Chapter 15: Bad News

235 13 4
                                    

Julianne

Halu-halong reaksyon ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon habang kaharap ko siya.

Hindi ko inaasahan na may ahas dito sa loob ng bahay namin at kasama pa namin sa araw-araw.

Actually kasama ko sa araw-araw...

Hindi pa rin siya nagsasalita.

"Sino ang nagpadala sa'yo rito?"- matigas na boses kong tanong sa kanya

Hindi niya pa rin ako sinasagot at nakatitig lang siya sa akin.

"Sagutin mo ang tanong ko!"- sinunggaban ko ang kwelyo ng polo niya.

Nakita kong napalunok siya.

"Hindi mo na kailangang malaman kung ayaw mong mapahamak..."- akmang tatalikod siya pero agad kong hinawakan ang braso niya kaya napaharap siya sa akin.

"Gago ka ba?! Espiya ka diba?! Anong plano niyo sa presidente ha?! Sinong nag-utos sa'yo para pasukin kami rito at manmanan mo?! Taga-Liberal Party ba ha?!"- kinuwelyuhan ko siya at nakatitig lang siya sa akin.

Hinawakan niya ang mga kamay kong nakakapit sa kwelyo niya at marahan niyang binaba.

"Ms. Julianne, matulog ka na at maaga ka pa bukas sa trabaho..."- nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Aba gago talaga!

"Ken!"

Matapoa niyang ibaba ang mga kamay ko ay tumalikod siya at akmamg aalis pero muli ko siyang hinawakan sa braso para iharap sa akin.

"Kinakausap pa kit--"- hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang mabilis siyang humarap sa akin.

At ang sumunod na nangyari ay hinapit niya ang baywang ko papunta sa kanya at naramdaman kong dumikit ang katawan ko sa kanya. Napakapit ako sa dibdib niya.

Nagtama ang mga mata namin.

"Nakikiusap ako sa'yo... Matulog ka na... Tsaka ko na sasabihin sa'yo ang tungkol sa mga narinig mo"- he said in a deep tone.

At marahan niya akong binitawan at tumalikod tsaka naglakad paalis sa kinaroroonan ko.

Naiwan ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat na nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na akala mo tumakbo ako sa marathon.

Pero isa lang ang pumasok sa isip ko sa mga oras na iyon.

Si Ken, ay isang traydor...

----------

Kinaumagahan.

Pagkatapos ng mga narinig ko kay Ken ay hindi ako nakatulog ng maayos.

Gustong-gusto kong komprontahin si Ken, pero ayokong makita iyon ng pamilya ko lalo na si Daddy.

Hindi akalain na may gagong nakapasok sa bahay namin at naglilingkod pa sa akin bilang bantay ko.

Shuta!

Nasa harapan kami ng hapag kainan at nag-aalmusal. Tahimik lang akong kumakain habang ang mga kasama ko sa mesa ay hindi lang abala sa pagkain, abala din sa mga pinag-uusapan nila ay hindi ako medyo relate sa kanila dahil sa ibang bagay nakatuon ang isip ko.

"It's Sunday today, what do you want to do today?"- napatingin ako kay Daddy.

"Let's go to Ilocos Dad! It's been a while since we went there!"- Vincent said.

"And let's eat again in Dawang's Eatery. Their foods were so delicious and I miss that!"- Kuya Sandro said.

"Me too"- Kuya Simon said.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن