Chapter 11: Exam

248 12 4
                                    

Third Person

Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang First Lady Liza Marcos at siya ay sinurpresa ng kanyang pamilya. Nakisaya sa pagdiriwang kanilang mga malalapit na kaibigan sa pulitika, pamilya at showbiz.

Naghandog ng isang kanta ang pangulo sa kanyang first lady at maging si Julianne ay kinantahan ang kanyang ina na siyang ikinamangha ng mga bisita dahil parang mala-anghel ang kanyang boses.

Naging masaya at nakakatuwa ang naging pagdiriwang ng kaarawan ng First Lady lalo na at kasama niya ang kanyang pamilya.

Makalipas ang ilang linggo...

Naging kabilaan naman ang state visit sa iba't ibang bansa sa Asya at sa Amerika ng Pangulong Bongbong Marcos kasama ang kanyang mga kasamahan sa gabinete at ang kanyang pamilya.

Mainit silang tinanggap ng Filipino community na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa pamilya Marcos.

Ito paglabas nila ng bansa ay first time ni Julianne kung kaya't bawat oras ay kanyang sinusulit kahit ilang aras lamang silang magtatagal doon.

Nakipagpulong sa mga lider ang pangulo ng Pilipinas para pag-usapan ang tungkol sa pagpapalagp ng ekonomiya, pagpapakita ng kultura at pamumuhunan sa bansa.

Sa kabila nito ay maingay na naman ang mga keyboard at keypad warriors sa social media platforms at walang sawang bumabatikos sa paglabas ng bansa ng pangulo at ng kanyang grupo.

Tila kasi pera ng taumbayan ang ginamit para sa mga state visits ng pangulo at ng kanyang gabinete pati na rin ng kanyang pamilya na isinama niya roon.

Kibit balikat lang ang First Family sa mga pangbabash ng mga kritiko na tila walang naiintindihan sa proseso sa loob ng gobyerno.

Patuloy sa pagsisilbi ang pangulo ng Pilipinas kasama ang kanyang mga gabinete para maisakatuparan nito ang kanilang mga plano para sa bansa.

----------

Julianne

Gabi.

Nasa harap ako ng laptop at abala rin sa pagsusulat ng mga reviewer ko para sa board exam. Pag-uwi ko ng bahay kaninang alas-singko ay agad akong tumuloy sa pag-rereview.

Tumigil lang ako kaninang 7:00 pm dahil kakain ng hapunan at pagkatapos ay bumalik na ako sa pag-rereview ko dito sa kwarto sa study table ko.

May mga nagtatanong nga sa akin sa office bakit pa raw ako mag-eexam para makakuha ng lisensya eh hindi naman daw ako mahihirapan sa paghahanap ko sakali ng trabaho dahil Marcos ako at halos nasa pulitika ang mga kamag-anak namin.

Sus hindi rin... Mas gusto ko nang mag-take ng exam lalo na at plano ko yun noon pa. Minsan ayaw ko na lang silang sagutin. Kaya lang ayoko namang bastusin ko sila.

Napa-uyab ako habang nagbabasa ng accounting terms sa libro kaya napasandal ako at nag-stretch muna ako ng dalawa kong braso.

"Inaantok na ako..."- pasado alas-nuwebe na kasi tapos may pasok pa bukas.

Pagkatapos kong umuyab at mag-stretch ay napabagsak sa ibabaw ng mga libro ang dalawang kamay ko tsaka ako napaisip.

"Mag-resign na lang kaya ako para makapag-focus ako sa pag-aaral... Ay hindi... Sayang ang sinasahod ko doon"- kahit pa presidente ang tatay ko eh hindi naman puwede sa akin yung aasa na lang ako sa perang ibibigay sa akin.

Maganda pa rin na may sarili akong pera na pinaghirapan kong pagtrabauhin tsaka sanay na ako sa ganitong sistema sa buhay.

Dinampot ko ang tumbler sa bandang likuran ng laptop tsaka binuksan.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Where stories live. Discover now