Chapter 10: Goal

297 15 10
                                    

Julianne

Nasa kama ako at tamang scroll lang sa soc med accounts ko. Nakasandal ako sa headboard ng kama ko habang nanonood ng mga videos at nagbabsa ng mga comments.

Natatawa na lang ako sa mga bad comments ng mga bashers dahil sa pagpopost ko ng mga dance videos ko sa Tiktok.

"Dancerist ang anak ng magnanakaw hahaha!"

"Di niya bagay"

"Feeling magaling sumayaw eh di naman"

"Feeling talented ang amp!"

"Papansin"

"Anak ng presidente pasayaw-sayaw na lang"

Shutangina lang nila...

Sabagay di pa naman talaga nila ako kilala ng lubusan maliban lang sa ako ang nawalang anak ng ngayo'y presidente ng Pilipinas.

Ayoko naman na magyabang sa mga ganitong commentators at baka di na maging exciting ang buhay ko...

Gusto ko silang asarin hehe.

Sisimulan kong maging exciting ang buhay ko kapag nakapasa ako sa CPA Licensure exam.

May goal kasi ako kapag napasa ko ang exam at sure akong manggagalaiti ang mga pinkies sa inis hahaha!

"Iyak na lang kayo sa sulok sige hahaha!"- sabi ko sa sarili ko habang binabasa ang ilan pang mga comments ng mga nagkalat kong dance videos sa Facebook.

At habang abala ako sa pags-scroll, narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Binaba ko ang cellphone ko sa kama at tumayo tsaka naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan ng pinto ang taong iyon.

Pagkabukas ko ay si Daddy yun.

"Dad?"- sambit ko.

Tumikhim siya ng bahagya.

"Tulog ka na ba?"- he asked.

"Hindi pa naman po Dad"- tugon ko.

Ang seryoso ng mukha niyang nakatingin sa akin.

Anong meron?

"Sundan mo ako sa study room. Mag-usap tayo"- hala?!

Pagkasabi nun ay tumalikod siya at naglakad paalis sa tapat ng pintuan ko.

Nagtataka akong lumabas ng kwarto at sinundan siya.

At habang naglalakad ako ay iniisip ko kung anong nangyari at bakit ganun na lang siya kaseryoso para kausapin ako.

"Ay shuta!"- napapalo ako sa noo ko nang maalala ko yung bigay sa akin ni Ace.

Kinuha nga raw pala ni Daddy kay Ms. Diana yun.

Hindi kaya yun ang dahilan kaya kakausapin ako ng tatay ko?

Nang buksan niya ang pinto ng study room, pumasok siya doon at sumunod ako sa kanya.

Parang opisina yung study room na yun.

Pumunta siya sa table tapos umupo sa upuan.

Ako naman ay umupo sa upuan sa harap ng mesa.

Kinakabahan ako...

Pagkaupo naming dalawa ay yumuko siya tapos narinig kong nagbukas ng drawer sa ilalim.

Pagka-angat niya ay may pinatong siyang paper bag sa ibabaw ng mesa sa bandang gilid at nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan yun.

Tama, yun nga yung inabot ni Ace sa akin.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Where stories live. Discover now