Chapter 30

1.6K 17 0
                                    

A/N: Don't fall in love too hard. Wag mong ibigay lahat ng pagmamahal mo lalo na if you still don't know his feelings if he likes you or not.


Chapter 30


PAG KAPASOK ni Yuna ng silid.  Agad kong tinawagan ni Gavin. I want to know everything that happened to Eli in those Five years, even if I don't want to.   


Palabas na ng tinawag ako ni Yohan.


"Daddy, Where are you going?"


"May kailangan lang ayusin si Daddy... Be a good boy kay Mommy, okay?"


"As always po." 


Nakaalis na ako ng condo pumunta sa club na pag mamay-ari ng Gray. 


"Magandang Gabi, Sir." Bati ng isang guard sa akin. Tumango lang ako at agad nag tungo sa private room kung saan kami mag kikita ni Gavin. Hindi na ako nag abalang kumatok at agad na pumasok. Hindi na ako nagulat ng hindi lang si Gavin ang nasa loob.


"Nakuha ko ang buong information na meron si Eli. 5 years before na sumama siya kay Kaiden 2 months pa lang ay nag kalabuan na sila at hindi na nag kita.... at sa loob ng limang taon may nakausap siyang tao. Hindi klaro ang nakuha kong picture pero sa boses nito ay makikilala mo." Sabay pinalakas ang  volume. Nakatayo lang ako habang pinapakinggan ang boses. 



"Walang kang kwenta! Sinabi kong akitin mo si Santiago hindi ang Marsel na yun."  Boses ni Gostavo. 


"Daddy, ilang taon mo pa ba ako gagamitin? Hindi mo nga ako mapakilalang anak mo sa buong mundo. Tapos ito na naman!" Malakas na sigaw ni Eli. Tanging voice record lang ito pero randam ko ang tension sa dalawa. 


"Pasalamat ka at hindi kita pinakilala.... Kung hindi sakin hindi mo makikilala ang Putang inang Santiago na yun! Pero anong ginawa mo. Sinira mo ang plano ko! Wala kang kwentang Anak." 


"Mahal ko si Joaquin!" Sabay tapos na record.


"Anak ni Gostavo si Eli! Siya ang nag iisang anak ni Gostavo Magenda... Inosente si Yunika." Seryosong sabi ni Juhari


"Yeah. Sa tagal na paghahanap sa background information lang pala ng Eli na yun makikita ang sagot." 


"Pero nagkamali ka nung una. Hindi si Yunika Celestena ang nag iisang anak ni Gostavo" It's Juhari. 


"Tumahimik kana nga." Tumawa lang si Juhari.


Galit at saya ang bumabalot sa buong katawan ko. 


"Paano natin mahuhuli si Gostavo?" 


"Mahuhuli mo lang si Gostavo pag nagbalikan kayo ni Eli. Kahit masamang damo si Gostavo mahal na mahal ni ang anak niya. Kaya tanging si Eli lang ang pag asa natin para mahuli si Gostavo." Seryosong sabi ni Juhari.

Dark of Erotica: The Forbidden Sin [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon