang apo kaya naman sumunod si Bongbong sa kanyang ina na isama ito sa bahay niya.

Abala ang mga kasama nila sa bahay sa pagluluto at pagsasaayos ng dining room kung saan magsasalu-salo ang pamilya.

Samantala, kasalukuyang nasa biyahe na ang mag-anak ni Bongbong para pumunta sa bahay ng kanyang ina. Magkakatabi sila ni Liza at Julianne sa bandang likod ng sasakyan at ang mga anak na lalaki ay nasa kabilang sasakyan na nakasunod sa kanila.

Nasa gitna ng mag-asawa si Julianne at kanina pa tahimik buhat nang sumakay sila sa sasakyan at napansin ito ng dalawa.

"Sabrina... Are you okay?"- napalingon siya sa kanyang ina.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Where stories live. Discover now