Chapter 14

4 3 0
                                    

*Jake's POV

"Last lap nalang!!" Sigaw ko habang pawisan ang buo kong katawan.

Nakita kong nagbabasa nanaman si Lola Celia nang libro, habang nakaupo ito sa isang malaking bato.

"Magaling iho, pagtapos nyan ang isipan mo naman ang ating sasanayin.." Nakangiti nitong sambit sabay buklat ulit nang pahina  sa kanyang binabasang libro.

Sinasanay ako ni Lola Celia dahil may kakaiba daw akong regalo na kapareho nang sa kanya, ngunit may kakaibang dilim at liwanag daw siya nakikita sa puso ko. Hindi ko alam ang meaning nang mga sinasabi nya. Pero sigurado akong iba nga talaga ako sa ibang bata na nakakasama ko. Hindi kodin alam kung bakit may ganito akong 'regalo' kung regalo nga talaga ito. Normal naman ang aking mga magulang. Hayss ewan.

"T-tapos napo—" hindi pako tapos magsalita nang itutok nya sakin ang isang pistol na baril.

"Ayaw mong iwasan?" Seryoso nitong tanong.

"Papatayin mo ba ako?" Pambabaliktad kong tanong na kanyang kinatawa sakin, kaya napatawa din ako.

Binaba nya ang kanyang baril sabay senyas sakin na umupo sa tabi nya...

"Alam mo iho, hindi ka dapat nagtitiwala nang buo kahit kanino— kahit sakin na guro mo... Dahil balang araw, kahit ako mismo maari mong maging kalaban." Hindi ko maintindihan ang point niya.

Kasi naman, tinuturuan nyako nang mabuti tapos sa huli magiging kaaway ko pala siya?... Ano yun, pinalakas at sinanay nya lang ako para maging kalaban... Wtf?!

"Darating ang araw kailangan kong magpaalam sainyo nang mga apo ko... At gusto ko sanang protektahan mo sila kahit anong mangyariPakiusap Jake, iho" Saad ulit nito sabay hawak sa kamay ko.

Wala talaga akong maintindihan sa sinasabi nya ngayon, tae yan. Kaya wala akong nagawa kundi—

"S-sige po... Pero—"

Susubukan ko pa sanang kuwestyunin siya pero bigla akong nakaramdam nang pagkaantok, at unti-unti kong nasilayan ang napakadilim na paligid.

"H-hello..." Utal kong sambit ngunit wala akong narinig na kahit anong response.

Nagsimula akong maglakad sa madilim na lugar na ito hanggang sa makarating ako sa lugar na may nag iisang liwanag. Sa gitna nito may nakita akong lalaking nakaupo na parang hari. Balak ko sana itong tanungin kung saan ang daan palabas, pero bigla nalang itong tumawa na parang isang baliw.

Lalapit pa sana ako nang konti, dahil hindi ko maaninag ng mabuti ang mukha nito, ngunit bigla itong nagsalita.

"Matagal kona din itong iniintay tanda... Bakit ngayon lang WHAHAHAHHAHAHA!" Malamig nitong saad, sabay tawa na parang nag tagumpay ito.

The Inside[The Angel of this Dark World]Onde histórias criam vida. Descubra agora