Chapter 9

4.2K 32 3
                                    

Chapter 9



NAKAUPO padin sila Joaquin. Gusto niyang yakapin ito pero nag dadalawang isip siya. Hindi dahil sa torpe o hindi niya kaya kundi dahil nirerespeto niya ito.


30 minutes bago dumating sina Liam sa hospital. Nag paalam na lalabas si Liam. Nang makalabas si Liam ay agad namang sumunod si Joaquin.


Hindi pa nakakalabas ng hospital si Liam ay agad na siyang sinuntok ni Joaquin. Kanina pa siya nag titimpi. Hindi niya alam kung bakit nandun ang babae sa bahay niya. Nagagalit siya dahil loob pala ng Limang taon niyang pag hahanap ay kakilala at sa bahay pa nga niya ito nakatira.


Pagkasuntok ni Joaquin ay agad namang bumawi ng suntok si Liam.


"Putangina ka ba?" Pagalit na tanong ni Liam. Pero agad namang bumawi ulit ng suntok si Joaquin.


Hinawakan niya ito sa magkabilang kwelyo ng damit. Pero agad namang binawi ni Liam.


"Kaibigan kita! Nag tiwala ako tapus ganto ang malalaman ko! Tangina, Liam!" Hindi niya kayang mag pigil ng galit ng matagal. Nung nasa bahay palang ni Liam gusto na niya itong suntukin dahil sa galit at pag kadismaya.


Bubunot na sana si Joaquin ng baril sa likod niya ng biglang narinig niya ang boses ng babaeng mahal niya. Mas lalalo siyang nagalit ng tawagin nito ang pangalan ni Liam. Kaso pinipigilan niya dahil nasa harap niya ang babae.


"Liam." Tawag niya dito.


Bago pa makalakad palapit si Liam sa babae ay may binulong si Joaquin sa kanya pero binaliwala lang ng lalaki ito. Parang wala siyang narinig.


"May kaila—" Naputol ang sasabihin ni Liam ng maunahan siya ng Yuna na mag salita.


"Anong nangyari sayo? Okay ka lang? Masakit ba?" Sunod sunod na tanong ni Yuna. Mas lalo siyang nasasaktan dito. Hindi niya kayang makita silang dalawa.


Naglakad na palayo si Joaquin at sumakay sa kanyang Koenigsegg jesko niya. Binuhay niya ito at humaruruot siya ng mabilis.


Kung halos sa limang taon para siyang mababaliw kakahanap sa babae. Pero nang makita niya ito may mahal ng iba at isa pa sa kaibigan niya.


May anak sila? Paano siya?

Mali pala lahat ng inaakala niya. Hindi niya anak ang bata. Kaya pala iba ang nararamdam niya ng unang makita ang bata may naramdaman siya hindi niya mapaliwanag na akala niya ay anak niya. Nagkakamali siya. Anak ng Dalawang taong naging mahalaga sa buhay niya.


Para siyang mamabaliw na hindi niya alam.


Dumiresto siya sa opisina niya hindi para makita pagkita sa kahit kanino, kahit sa meeting niya. Naka sakay na siya elevator ng biglang may pumasok. Nasa 200 Floor ang building at nasa Top floor ang opisina niya. Simula ng hindi na kaya ng kanyang ama na patakbuhin ang companya siya na ang pumalit dito.

Dark of Erotica: The Forbidden Sin [R-18]Where stories live. Discover now