Chapter 3

15 4 0
                                    

*Rose POV*

"Rose— Anak!" Napalingon ako kay mama habang naghahanda kami nang pagkain sa plaza.

"Bakit po?" Tugon ko.

"Naalala moyung bagay na nasa laboratoryo nang papa mo?"

"Ah! Yung espada?!— na magiging susi para wakasan ang kadiliman! Yun ba Ma?"

"Oo nak. May ihahabilin sana ako sayo tungkol doon...."

Hindi nako umimik at nanatiling nakatingin kay mama.

"Pagdumating ang panahon na lumipas na ang panahon namin nang iyong ama..... Pinagkakatiwala ko ang sandatang iyon para ibigay sa lalaking nag ngangalang 'Jake'. Dahil siya ang magiging susi para wakasang muli ang darating na kadiliman sa mundong ito....." Seryosong saad ni mama na kinatayo ng balahibo ko sa braso.

"P-pero bakit hindi nalang kami ni bunso ang maging katiwala nang espada nayon? — tutal naman may dugo kaming angel katulad ni papa! At—" hindi kona natapos ang pagrarason ko nang hawakan ni mama ang magkabila kong braso sabay tingin saakin nang puno nang pag-aalala.

"Basta gawin mo nalang ang pakiusap ko, Rose, Anak!" Nagulat ako sa pagsigaw ni mama kaya napa lunok ako nang aking laway.

"B-bakit ba hindi kami pede?— k-katulad ba namin ang lalaking yoon... N-na a-angel?" Takot kong tanong na kanya kinabitaw sa magkabila kong braso.

"Hindi niyo siya katulad. He's something else. At siya ang batang nasa panaginip ni Madam C. — Ang lalaking gagamiting instrumento nang Diyos para  magapi ang kadiliman......." Balisang  saad ni mama kaya niyakap ko ito.

"Bakit kayo natatakot Ma..... Maliligtas naman nya pala ang mundo...." Tanong ko na kanyang kinahinga nang malalim.

"Dahil ang batang iyon ay namatay para sa kapayapaan nang mundo......" 

Hindi ako makaimik sa sinabi ni mama. Para kasing unfair.....

"Paano kopo malalaman na siya na ang nakatadhana? Eh, madaming Jake sa mundo!" Kyuryosidad kong tanong.

"Makikita at mararamdaman mo anak..." Saad ni mama sabay ngiti.

-----------------

"Manang, pwede magtanong?" Mahinhin kong saad habang naglalagay ito nang pagkain sa lamesa.

Tumingin lang ito saakin at walang alin langang tumango.

"Kaano-ano po kayu ni Jake?"

"Alaga ko lang ang batang yoon, Medyo may katigasan lagi nang ulo pero 'mahal na mahal' ko yun" Saad ni manang sabay bigay saakin nang matamis na ngiti.

The Inside[The Angel of this Dark World]Where stories live. Discover now