Chapter 7: Goodnight

347 13 3
                                    

Third Person

Isang magandang umaga ang sumilay sa palasyo ng Malacañang. Ang mga cabinet members ay isa-isa nang nagsidatingan sa Malacañang for the first cabinet meeting.

Alas-otso ang call time para sa lahat ng mga cabinet members but the president went to palace early in the morning at kasama si Julianne na sumabay sa kanyang ama pagpasok sa palasyo.

Nasa lobby si Julianne at nagkasalubong sila ng bestfriend niyang si Jelay na nanggaling sa ibang direksyon.

"Ang aga mo yata Beshy?"- tanong ni Julianne sa kanyang kaibigan.

"Inagahan ko talaga Beshy, alam mo naman napakasipag ng tatay mo... I mean ni Mr. President so dapat maaga tayo pumasok. Tsaka ngayon ang first cabinet meeting diba?"- and Julianne nodded.

"Balak ko sana pumunta doon sa conference roon para manood ng meeting kaso baka hindi puwede kaya sa internet na lang ako manood"- tugon nito kay Jelay.

"Anak ka naman ng presidente so papayagan ka naman pumunta sa conference room para manood ng live. Sabihin mo sa head natin"- bahagyang napabuntong hininga si Julianne sa sinabi sa kanya ni Jelay.

"Luh di ko gagawin yun no. Ayokong magpa-VIP tsaka may trabaho ako"- tugon naman ni Julianne.

"Sabagay baka magawan ka pa ng issue, alam mo naman, may mga ahas din dito sa loob ng palasyo"- at bahagyang natawa si Julianne sa sinabi ni Jelay.

"Ahas talaga Besh? Hahaha grabe ka!"- and Jelay laughed a bit.

Jelay turned her head sa may entrance ng lobby and she saw their old high school classmate. She didn't hesitate to call him.

"Ace!"- and the guy looked at them.

Nabigla naman si Julianne nang tawagin ng kaibigan niya ang lalaking iyon.

The guy walked through to them ans gave them a smile.

"Hi Angelica! Kumusta ka?"- and Ace turned his head to Julianne.

"Hello Ms. Julianne"- and she give him a little bit of smile.

Julianne still felt awkwardness towards Ace.

At alam naman iyon ng binata dahil pinagmamasdan niya ang reaksyon ni Julianne sa tuwing lalapitan at kakausapin niya ito.

"Tagal din nating hindi nagkita no? Almost ten years na rin!"- masayamg sabi ni Jelay kay Ace.

Tahimik lang nagmamasid si Julianne sa mga taong naglalakad sa loob.

"Oo nga, di ko akalain na makikita kita rito at magtatrabaho"- tugon naman ni Ace.

"Hindi ko rin akalain yun at at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na itong kaibigan ko ay anak pala ng ating president!"- at bahagyang hinila ni Jelay si Julianne.

Napatingin si Julianne sa bff niya. Alam ni Julianne na pinagtitripan siya nito kaya bahagya niyang sinamaan ito ng tingin.

"Ahh... May request sana ako... Kung okay lang sa inyong dalawa..."- marahang napatingin si Julianne kay Ace.

"Ano yun?"- sabay ngiti ni Jelay nang itanong iyon kay Ace.

Ramdam ni Ace ang hiya niya. Lalo na at kaharap niya si Julianne.

"Ahh... Okay lang ba na ilibre ko kayo mamaya ng lunch?"- at bahagyang ngumiti si Jelay nang marinig iyon.

Tahimik na nakatitig si Julianne kay Ace.

"Sa akin okay lang... Ewan ko lang dito sa kasama ko"- at nagkatinginan ang dalawang babae.

Hindi agad na nagsalita si Julianne sa panghihikayat ni Ace.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Where stories live. Discover now