Chapter 12

6 3 0
                                    

*Jake POV*

Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko kanina, para bang sinasabihan ako nang instinct ko na may masamang mangyayari kina Sophia, Bea, Hazel, at Chriztelle... naka unlock bako nang new ability sa demonic power ko? Hays ang gulo! Pero mas mabuti na siguro ito para maging ligtas sila palagi.

Akala ko pagbalik ko sa mansyon, ay magwawala sa galit sila Lance or si Raymond sakin. Pero iba pala ang magiging ganap ngayon sa bahay na ito...

"Yow! you wanna chill?" Tanong saakin nang isang babaeng lasing habang nakahawak sa braso ko. Hindi ko ito pinansin at kaagad kong tinanggal yung kamay nya sa braso ko.

Ginabi nadin kasi ako nang uwi. Nakita ko si Rose, kay tiningnan ko ito para sana tanungin pero nag kibit-balikat lang ito sakin. Sobrang daming kabataang tulad ko na amoy alak at amoy drugs. Madami ding mga naghahalikan, nainom, nag v-vape at marami pang iba kalokohan ang nakikita ko.....

Dederestsyo na sana ako nang aking kwarto nang bigla akong nakarinig nang putok nang baril. Dahil sa ingay nang pagputok nang baril ay para bang natauhan ang bawat kabataan sa buong paligid. Yung iba nagtakbuhan, yung iba parang bangag na nakatingin sa pinanggalingan nang tunog. Nakita kong nakahandusay at namimilipit sa sakit si Raymond.

"Ayus kalang?" Malamig kong tanong na kanyang kinailing at umiyak na parang bata.

Itatayo kona dapat si Raymond nang biglang nakarinig ako nang nasigaw na lalaki.

"Don't give that look, Lance. Ang usapan natin ay '50,000 in 300 grams'. But you give me 15,000?! Are you sh*tt*ng me?!"

Hindi ko maintindihan ang sinabi nang lalaking may dala nang baril na nakatutok ngayon kay Lance.

"N-naubos na ang allowance na galing k-kay D-dad.... K-kaya bigyan mopa ako nang palugit para sa k-kulang..." Actually ngayon kolang makitang ganito si Lance, katakot.

"Argh! Napipikon talaga ako sa mga taong katulad mo-" Hindi kona pinatapos ang pagsasalita nang lalaki at hinawakan ko ang baril nito.

Tinginan ko ito nang matalim na kinakunot nang noo nito.

"And who the h*ll are you?!"

"Ako?-" saad ko sabay hablot ng mabilis sa baril nito. "Ako lang naman ang magpapatahimik sa kaingayan mo ngayon."

Tumawa ito nang malakas na parang hindi takot sa banta ko sa kanya.

"You sure about that?" Sarcasm na sambit nito sabay senyas sa mga kasama nya.

Pinalibutan nila ako, habang si Lance naman ay naramdaman kong naatras nang dahan-dahan.

"Sige magsubukan tayo." Malamig kong saad sabay tutok nang deretsya sa kanya ang baril na inagaw ko kani-kanina lang.

Nagtakbuhan ang lahat nang tao sa paligid ko. Natira lang ang tauhan nang mokong na ito, kasama sila Lance at Raymond na ngayon ay wala nang malay.

"Y-your k-kidding r-right?..." Utal na saad nito.

"Sa tingin mo?-" kinalabit ko ang gatilyo nang baril, nakita ko ang matinding takot sa mata nya. Kaya napangisi nalang ako, kala kopa naman matapang. "At pwede ba! Wag mokong englishin dyan!" Patuloy ko.

"Y-you w-won.. but only today!" Pagyayabang nito na kinatawa ko nang peke.

"Alis na!- at wag na wag mong subukang saktan uli ang mga kapatid ko. Dahil ako ang makakalaban mo."

Hindi na ito umimik at kaagad silang umalis. Hays.

Pinuntahan ko agad sila Lance. Nakita kong naiyak si Lance habang nakayakap kay Raymond....

The Inside[The Angel of this Dark World]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon