Chapter5

11 2 0
                                    

*Third Person POV*

Nilabas nang lalaking nagngangalang Lethevian ang kanyang dalawang katana at hinataw ang lamesang sinipa ni Jake. Nahati sa dalawa ang lamesa dahil sa paghataw na ginawa ni Lethevian. Hahatawin pa sana nya ito nang yakapin siya ni Jake sabay tulak nang matindi palabas nang pintuan.

Tumayo si Jake at tumingin kina Rose.....

"Ayus lang ba kayo?" Malamig nitong saad na kinatango lang ni Rose.

"AT SINO KA NAMANG HANGAL ANG GUMAWA NITO SAKIN!- HA!!?" Sigaw ni Lethevian habang natayo.

Sinuot ni Jake ang kanyang Mask sabay binilog ang kanyang dalawang kamao para maghanda sa pag-atake.....

"Jake!!" Sigaw ni Rose sabay hagis nang Dagger dito.

Sinalo nya ito na kinahiyaw nang mga taong nasa paligid nila, akala nang mga ito ay simpleng laban lang ang magaganap kaya nagsilabasan sila nang kani-kanilang phone upang videohan ang mangyayaring pagtutuos.

"POPROTEKTAHAN MO ANG BABAENG IYAN?! HAHAHA! HINDI KANAMAN HANGAL?!" Pangangasar pa nito na kinahagis agad nang Dagger ni Jake. 

Nailagan ni Lethevian ang Dagger na kinatawa nito nang sobra.

"Wag kang puro tawa!!" Sigaw ni Jake sabay suntok nito sa panga ni Lethevian.

DEATH! DEATH! DEATH! DEATH!

 Sigaw nang mga taga hanga ni Jake habang nakabulagta si Lethevian. Lumapit si Jake dito at sinakal ito paitaas. Na kinatakot ni Rose dahil may kakaibang aura ang lumabas kay Jake.

"SINO ANG NAGPADALA SAYO?" Malamig nitong saad na kinatawa ulit ni Lethevian sabay dura nang dugo sa mukha ni Jake. "SABING SINO!" Hiyaw ulit  ni Jake sabay hagis kay Lethevian sa battle cage na kinawasak nito nang sobra.

"S-SATINGIN MO! K-KAYA MONG PROTEKTAHAN ANG BABAENG IYAN?! HAHAHAH N-NAGKAKAMALI KA! MADAMI KAMING SASAKOP NANG MUNDO NYO! AT HINDI NYO KAMI MAPIPIGILAN!!!"Napalitan nang takot ang buong paligid sa bawat salitang binigkas ni Lethevian na mala demonyo ang tono.

Lumutang si Lethevian na kinagulat nang lahat.......

"MATAKOT KAYO SA LAKAS NG KAPANGYARIHANG HATID NANG KADILIMAN!! WAHAHAHA!" Sigaw ni Lethevian na kinatakbo nang lahat palabas. "GANYAN NGA!! TAKBO!! TUMAKBO KAYO!— TUMAKBO KAYO DAHIL SA TAKOT!!"

Habang nakalutang at pinagmamasdan ang mga taong takot na takot. Hinahanda naman ni Jake ang kanyang sarili sa pag-atakeng muli ni Lethevian, nang......

"AT IKAW ANG UNANG MAMATAY ROSE!!!" 

Lumipad ito nang mabilis sa kinaroroonan ni Rose nang harangin ito ni Yaya Mel. Binangga lang ni Lethevian si Yaya Mel kaya napatalsik ito nang malayo at nawalan nang malay. Ginamit ni Rose ang kanya Teleportation para mapalapit kay Yaya Mel at mapalayo naman kay Lethevian.

"M-manang? G-gumising k-ka...." Utal na saad ni Rose habang inaalog si Yaya Mel, para magising.

"N-nay! Nay!!" Sigaw ni Jake pero wala pading response kahit isa.

Niyakap ni Jake nang sobrang higpit si Yaya Mel habang binibigkas ang salitang "Nanay, Gumising ka!". 

"WAHAHAHA HUMARANG KASI, AYAN NAUNA NA SAINYONG DALAWA!" Dahan-dahang nilapag ni Jake si Yaya Mel sa may hita ni Rose. Tumayo ito habang nakayukom ang dalawang kamay, at punong-puno nang galit ang mga mata nito. At naglabas pa ito nang sobrang dilim na aura.

"ANONG NAKAKATAWA? SIYA NALANG ANG MERON AKO SA BUONG BUHAY KO......" Pagkatapos sabihin ni Jake yoon ay sumugod ito na parang kidlat sa bilis at itinarak ang Archangel sword sa dibdib ni Lethevian. 

The Inside[The Angel of this Dark World]Where stories live. Discover now