Chapter 2

8.5K 52 3
                                    

Chapter 2


NASA kwarto ako nag lilinis ng biglang nag vibrate ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng glass table lamp, kinuha ko agad at tinignan.


Liam:

"Late ako uuwi. Mag sabi kana lang kay Manang Fe na siya na mag luto ng dinner niyo."


"Keep safe." I reply.


Tinapos ko na ang paglilinis ng kwarto at bumaba para makaluto na ng dinner namin.


Papalapit na ako ng makita ko si Manang Fe na kakatapos lang hugas ng plato.


"Magandang gabi, Iha." Masiglang sabi ni Manang Fe sakin.


"Good evening din po, Manang."


"Maupo kana Iha, nakapagluto na ako ng hapunan niyo. Mag hahain na lang ako."


"Tulungan na kita, Manang." Sabay kuha ng mga plato sa lalagyan at nilagay sa hapag kainan.


Habang nag hahain kami at inaayos ang mesa para makakain na ng biglang bumukas ang pinto.


"Ami." Sigaw na patakbo ni Yohan. My one and only son. My Life.


"My baby." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. "How's my baby?"


"I'm god, Ami." nakangiting sabi nito sakin. Napatawa na lang ako dahil sa pag kabulol nito mag sabi.


"Na miss ka ni Mommy. Mae." Tawag ko sa yaya ni Yohan.


"Yes po, Ma'am?"


"Paki-akyat na si Yohan, para maka pagbihis na at makakain na ng hapunan."


"Opo, Ma'am." Sabay buhat ni Mae kay Yohan papuntang hagdan paakyat.


After a minutes nakababa na sila at pumunta na sa hapag para kumain.


Habang sinusubuan ni Mae si Yohan. Ako naman nakatayo lang malapit sa may mesa at nakangiting pinagmamasdan si Yohan. Kuhang kuha talaga niya ang mga berdeng mata ng kanyang ama. Mapupulang labi, ang makapal niyang kilay at matangos na ilong. Baby version ng kanyang Ama.


Yohan is 4 year old.  Simula nung nag kaisip na si Yohan lagi na niyang tinatanong sakin kung nasaan ang daddy niya, isang mahigpit na yakap lang ang naging tugon ko sa anak ko.


Naging mahirap sa tulad ko ang maging isang single parent. Kasi simula nung nalaman ng mga magulang ko na buntis ako pinalayas ako ng mansion dahil ayaw daw nilang maging usap-usapan na nabuntis ako, kaya yun wala akong naging choice kundi umalis na lang ng bahay namin.


Buti na lang may kaibigan akong tumulong sakin. Nag pakain sakin, nag alaga, at nandiyan para maging sandalan ko sa mga oras na nasasaktan at umiiyak ako. Malaking naging tulong ni Liam saming mag-ina. Siya ang gumastos sa lahat ng mga kailangan naming mag-iina, habang dala-dala ko si Yohan sa sinapupunan ko hanggang sa ngayon.

Dark of Erotica: The Forbidden Sin [R-18]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt