Chapter 18: Mother?

205 13 7
                                    

Julianne

"Glenda"

Napakunot noo ko sa narinig ko sa kabilang linya.

Glenda?

Mali sana ang hinala ko...

"Ms. Julianne nakahanda na yung sasakyan"- napatingin ako sa gawi ni Ms. Diana.

At binaba ko ang cellphone ko tsaka pinatay.

"Tara na bago pa umulan"- tugon ko at naglakad na ako patungo sa sasakyan namin.

Nang makapasok ako sa loob ay sinara ni Ms. Diana ang pintuan mg sasakyan at sumakay sa unahan.

Nakaupo kaming tatlo nina Ace at Jelay. Nakagitna sa amin si Ace.

At umandar na ang makina ng sasakyan tsaka na umalis sa park.

Nagre-rewind sa isip ang sinabi ng babae kanina na tumawag sa akin.

Hindi ako si Sabrina?

Hindi ako anak ng presidente at ng first lady?

Baka nantitrip lang siya...

"Okay ka lang ba Julianne?"- napalingon ako kay Ace.

"Ah oo. Okay lang ako"- tugon ko at tumango siya.

Binalik ko ang atensyon ko sa labas ng bintana ng sasakyan.

Pagkaraan ay bumuhos na ang ulan.

Iba na talaga ang panahon ngayon.

Pati pamilya handang sirain para sa sariling interes.

Kung sino man ang babaeng yun, pagdadasal ko na lang siya.

----------

Makalipas ang ilang minuto na biyahe ay nakarating na kami sa Bahay Pangarap.

Pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay ay isa-isa kaming bumaba mula sa sasakyan at pumasok sa entrance ng bahay.

Saktong bumababa ako nang makita kong lumabas si Manang Helen galing sa loob ng bahay.

Naglakad ako papunta sa gawi niya.

"Manang..."- kinuha ko ang kamay niya ang nag-mano ako at tumingn ako sa kanya.

"Kaawaan ka ng Diyos... Halikayo, may pagkain sa loob, nagluto ako... Wala ang Mommy mo dito. May event na pupuntahan at sinamahan siya ng kapatid mong si Vincent"- at tumango ako sa sinabi niya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Kumain na po kami Manang, pero sige kung magutom kami ulit mamaya ay kakain po kami"- at ngumiti siya.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko sina Jelay at Ace na nakatayo.

"Tara sa loob"- pag-aya ko at tumalikod na ako para pumasok sa loob.

Hahayaan ko munang magpahinga ang dalawa dito sa bahay bago sila umuwi.

Pinaupo ko sila sa sofa sa sala at dumeretso ako sa kusina para kuhanan sila ng tubig na maiinom.

After that ay sinamahan ko sila sa sala at doon ako nagpahinga.

Pagkatapos ng pananatili namin sa park, ay kahit papaano, nabawasan ang dinaramdam ko. Kahit sinong tao na kapag nawalan sila ng mahal sa buhay ay hindi naman agad matatanggap ang nangyari.

Kahit gaano ka katapang kung buhay ng mahal mo ang pinag-uusapan at nalagay sa alanganin, hindi ka ba manghihina at masasaktan?

Napansandal ako sa kinauupuan ko at mariing napapikit, ang tanong ko ngayon sa sarili ko.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Where stories live. Discover now