KABANATA 25 : pleasure

16 1 0
                                    


★pleasure★

Heart's POV

Tiningnan ko ang maamo niyang mukha habang nagmamaneho. Maaliwalas naman pala talaga ang kaniyang mukha, ngunit napakasuplado at sungit din kapag nawawala sa sarili.

Nagulat ako ng mapansin na nakatingin na din siya sa akin at nakangisi pa! Napalunok ako at inalis agad ang tingin sa kaniya. Nang tiningnan ko siyang muli, naiiling naman siyang ngingiti-ngiti na ngayon.

May topak din pala ang isang 'to!

Tumikhim siya at sinabing, "Ayos lang naman sa akin, kapag titigan mo 'ko ng ganoon." Nakangiti pa ring aniya. Napakagat-labi na lang ako sa kahihiyan. Kapal! Hindi ko na lang siya pinansin at pinanatili lang ang tingin doon sa unahan.

"I-iliko mo diyan," utos ko sabay muwestra ng kamay sa kaliwang daan nang makitang malapit na dito ang daan papunta sa munting karinderya namin.

Sa karinderya na lang ako didiretso, baka kasi nandoon pa sila at maabutan ko pa.

Nang papalapit kami nang papalapit ay may naramdaman akong kakaiba. Kakaibang hindi maganda, hanggang sa marating din namin ang tagpo na kung saan madaming tao ang nakapalibot sa karinderya namin.

Dali-dali akong bumaba at sumuksok doon sa mga taong nakaharang sa daan. Kung saan ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang pagbubulungan.

"Kawawa naman sila."

"May masamang espiritu sabi sa pamilyang iyan eh, napakamalas, kaya nga hindi na kami bumibili diyan baka madamay kami sa malas."

"Buti na lang at napatay agad yung apoy bago tuluyang sakupin lahat ng apoy ang mga bahay dito, dahil sa kapabayaan ng pamilyang iyan!"

Kapabayaan? Wala silang alam sa nangyari pero ang bilis nilang magkomento ng kung ano-anong ’di naman totoo.

"Excuse me po!" saad ko habang dumadaan doon. "Excuse, excuse me, ano po ang nangya-" napatigil ako ng makita ang karinderyang umuusok na para bang kakapatay lang ng apoy nito, ang mga gamit sa kusina ay nagsikalatan na at pati na rin ang mga mesa ay mga sira na dahil nabagsakan ito ng mga kahoy at bagay na mabibigat.

Ramdam ko ang lamig sa aking katawan, ramdam ko ang panghihina dahil sa natuklasan. Ang mga butil ng pawis sa aking noo at mga maiinit na luha na siyang nag-uunahan sa pag-agos sa aking pisngi.

Mabilis akong napadpad sa pamilya kong nag-iiyakan na lamang, "Ma... pasensya na nahuli ako," hinihimas ko ang likod ni mama habang yakap ko siya. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luhang hindi mapigilan sa pag-uunahan, nakikisabay sa sakit na siyang nararamdaman.

"Heart, a-ang p-papa mo... Hindi niya magugustuhan ito," mahinang ani ni mama dahil na rin sa hikbing pilit niyang pinipigilan upang 'di makawala.

"Ma, ang mahalaga po ay ayos lang kayo. Hindi po magdaramdam si papa dahil diyan dahil mas mahalaga po ang mga buhay niyo."

"Heart, pasensya na hindi agad natupok ang apoy, mabilis ang pagkalat ng apoy kanina at naglaglagan agad ang mga gamit at mabibigat na bagay." Saad ni Nell.

Buti na lang at wala kaming masyadong gamit dito.

"Wala iyon Nell, ang mahalaga ay safe kayong lahat." Nakangiting saad ko sa kaniya. "Salamat, salamat sa inyo Aling Julie dahil hindi niyo kami pinapabayaan." Tumango at napangiti naman sa sinabi ko si Nell.

"Anupa't tayo-tayo lang naman ang naririto. Ang sasama ng mga tingin nila sa pamilya namin, nadamay pa kayo." Tumatangis na sabi ni Aling Julie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Own Heartless PrinceWhere stories live. Discover now