Chapter 2: Bonding

436 15 1
                                    

Julianne

Dalawang araw bago ang inauguration ni Daddy, nakarating na sa akin ang damit na isusuot ko sa araw na iyon.

Nakatayo ako sa harap ng mannequin kung saan nakasuot ang filipiana na pinasadya at pinadala sa amin dito sa bahay.

Katulad ko, nareceive na rin ng mga magulang at mga kapatid ko ang mga isusuot nila at kitang kita ko sa mga mukha ang excitement at galak nila sa darating na araw ng inauguration.

Pero ako... Although natutuwa din naman ako sa mga mangyayari.

Hindi ko lang maiwasan ang hindi kabahan, kasi pagkatapos ng inauguration ay magbabago na ang lahat...

Sa akin...

Ako na malayang nagagawa ang mga bagay na gusto ko panigurado malilimitahan dahil may mga PSG na magbabantay sa akin.

Iniisip ko pa kung makakagala pa ba ako kasama si Jelay...

Hay... Namimiss ko na ang babaeng yun...

Mula nang tumira na ako sa tunay kong pamilya, madalang ko na lang siya maka-chat. Busy dahil naghahanap ng trabaho...

Balak kong isama siya sa Malacañang kapag nagtrabaho ako doon para may kadaldalan ako at alam kong gusto niya ring makapasok doon.

Tamang pinagmamasdan ko ang damit na isusuot ko, kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

Pagkatapos nito... Bukod sa pagpasok ko sa Malacañang, ano pang mga gagawin ko?

Paano ko kaya matutulungan ang tatay ko sa pagpapa-unlad sa bansa?

Anong maiaambag ko sa bansang ito?

Hindi naman ako matalino at magaling kagaya nila...

Kung tutuusin wala ako sa kalingkingan ng mga kapatid ko...

I am nothing but an average and ordinary girl...

Sa puntong iyon, biglang sumagi sa isip ko ang huling sinabi sa akin ni Lola Imelda bago kami umuwi galing bahay niya...

"Follow your heart Apo... Kung ano ang alam tama yun ang gawin mo... Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo... Wag kang makikinig sa mga paninira and stand on your own..."

Napabuntong hininga na lang ako habang nag-aalala sa susunod na mga mangyayari.

Napalihis ang atensyon ko sa wall clock at alas-nuwebe na pala ng gabi. Naglakad ako patungo sa pintuan para lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay sinara ko ang pinto at naglakad, tinungo ko ang kwarto nina Mommy at Daddy.

Kumatok ako ng tatlong beses marahan kong binuksan ang pinto at nakita ko na nakahiga na si Mommy at mukhang mahimbing na ang tulog.

Wala naman ang tatay ko sa kwarto nila so baka nasa baba at gising pa. Sinara ko ang pinto ng kwarto nina Mommy at dahan-dahang naglakad pababa ng hagdan.

At dahil pansin kong walang tao sa sala, nagpasya akong tumungo sa kusina. Kaso wala ring tao doon.

Lastly, tinungo ko na ang labas at nandoon nga si Daddy kasama ang mga kapatid ko.

Nakita kong may kung anong mga inumin sa ibabaw ng center table sa tapat nila.

May wine, may San Mig, may soft drinks tapos may chips...

Nag-iinuman sila...

Nagpasya akong lapitan sila.

At saktong lalabas na ako, napansin ako ni Vincent na may hawak na gitara.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Where stories live. Discover now